WANTED: KUYA...? - Chapter 3

14K 254 19
                                    

Chapter 3

"What do you like?"

Nakakahiya naman toh! Andito kami ngayon sa McDo kasi paborito ko talaga dito.

"Ahhh.. kahit ano na lang.."

"Sa pagkakaalam ko wala silang 'kahit ano' dito na maoorder"

Sabi ko nga.

"Spaghetti, Coke Float at isang medium size na French Fries"

"Okay, 2 spaghetti, 2 coke float yung monster size at 2 large fries" sabi niya sa cashier.

"H-hey, regular lang yung coke float ko atsaka ang fries"

"Don't worry mauubos natin lahat yun. Ang di makaubos, may punishment" he said playfully. Okay din ang topak ng taong 'to ah. Masakyan na nga lang.

Kumain na kami at napakatahimik ko ngayon.

Shy type kasi ako eh.

Weh??!!

Shaddap!

Shy type lang ako sa mga crush ko noh! Baka maturn-off to agad sakin.

"Napakatahimik mo naman ngayon"

"A-ah.. Nahihiya kasi ako sa'yo eh"

"Nahihiya?" He laughed. "Bakit naman?"

"K-kasi... crush kita eh" *gasp* natutop ko agad ang bibig ko.

AHMAIGHASSS! Di ko nakontrol ang bibig ko! Pati na rin ang bugso ng damdamin ko. Teka... bugso ng damdmin? At sa'n ko naman yun napulot? o.O?

WANTED: KUYA...?Where stories live. Discover now