UNANG PAHINA

490 15 7
                                    

PAHINA 1: HER

Isang nakakasilaw na liwanag ang tumama sa aking mga mata nang ito'y unti-unting magmulat. Ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana na sa aking gilid ay diretsong nakatuon sakin. Naitakip ko ang isang braso sa mga mata at nakaramdam ako nang labis na panghihina. Nabigla ako dahil tila ba may nakakabit na mabigat sa brasong ini-angat ko. Nakaramdam din ako nang sakit sa ilang bahagi nang katawan ko.

'Asan ako ?' taka kong isip nang  makitang wala ako sa kwarto ko sa bahay.

Unti-unti'y inangat ko ang isa kong kamay at iyon ay tinignan. Mayroong nakatusok na mahabang bagay doon. Puro puti din ang nasa paligid ko.

'Hospital?' Anong nangyari? Bakit ako naandito?

"G-gising ka na ?!"

Kasabay ng pagbukas ng pinto sa harap ko ay ang gulat na gulat na may halong tuwa na mukha ng isang babae ang nakita ko. May mahaba siyang itim na buhok at napakaamo ng mukha. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar siya pero hindi ko naalala kung sino o saan ko siya nakita.

'Sino ka?' Nais kong itanong yun pero walang boses na lumabas sa bibig ko. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

Tinitigan ko lang siya ng lumapit siya sakin ng may galak sa mukha. Her eyes. I feel like I've seen it before. But is it really hers ? Napakunot pa lalo ang noo ko.

"Waaahh ! Gising ka na nga ! Teka tatawag lang ako ng Doctor." Aligaga niyang ani.

Akma siyang aalis ng pigilan ko siya sa kaniyang braso. Nagulat siya doon pero bigla ding namula ang mukha niya.

"B-bakit?" She asked.

I stared at her kung kaya't tila nailang siya. She has a pale white skin and pinkish lips. Napakainosente din ng buong mukha niya.

"Sino ka ?" Tila napakatagal na panahon na ang lumipas ng huli kong narinig ang sarili kong boses na tila ako ay nagulat din ng marinig iyon.

"S-sino ako ?" gulat niyang ani. Tila nag-isip pa siya ng sasabihin. Nag-iwas siya ng tingin bago sumagot ng "Ako ang nagligtas sayo ng naaksidente ka." She scratch the side of her cheeks.

'Aksidente ? Ako ? Naaksidente ?' ako naman ngayon ang gulat na nakatingin sa kaniya.

Tila gatilyo ang sinabi niya at isang imahe ng aking sarili na nabanggaan ng motorsiklo ang dumaan sa utak ko. May pares ng matang nakatingin sakin na puno ng pag-aalala. Mahaba at itim ang buhok. Maputi at inosenteng mukha. Napatingin ako bigla sa kaniya.

'Ikaw nga ba yun? Pero bakit parang hindi?'

Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko pero nagtaka ako ng di ko iyon maramdaman. Mabilis kong tinanggal ang kumot na nakapatong doon at ganoon na lang ang gulat ko ng makitang puro balot iyon.

"A-ano to?" nanlalaki ang mata kong sabi habang nakatingin sa mga paa ko.

"Luckily wala naman siyang amnesia which is rare lang na nangyayari sa isang taong nakadaan sa ganoong aksidente pero.." the doctor paused at tinignan ang mga paa ko "dahil nabagsakan ng motor ang mga paa niya'y  labis itong napuruhan. Ang tanging paraan na lang ay ang lagyan ng bakal iyan para makalakad siya ulit but ofcourse it will take time."

Marami pang sinabi ang doctor pero wala na akong narinig kahit ano noon. Tinanaw ko na lang ang ulan na patuloy na bumubuhos sa labas ng bintana. It create moist on it.

"Ah nga pala tinawagan ko na ang parents mo na gising kana. Maya maya ay nandito na sila." she started to talk to me again.

Natigilan ako sa sinabi niya. 'Oo nga pala, sila Mama.'

"Lagi ba silang naririto?" Tanong ko habang tinitignan siyang nagbabalat ng mansanas sa tabi ko. Napag alaman ko rin kanina na mag tatatlong linggo na pala akong tulog. Maybe because the accident gave a large impact on my body.

"Oo naman syempre ! Ikaw lang kaya ang anak nila Jun. Umalis lang sila kanina kasi nagka emergency daw sa company niyo." She said pagkatapos ay tumawa. Her laugh filled the room, somehow hearing her laugh made me at ease.

'Jun Kaizen. Yun ang ngalan ko.'

"Simula ba ng naaksidente ako ay lagi ka ring nandito ?" My question slightly taken her aback.

"O-oo naman.." hindi makatingin niyang ani sa akin.

"Bakit? Niligtas mo na ako pagkatapos nagbantay ka pa dito. Kaya bakit?" pang-uusisa ko sa kaniya.

Isang galaw ng kutsilyo at tapos na siya sa pagbabalat. Nakangiti niyang ini-abot sakin ang mansanas na binalatan niya.

"Kasi.. it's what my heart dictate me to do." Nakangiti niyang ani.

Napa iwas ako ng tingin sa kaniya at tinignan ang mansanas na nasa palad ko. I don't know but I suddenly felt happy.

"Does that mean--"

I didn't finish my sentence ng bumukas ang pinto at sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mama. Habang si Papa ay nasa likod lang niya at nakangiting nakatingin sakin. Bahagya lang siyang tumango sakin with a happy expression on his face.

"My baby thank goodness you're awake !" my Mom screamed.

"Ma ! Di na ko makahinga.." I struggled to breath.

Lumayo si Mama sakin at mahina akong tinapik sa balikat. Her tears started falling too.

"Ano ka ba ! Di mo ba alam kung gaano akong nag-alala dahil di ka parin gumigising ha ?! Tapos.. tapos.." she cried too much na di na niya matapos ang sasabihin.

Lumapit si Papa sa kaniya na natatawa bago yumakap kay mama.

"Tahan na. Pasalamat ka na lang at gising na yang makulit mong anak." Sabi ni Papa habang tinatapik tapik si Mama sa likod.

I sigh on the sight. Pero napangiti din kalaunan. I'm lucky to have them as my parents.

A giggle stopped us all from our moment. Napatingin ako sa bandang likod ni Papa kung saan siya nakatayo at nakangiting nakatingin sa mga magulang ko.

"Ah siya nga pala anak ! Naku muntik ko ng makalimutan." My mom giggled.

Lumapit si Mama sa kaniya na tumigil na sa kakaiyak at bahagya siyang iginiya palapit sakin.

"She's Ayu Juran. Siya ang nagligtas at minsa'y nagbabantay sayo anak." Ngiting ngiti na pakilala ni Mama sa kaniya.

'Ayu Juran.'

Her surename felt familiar. It feels like I've said it a lot before.

'Akala ko ba wala akong amnesia ? Pero bakit parang meron akong di maalala ?' naguguluhan kong ani sa isip.

"Bagay kayo anak.." My mama giggled at bahagya pang tinulak tulak si Ayu na namumula ulit ang mukha.

'Cute.'

"P-po ?! Hala.." her face looks uneasy at di alam kong titingin ba sakin or hindi.

"Talaga ?" I said and looked at her while smiling. Mas namula pa ang mukha niya kung kaya't lihim akong natawa..

Ayu Juran. Her name. Her eyes. It all seems familiar to me. Who really is this girl ? Why does it feels like I already know her ? But..

Why do I also have this feeling that she is not the one that I need ?

Sydney, Australia.

"Is he awake ?" Tanong niya na puno ng pag-asa..

"Hindi parin eh.." the voice on the other line was so sad na di niya ring maiwasang malungkot.

She stared at the falling snow. Idinikit niya ang mga palad niya at mahina iyong kiniskis. The cold made her breath create white smoke.

She was expecting something today but after that call it is still bad news.

"Jun Kaizen." She smiled as she puff her breath in the air. "I won't ever forget.”

To be continue...
 

🌸 LYS1: I Need You ✔Where stories live. Discover now