WANTED: KUYA...? - Chapter 4

12.7K 261 15
                                    

Thanks po sa pag-fan at paglaan ng time para basahin ang mga sinulat ko. thanks talaga... ^______^ 

Chapter 4

"Oy, wag mo kong bigyan ng 'what's-happening' look na yan. Ayan ka na naman sa hobby mong bigla-bigla nalang susugod dito sa kwarto ko dahil sa takot sa kulog. Malakas ang ulan kagabi at may bagyo daw. Sa susunod ila-lock ko na'tong pintuan ko dahil baka susugod ka nanaman dito. Tsk. Sagabal talaga sa pagtulog." humiga ulit siya sa kama at aaktong matutulog ulit.

"Iiiiiih! Kuya naman eh! Wag mo nang ilock ang pinto mo please? Pretty pleeeaaase~?" Kung ano man pinakakatakutan kong bagay sa buong buhay ko ay yun ay ang kulog at kidlat.

Para akong ma-paralyze pag iilaw na yung langit at signal na din na susunod ang kulog. Nakakatakot talaga!

"Ayoko nga! Di ka na bata para aluin pa pag natatakot ka nuh. Matuto kang harapin ang mga kintatakutan mo. Atsaka mahiya ka naman, tatabi-tabi ka sa'kin ang baho-baho mo naman"

"Hindi kaya! Mabango kaya ako palagi!" 'to talaga si kuya ang arte! Ang bango-bango ko kaya! 2 times a day nga akong naliligo eh. Minsan nga maging 3 times pa yan.

"Ah basta. Di ka na bata para magpupunta nalang dito sa kwarto ko ng basta-basta. You have to face your fear. Be strong. Yun lang. Makakaalis ka na. Matutulog na ako ulit." Ah ganun pala ha.

Tumayo ako sa kama ni kuya at nagtatalon habang nagsisisigaw.

"KUUUUUUUYAAAAAAAA!! ANO PA BANG ITUTULOG MO EH 6:50 NA NG UMAGA!! MAY KLASE PA TAYONG 8AM!! KUUUUUUUUUYAAAAAAA!! BANGON NAAAAAAAAH!!!" Nagtatalon pa rin ako nun nang biglang hinila ni kuya ang kanang paa ko kaya natumba ako sa kanya.

"Ang ingay-ingay mo talaga alam mo ba yun?" ang bango-bango ng hininga ni kuya kahit bagong gising. Amoy astringent ba yun? Sobrang lapit lang talaga ng mukha namin ngayon sa isa't isa. Pumaibabaw ako sa kanya mula sa pagkabagsak ko kanina.

"At ang sarap-sarap mong tirisin sa kakulitan mo. Hindi mo din alam yun no?" nakita kong naiinis talaga siya sa'kin.

"At ang sarap-sarap mo ring patayin...

Patayin sa kiliti!!"

"Wahahaahahaha!! Kuya ahahahahaahaha! Wahahahahahaha!! Kyahahahaha!! Kuya tama na! Sorry na! Wahahaha! Kuya!" Waaaaaah! Tinitoo talaga ni kuya na patayin ako sa kiliti ngayon.

Di namin namalayan na andun na pala si Nanny Silva sa may pintuan.

"Oh awat na kayo. Baka ma-late kayo niyan sa pasok niyo. Pinapasabi pala ng mommy niyo na di siya makakauwi for 1 week at yung daddy niyo naman ay uuwi na dito galing sa kanyang business trip sa Korea"

Umayos na man kami agad.

"Okay po nanny Silva" tanda niyo pa ba si nanny Silva? Siya ang nanny ko simula nung pinanganak ako. Siya ang tagapangalaga ko kapag busy sina mommy at daddy. At siya rin ang nagsabi kina mommy ngayon na ampunin ako. Kamag-anak kasi sila ni nanny at tamang-tama din na gustong-gusto ng babaeng anak ni mommy nun pero di na sila makakaanak ulit kaya napagpasiyahan nilang mag-ampon. At... ako yun! :D

---------------------------------------------------------------------------

Pumasok na kami ng eskwelahan at siyempre di mawala ang bulungan.

"Simula nang kasa-kasama ni Jerwin yang si K ay hindi na siya masyadong nagsu-suplado sa iba"

"Tama ka diyan. Nakikipag-usap na rin yan sa iba si Jerwin"

WANTED: KUYA...?Where stories live. Discover now