"Bigla kayang tumahimik ang paligid. Lalo na nung umalis yung tatlo. Ay... Si Zen lang pala. Boses niya nangingibabaw kanina eh."

"Sinabi mo pa. Idagdag pa 'yong si Calvin," sang-ayon naman ni Khlea.

"Si Jiro lang talaga ang matino sa mga 'yon eh," ani Acky na kinikilig pa.

"Kailan ba naman sumama sa paningin mo ang isang 'yon?" biro naman ni Khlea rito.

"Tse! Pero alam mo Khlea Marie, bagay kayo ni Calvin."

"Ayos ka lang, Zackry? Wanna punch?"

"No, thanks. Pero totoo nga. Sabi nga ni Zen ang cute niyo raw dalawa eh."

"Alam kong cute ako. Baka mali lang siguro ang pagkaka-construct niya ng sentence."

"Baka naman ikaw lang ang maling umintindi."

"Ito kayang si Dash ang tanungin natin. Ano nga, Dash?"

"Hmm?" Sa wakas ay sambit niya.

"Ang lagay eh kami lang ang nag-uusap dito? Di ka man lang nakiki-join."

"Nakakatawa kasi kayo eh. Tsaka wala naman akong maiisingit sa usapan niyo," depensa niya.

"Sus! Palibhasa wala si Mr. Clean," pang-aasar sa kanya ni Acky.

"Anong gusto mo Acky, away o gulo?" amok niya rito.

"Both. Kaya ba?"

"Mamaya na. After shift," patol niya sa sinabi nito.

Nagpatuloy pa sila sa pag-aasaran habang hindi pa ulit dumadagsa ang mga customers. Malaking tulong din kasi iyon upang hindi agad sila makaramdam ng pagod.

*****

Tapos na ang shift nina Dashnielle sa shop kaya naman napagdesisyunan na nilang umuwi kaagad upang maipahinga ang katawan. Nasa labas pa lang siya ng kanilang bahay ay naramdaman niya na parang may kakaiba rito.

Parang may something. Naisa-isip niya.

"Nandito na ako," bungad niya. Nadatnan niya ang kanyang kapatid na nanonood ng t.v.

"Ate!" Malawak ang ngiting salubong nito sa kanya.

"Wow ha, Dustin. Parang isang taon mo akong hindi nakita ah," pang-aasar niya rito.

"Bakit ba? Masama na bang bumati ngayon?"

"Heh! O eh bakit nga ba ngiting-matsing ka diyan?" Napalingon siya sa paligid. "Si Mama, nasaan?"

"Nagluluto doon sa kusina."

Agad naman siyang nagtungo sa hapag. Laking gulat niya nang makitang maraming pagkain ang nakahain doon.

Anong meron?

"Dashnielle! Nandiyan ka na pala," wika ng kanyang ina nang lumabas ito sa kusina.

"Kararating ko lang din 'Ma. Ah... Anong meron? Bakit ang daming pagkain?" naguguluhang tanong niya sa ina. Walang namang may birthday sa kanila.

"Kasi 'nak, may bisita tayo." Tulad ni Buknoy ay malawak rin ang pagkakangiti ng kanyang ina.

"S-Sino ho?"

"Ako." Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses na iyon. Hindi kaagad siya nakapagreact nang mapagtanto kung sino iyon. "Dashnielle, anak."

"P-Papa!" Agad niyang nilapitan at niyakap ang kanyang ama na matagal-tagal na rin nilang hindi nakita dahil naging madalang na ang pag-uwi nito. Walang paglagyan ang kasiyahang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. "Buti po at nakauwi kayo! Miss na miss na namin kayo!"

"Miss na miss ko na rin kayong tatlo. Pinayagan ako ng mga amo ko na magbakasyon muna ng kahit tatlong araw para makauwi naman ako rito.

"Tatlong araw lang ho?" nanghihinayang na wika niya.

"Oo 'nak eh. Iba't ibang lugar kasi lagi ang pinupuntahan ng amo ko dahil sa trabaho niya kaya malimit din niya akong kailangan parang ipagmaneho siya."

Nakaramdam siya ng lungkot. Hindi talaga biro ang pagiging isang driver. Naisip tuloy niya na halos araw-araw ding pagod ang kanyang ama. Kahit pa sabihing nakaupo lamang ang isang driver at iniikot-ikot ang manibela, hindi pa rin masasabing madali ang trabaho ng mga ito. Kaya naman proud na proud talaga siya sa kanyang ama.

"O siya, maupo na kayo at nang makakain na tayo. Pwede naman tayong magkwentuhan habang kumakain," masayang wika ng kaniyang ina.

Tinawag na rin niya si Buknoy at dumulog na sila sa hapag. Nagdasal muna sila bago kumain. Sobra-sobra ang sayang nararamdaman ni Dashnielle dahil sa wakas ay nakumpleto rin sila. Bitin talaga ang tatlong araw na bakasyon ng kanyang ama kaya naman susulitin na lamang niya ang mga araw na iyon.

*****

Votes and comments are highly appreciated. Thank you and God Bless!

Coffee FateKde žijí příběhy. Začni objevovat