IKALAWANG PAHINA

239 13 5
                                    

Chapter 2: DREAM

"I'll be back Jun, I promise."

After I heard that voice, my eyes opened. The warmth of the sun greeted me and it's as if I heard a voice of an angel whispered right in my ear.

'Who are you ?' tanong ko sa sarili.

Dalawang araw matapos akong magising ay dito parin ako sa hospital. Ang alam ko ay matagal pa bago ako lalabas dito. Maybe aabot ng kalahating taon. Dahil na rin sa paa kong kailangan i-recover. I'll spend my months recovering. Then lalagyan ng bakal and after that I'll practice walking again. It's like rehab.

"Naku ija pasensiya ka na ha ? May board meeting kasi ulit kami ikaw lang ang alam naming pwedeng magbantay kay Jun." dinig kong ani ni Mama kay Ayu na naandito na naman para magbantay sa akin. Medyo nahihiya na nga kami sa kaniya but she is the one who insist.

"Naku Tita ok lang po. Magagaling naman ang mga staff sa cafe ko kung kaya't pwedeng pwede munang iwan sa kanila.." galak niyang ani.

I smiled upon hearing her voice. Dahan dahan akong bumangon at agad siyang napatingin sa pwesto ko.

"Oh ! Gising ka na !" She smiled widely, I can't help but chuckle.

"Oh siya maiwan ko na kayo ha. Baby alam mo na.. " kumikindat kindat pang ani ni Mama. She really like Ayu for me.

"Gusto mo bang lumabas mamaya ? Maganda ang panahon ngayon maaliwalas." Tanong niya pagkalapag niya ng mga pinamiling pagkain.

"Hm-mm.. Basta kasama ka."

Nakita kong namula ang tenga niya sa mabilis kong banat na iyon. Two days ko palang siyang nakasama ay di maitatangging masaya ako pag nariyan siya. Ayu is not hard to like.

Nagpanlumbaba ako habang tinitignan siyang ayusin ang agahan namin. I like staring at her while she's looking away. Every detail of her face never fails to amaze me. From her eyes, nose, to her lips. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa di malamang dahilan. Dahil dun ay inalis ko ang tingin sa kaniya.

"Tara kain na tayo.." she cheerfuly said.

We ate our lunch merrily. Marami siyang kinukwento sakin. Kahit yung mga most embarrassing moment niya ay kinuwento niya and I find her really cute. Nakatitig lang ako sa kaniya buong magdamag.

"Dahan dahan.." paalala niya.

Inaalalayan niya ako ngayong sumakay ng wheelchair ko dahil sabi niya ipapasyal niya raw ako sa labas. The clear blue sky greeted me as we come outside. May mga ibang pasyente din na nag-iikot sa labas. May naka wheelchair. May mga nakatayo at dala dala ang dextrose nila.

Dinala niya ako sa gilid ng hospital kung saan mayroong isang pahabang upuan at may butterfly sanctuary sa harap noon.

"Meron palang ganito dito ?" I asked her.

Naupo siya sa upuan habang ako ay nasa harap lang niya. Nakatagilid ako sa kaniya at kitang kita ko ang mga paro paro mula dito.

"Noong mga araw na hindi ka pa gising nakita ko ang lugar na to. Sabi ko noon kapag nagising ka ay dadalhin kita dito at dalawa na tayong manunuod ng mga paru-paro." Nakangiti niyang saad habang tinatanaw ang sanctuary.

Napangiti din ako. Imagining those days of her spending time here alone while thinking of me made my heart flutter.

Natigilan ako ng lumagpas ang paningin ko sa likuran niya at may nakita akong babae na may hawak hawak na mga pulang rosas. As if on cue, an image of me holding the same flowers flashed on my mind. Napahawak ako sa ulo ko nang bahagya iyong pumintig sa sakit.

"Jun ok ka lang ?" I heard Ayu worriedly said.

Agad na napabalik ang paningin ko sa kaniya at binigyan siya nang tipid na ngiti.

"A-ah yeah Im fine.." pilit na ngiti kong tugon.

Napakunot ang noo ko. Sabi ng doctor ay wala akong amnesia pero bakit ganoon ? Tila may importanteng bagay akong nakalimutan.

"Maybe the day of the accident." Sabi ng doctor ng sinabi ko sa kaniya na parang may ala ala akong nakalimutan.

Ala-syete na ng gabi at naka uwi narin si Ayu. Pabalik narin dito ang mga magulang ko sa hospital kung kaya't pinauwi ko na si Ayu para makapagpahinga.

"Pero feeling ko rin Doc na may tao akong nakalimutan. May napapanaginipan akong babae pero tanging boses niya lang ang naririnig ko." Naguguluhan kong saad.

Tila nag-isip naman ang Doctor at napapabuntong hiningang tumingin sa akin.

"Siguro bago ka maaksidente ay ang babaeng iyon ang nasa isip mo at tanging siya lang ang nakalimutan mo at lahat ng bagay na naka ugnay sa kaniya. Huwag kang mag-alala ijo babalik din iyan, its just a selective amnesia." Nakangiting sabi ng Doctor at tinapik niya ako sa balikat saka siya lumabas.

Napabuntong hininga ako at tinitigan ang puting kisame ng kwarto.

'Sino ka ba ? Importante ka ba sakin at ikaw lang ang nawala sa ala-ala ko ?' naguguluhan kong ani sa isip at pinilit mag-isip kong may maalala ba akong pangyayari o tao pero wala talaga, sumakit lang ulit ang ulo ko.

Pero nais ko paring malaman kong sino ang babaeng iyon. Mayroong kung ano dito sa puso ko na nakakaramdam ng kakaibang tuwa ng marinig ko ang boses ng taong iyon sa panaginip ko. Pero naisip ko rin, kapag naalala ko nga ang taong yun.. paano na si Ayu ?

'Nagugustuhan ko na si Ayu.. at kung importante nga ang babaeng iyon sa panaginip ko ano ng gagawin ko?'

Napapikit ako sa inis sa sarili. Kung importante nga ang babaeng iyon ay nasaan siya ? Bakit si Ayu ang nasa tabi ko at hindi siya ?

'Maalala man o sa hindi.. si Ayu parin ang pipiliin ko.'

Sydney, Australia

"Kanina ka pa tila di mapakali. May problema ba ?"

Nag-angat siya ng tingin sa taong nagsalita. Napairap na lang siya ng makitang si Hans Alexander pala iyon, ang lalaking laging nangungulit sa kaniya.

Nasa library siya ngayon at nagpapalipas ng oras. May 2 hours vacant pa kasi siya bago ang next session niya.

Kanina pa siya pabalik balik ng tingin sa cellphone niya dahil may inaantay siyang mensahe mula doon. Di rin siya makatawag sapagkat may tinatapos pa siyang notes.

"Ewan ko sayo Hans. Pwede ba iwan mo na lang ako ditong mag-isa mas matutuwa pa ako."

"Tch. Ang sungit mo talaga Rosé. Mag-iisang buwan na tayong magkakilala pero sinusungitan mo parin ako. Ba't nga ba kita nagustuhan." Irita nitong ani kung kaya kumunot din ang noo niya.

Dalawang araw palang mula ng maging magkaklase sila ni Hans ay sinabi na nitong nagugustuhan siya nito. Pero hindi maaari iyon dahil naiwan ang puso niya sa taong pinaglaanan niya nito.

Halos mapatalon siya sa gulat ng mag vibrate ang cellphone niya. Dali dali niyang binuksan ang mensahe na sana ay di nalang niya binasa.

”Gising na siya kaso.. may amnesia siya at tanging ikaw lang ang nakalimutan niya. I'm sorry Rose.”

To be continue...

🌸 LYS1: I Need You ✔Where stories live. Discover now