IKATLONG PAHINA

152 8 1
                                    

Chapter 3: HELP HIM REMEMBER

“Hindi ako makakapunta ngayon :3”

Napangiti ako ng mabasa ko ang mensaheng iyon mula kay Ayu. Hindi daw siya makakapunta ngayon dahil medyo busy sa Cafe niya. Ang cute cute niya talaga.

"Hmm.. mukhang masayang masaya ang anak ko ah ?" Narinig kong ani ni Mama.

Natawa ako sa sinabi niya. Binalingan ko siya na noo'y naka-upo di kalayuan sakin at nagpipirma ng ilang mga papeles. Nasa opisina naman ngayon si Papa dahil may mga naiwan din doong gawain. Dahil nga walang maiiwan ditto sa akin ay nagpresinta si mama na siya na muna, though sinabi ko naman na ayos lang kahit wala akong bantay.

"Ma, simula ba ng naaksidente ako'y laging nandito si Ayu ?" Kyuryoso kong tanong.

Napatigil si Mama sa pagsusulat at binaba ang salamin niya sa mata. Bahagya siyang nag unat unat ng katawan.

"Ay oo anak. Hanga nga ako sa batang iyon dahil walang araw na hindi iyon nandirito.." ngiting ngiti nitong ani.

"Talaga ? Alam mo Ma masaya talaga ako kapag nariyan siya."

Totoo iyon. Mag iisang buwan na at sa mga araw na iyon mula ng magising ako hindi ko manlang naramdaman ang sakit na mawalan ng kakayahang maglakad dahil nariyan si Ayu lagi para pasayahin ako. She made my days here not boring and happy.

"Naku gusto mo nga siya anak !" Amuse na sabi ni Mama. Tumayo siya at naupo din dito sa kama ko. "Gusto ko din siya para sayo." Siya sabay haplos sa buhok ko.

Di ko maiwasang mapangiti dahil sa mga babaeng nagpapasaya sa buhay ko ngayon. Si Ayu at Mama.

"Tingin mo Ma gusto din kaya ako ni Ayu ?" nahihiya kong tanong.

Mas napalawak ang ngiti ni Mama at mukhang kinikilig pa. She giggled and beamed at me.

"Naku anak ! Magtitiis ba yung bantayan ang taong niligtas niya kung hindi ? Ay kung ako sayo anak ligawan mo na !" Masayang masayang tugon niya.

Hindi ko alam pero parang may nagsabi sa utak ko na hindi si Ayu ang taong nagligtas sa akin. Tila ibang mga mata ang nakita ko bago ako nawalan ng malay.

"Ma.. si Ayu ba talaga ang nagdala sa akin dito ?" Tanong ko.

Kumunot ang noo ni Mama pero sinagot niya rin naman.

"Anak si Ayu ang nandirito pagdating namin noong araw na maaksidente siya. Siya rin ang kumontak sa amin. Teka, are you doubting her son ?" nagtatakang tanong ni Mama and gave me an indifferent look.

Napabuntong hininga ako at umiwas ng tingin. I am not doubting her. Pero bakit ganoon ? Iniisip ko na si Ayu ang nandirito para sa akin ng mga oras na wala pa akong malay ay nasasaktan ako ? May inaasahan pa ba akong ibang tao ?

"I'm not doubting her.. It's just that.. wala na bang ibang tao na bumisita sakin noon ?" Umaasa kong tanong.

Tinitigan ako ni Mama ng matagal at tila nag-iisip.

"Iyong babae parin bang may magandang boses anak ?" bigla niyang sabi na pumukaw talaga nang interes ko.

Napabalik ang tingin ko sa kaniya sa sinabi niya.

"M-magandang boses ?" Ani ko

"Noong college ka ay lagi mong kinukwento sa amin ang babaeng may magandang boses na lagi mong naririnig sa paaralan niyo. At noong araw nga na naaksidente ka ay sabi mo haharapin mo na ang babaeng iyon. Napakaaga mo ngang umalis sa bahay noon, kakatapos lang iyon ng graduation niyo." Napabuntong hininga si mama samantalang ako ay napatulala lang. "Pero anak kahit ako o ikaw ay hindi pa nakikita ang babaeng iyon.."

🌸 LYS1: I Need You ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ