WANTED: KUYA...? - Chapter 17

7.8K 126 21
                                    

Thanks for being a fan and reading my stories... as a gratitude I dedicate this chapter to yah! love lots! ♥ ^___________^

Chapter 17

(Kate's POV)

"Kuya... pretty please...? Para sa grades...? Pumayag ka na... Promise uuwi ako ng maaga."

Tahimik pa rin si kuya. Maya-maya ay biglang nag-ring ang phone niya at sinagot ang kung sino mang epal na tumawag.

Naman eh! Moment namin yun ni kuya! Kailangan ko nang malaman agad ang desisyon niya. Epal naman oh!

(Jerwin's POV)

Sinagot ko yung sino mang tumawag sa'kin. Unregistered kasi.

Nakita ko namang lukot-lukot na ang mukha ni Katey.

Tss...

[Payagan mo na]

"What?? Sino to?"

Loko, ano bang pinagsasabi nito?

[Ouch naman Jerwin! Di mo na ko kilala? Ganyan ka ba makitungo sa bago mong kaibigan?]

Kung di ako nagkakamali...

[Ako to, si Yue]

Sabi na nga ba. Paano naman niya nakuha ang personal number ko?

[At wag ka nang magtaka kung bakit may number ako sa'yo. Resourceful pre! Resourceful!]

Psh! Yabang!

"Oh? Ano kailangan mo?"

[Payagan mo na ang pinakamamahal mong Katey]

"Teka, ano bang alam mo?"

[Alam ko lahat Jerwin. Ako na ang bahala. She's safe as long as I'm around.]

"Kuya! Ano na? Sino ba yang kausap mo at ang tagal niyo naman diyan! Uunahin mo pang makipaglandian kesa sa kapakanan ko??"

[BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!! Nakikipaglandian! AHAHAHAHAHAHA!!]

"Tumahimik ka nga!" tapos lumingon ako kay Katey.

"Kung gusto mong payagan kita mag-antay ka diyan!"

Inirapan lang ako ng maldita.

Tss...

[Payagan mo na kasi, bago pa kung anu-ano na naman ang hinala niyan sa'yo. Ahaahaha! XD]

Nagdadalawang isip ako kung mapagkakatiwalaan ba ang kumag na'to. Tsk!

Bakit ba kasi kailangan pa yang experiment-experiment na yan! Ayaw ko namang maging dahilan ang hindi pagpayag ko nito sa mababang grades ni Katey. Psh!

"Okay."

[Good. Ayan, sa wakas natuto ka nang pagkatiwalaan ako.]

"It doesn't mean anything like that. It's just that I don't have a choice."

[Naman pare! Wala ka talagang choice coz Kate is mine to protect. Not yours.]

"What-??"

---------------------End of Call-----------------------

Lenshak na kumag! Ano bang pinagsasabi niya?

Lumapit na ako kay Katey na ngayon ay di na maipinta ang mukha.

I sighed. 

"Okay, yes"

WANTED: KUYA...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon