WANTED: KUYA...? - Chapter 16

7.9K 113 8
                                    

Thanks po sa pagfan! as a sign of gratitude i dedicate this chap to you! ^______^

Enjoy reading~  (~,^)v

Chapter 16

LUNES.

=________= ako yan.

Tsk.. wala pa ring pinagbago tong eksena na to mula noong high school.

Ayan... maraming babae na nakanganga, nalupasay, nahimatay, naglalaway at tumitili ngayon. Kitang-kita nga sa mga mata nila eh, HEART na kasi ang hugis! ♥__♥

Ang siopao ba naman ng mga kuya KO eh talagang nakisabay pa sa amin! 

Biruin niyo ke aga aga ang ingay-ingay na nang bahay namin. Silang LAHAT ba naman nandun! 

Kaya ngayon ay sabay-sabay na pumasok ang mga to. Ang kinalabasan?

Eto... ang daming babae sa paligid namin ngayon. Kulang nalang dumugin kami-- este sila lang pala, kasi mukhang papatayin nila ako sa tingin. Sana andito si Lovi ngayon para may kasama akong matigok kung saka-sakali. Umuna ba naman ang loka at iniwan ako dahil alam na niyang mangyayari ito. Psh!

Wala pa rin palang kalaos-laos ang mga kamandag ng mga ahas-- este ng mga kuya KO!

Sige na..  sila na! Sila na ang sikat!

Kaway nang kaway naman si kuya Spicy sa mga kilig na kilig na mga babae sa paligid. Psh.. feel ko yan din ang isa sa mga ayaw masaksihan ni Lovi kaya umuna na ito. 

Si kuya Eli at kuya Jerwin naman ay mga walang pakialam kahit na nagkagulo na dito sa entrance gate. 

Sige sila na... sila na ang THE COLD ONES...

nyahahaha!! Parang twilight lang eh, the Vampires! Pero HOT din naman sila ah! Oh ano ngayon? Shape shifter na rin sila? O kaya naman combo na? Parang combo meals! XD 

(Nyahahaha... nagugutom po ang Ms. Otor habang nagta-type nito.. Kung sino may pagkain diyan penge naman... T___T)

WANTED: KUYA...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon