WANTED: KUYA...? - Chapter 13

8.8K 127 12
                                    

I dedicate this chapter to  you as my thanks sa pagbibigay ng time na basahin ang story ko at sa pagcocomment! kahit di man ako magreply sa lahat ng comments niyo pero binabasa ko lahat yun! kaya walang tampururut, owkie? (~,^)v

Chapter 13

(Kate's POV)

"Katey tapos ka na ba? Mas mabuti nang maaga tayong dumating doon at nang pwede tayong makaalis agad."

"Patapos na po kuya"

Kasalukuyang nagfinishing touch ako ngayon sa buhok ko. 

Simple lang naman ang style ng buhok ko kaya madali lang akong natapos.

Lumabas na ako at napasinghap nang makita ko si kuya na napakagwapo sa suot niya. Formal kasi ang party na dadaluhan namin ngayon. 

"Let's go" tapos bumaba na siya.

Yun lang? Di man lang nag-comment sa suot ko. Hmp!

Pagdating namin doon ay nilapitan agad kami ni Jena. Kung di ko pa nabanggit eh classmate namin siya ni Lovi sa Physics namin. Nakaupo lang siya sa bandang likuran ko kaya na-friend namin siya. Mabait naman siya at mahinhin. Actually 3rd year college na siya pero late niya nakuha ang Physics 1 kaya magka-classmate kami ngayon.

"Happy birthday Jena! Naku 18 ka na! Pwede ka nang mag-asawa!"

Namula naman siya sa sinabi ko.

"Naku wag ka ngang ganyan Kate, malayo pa yan no." medyo nahihiya pa niyang sabi.

"Asows! If I know magpo-propose na yang boyfriend mo ngayon dahil nasa legal age na kayo!"

Kahit mahinhin yan ay mas naunahan pa akong lumandi! Hahaha..  XD

Pero wala kayo, loyal na loyal ang bf niyan! Since highschool ba naman sila magjowa na! Edi kasalan na lang ang kulang!

"Hindi no! Napag-usapan na namin na tapusin muna namin ang aming pag-aaral. Mag-ipon pa kami para sa aming future." nakangiti niyang saad.

WANTED: KUYA...?Where stories live. Discover now