I dedicate this chappy to yah eonnie~!!!!!!!!!!!! advance gift ko 'to sa'yo~!!! wanna see you on tuesday owkie?? let's celebrate together! hohohohoho~ aimishaa eonnie~ (~,^)vChapter 36
(Nanny Silva’s POV)
Hindi ako mapakali sa pagkakataong ito dahil alam ko sa mga oras na ito ay nagkita na sa wakas
sina Bridgette at ang lola niya. Di ko nga alam kung alam na ba ito nina ma’am at sir, kung
nasabihan ba sila ng alaga ko. Pero sigurado akong alam na ito ni Jerwin.
Andito lahat ang mga barkada nito sa sala at nagse-serve ako ng juice at biscuits sa kanila. Balisa
silang lahat at nag-aalala sa kung anuman ang kahihinatnan pagkatapos ng araw na ito. Kung
babalik nga ba ang alaga ko dito o doon na manirahan sa lolo’t lola niya, na yun naman talaga ang
natural na mangyari.
Pero sa huli-hulihan ay nakasalalay pa rin ang lahat sa desisyon ng alaga ko.
Naalala ko nung sinabi ko sa kanya na andito ang kanyang lolo’t lola at gusto nitong makita siya.
Tinanong ko siya sa kung anong maging desisyon niya kung tatanungin siya ng mga ito na
manirahan na kasama nila, kung papayag ba siya o hinde.
Napangiti na lang ako sa sagot niya.
“Inaamin ko po nanny na sa mga oras na ito ay wala pa akong tamang sagot sa katanungan yan.
Pero alam ko sa panahong kailangan na ang desisyon ko ay sigurado po akong tama ang
magiging kasagutan ko.”
Napangiti na naman ako ulit sa sagot niya. Panahon nga naman, kay daling lumipas. Dalaga na
ang alaga ko at nagmamature na. Di ako makapaniwala na noon ay pinapadede ko pa yan sa loob
ng crib nito at pinapatahan kapag iiyak.
Masaya ako dahil alam kong masaya ang alaga ko sa pamilyang nakagisnan niya. Natatakot ako
sa anuman ang mangyayari kung saka-sakaling tumanggi si Bridgette na manirahan kasama ng
Doña. Pero alam ko naman na mahal na mahal rin nila si Bridgette. Kahit na lumayas ang dad nito
YOU ARE READING
WANTED: KUYA...?
HumorShe lost her parents at a very young age and being adopted by a kind family with the help of her nanny. Ever since, she wanted to have an older brother and she found him in that family. What if she'll discover how dangerous it is to stay longer in h...