"E-elmo.." mahinang tawag niya.



Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ito pero wala pa rin itong imik na para bang wala ito sa sarili.


Mahigpit siyang yumakap rito at napahagulgol siya nang malakas hindi na niya napigilang ang kanyang sarili.




"DNA test..." rinig niyang bulong ni Elmo. Humiwalay siya sa pagkakayakap rito at saka pinakatitigan ito.


Pulang pula ang mga mata nito at magang maga 'yon. Mukhang galing ito sa pag iyak.


Marahan niyang hinawakan ang pisngi nito.



"A-anong sabi mo?" mahinang tanong niya.


Nakaramdam siya nang pagsisikip nang dibdib nang tumingin na ito nang diretso sa kanya. Walang emosiyon sa mga mata nito, blangko lang ang mga yon na para bang hindi siya kinikilala nito.



"Dna test.. Gusto ko mag dna test kaming dalawa ni Jose Manuel at sisiguraduhin kong hindi siya ang totoo kong ama." biglang nanlilisik ang mga mata nito habang sinasabi yon.



Napaluha na lang siya sa mga nangyayari sa kanila pero sang ayon siya sa sinabi nito. Gusto niya ring malaman na hindi totoo na iisa lang ang ama nila at hindi sila magkapatid.






——






"Sir Jayden, meron ako magandang balita para sa inyo."


Napatigil siya sa kanyang pagsusulat nang marinig ang sinabi nang kanyang kamay.


"Siguraduhin mong gaganda ang araw ko sa balitang yan Tom."


Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at seryoso tiningnan ang kausap.


"Nagkakagulo na ang mga Magalona."


Napangisi siya nang marinig ang sinabi nito, napukaw nito ang kanyang atensiyon..


"Ipagpatuloy mo." wika niya.


"Base po sa nakalap namin na impormasiyon na hindi po totoong anak ni George Magalona si Elmo Magalona at anak ito sa matalik nitong kaibigan na si Jose Manuel."



What the fvck?! So hindi pala totoong Magalona ang ugok na yun?



"At sino naman itong si Jose Manuel?" pagtatanong niya. Biglang kumislap ang mga mata nang kanyang kanang kamay.


Mukhang gaganda nga ang araw niya sa sasabihin nito.


"Si Jose Manuel Salvador ang dating matalik na kaibigan ni George Magalona, ang totoong minamahal ni Slyvia Magalona.."



Tumigil ito sa pagsasalita at saka ito ngumisi sa kanya.


"At siya rin ang totong ama ni Janella Salvador na girlfriend ngayon ni Elmo Magalona."

Napaawang ang bibig niya sa narinig, prinoproseso niya muna sa kanyang utak ang mga sinabi nito hanggang sa tuluyan na siyang napahalakhak.


Magkapatid sila? Kapatid ni Elmo ang girlfriend niya ngayon?!


This is so funny!


"So incest na pala sila!" natatawang wika niya.



Umiling naman bigla ang tauhan niya dahilan para mapatigil siya sa pagtawa.



"So hindi sila incest? Eh anong tawag sa kanila ngayon?" seryosong wika niya.



"Hindi po talaga sila magkapatid dahil nagpapanggap lang po si Sylvia Magalona na anak ni Jose Manuel si Elmo, ginawa niya yon dahil sa pagmamahal sa lalaki kaya pati ang sarili nitong anak ay isinakripisyo para sa sariling kaligayahan." pagpapatuloy nito.


Bakit parang sumakit ang ulo sa mga sinabi nito pero parang maganda ang pakiramdam niya rito.


"At siguradong magpapa dna test agad sila dahil hindi papayag si Elmo na maging ama niya si Jose Manuel at hinding hindi rin siya papayag na maging kapatid niya ang sariling girlfriend."



Biglang lumawak ang ngiti niya nang biglang may maisip na plano.



Ngiting ngiti siyang tumayo at masayang tinapik ang balikat nang tauhan.



"Gusto ko pang magkagulo sila nang husto at alam mo na ang gagawin mo Tom." panay tango naman ito habang mariin na nakikinig sa sinasabi niya.


"Unahan mo sila sa dna test, manipulahin mo yung resulta at doon na ako papasok sa eksena." nakangising wika niya




Ngayon pa lang naeexcite na siya sa mga posibleng mangyayari at hindi na siya makakapaghintay.






At sa wakas, mapaghihiganti na rin kita anak ko..













——:9

So Into YouWhere stories live. Discover now