WANTED: KUYA...? - Chapter 19

7.7K 113 15
                                    

I dedicate this chapter to this lovely person named EirahPaden. Hi there! thanks for being such a darling. Wish to know more about you dear~ (~,^)v

Chapter 19

(Kate’s POV)

“Hindi ka na makakabalik doon.”

“What??! Kuya naman, alam mo namang importante yun para sa aming grades.”

Atsaka di na ako makapa-cute este di na ako magkaroon ng QUALITY TIME na makasama si MM na kami lang dalawa. TT______TT

“O sige. Pupunta ka lang doon pag may kasama ka.”

“Eh? Kasama? As in chaperone?”

“Oo. Hindi na ako papayag na mag-isa kang pupunta. Wala akong tiwala sa MM na yun. Sa tuwing pupunta ka sa pamamahay nila dapat kasama mo si Eli.”

“Si kuya Eli?? Ha! Sa tingin mo papayag yun?”

“Don’t worry, nasabihan ko na siya at pumayag na siya.”

Well… okay lang siguro kung si kuya Eli kasama ko. Tahimik naman yun at walang pakialam sa paligid.. The problem is kung okay lang kay MM na may kasama ako. Parang nakakainsulto naman sa part nung tao na pinpakita talagang walang tiwala si kuya sa kanya dahil pinasamahan pa ako. Tsk tsk tsk… Pero wala na akong magawa. It’s been decided. Kung gusto kong matuloy ang experiment namin ay kailangan kong pumunta kina MM kasama ni kuya Eli. Psh! Hirap talaga pag wala kang choice kundi sumunod ka na lang. =_________________=

“Oh, ba’t ganyan ang mukha mo ngayon? Malayo pa biyernes santo ah.. ano yan advance?” bati ni Shar sa’kin tapos tumabi sa bench.

Andito kami ngayon sa may garden ng school. Nagmumukmok ako ngayon dito, tapos nakita pa ako ni Shar sa ganitong sitwasyon.Tsk…

“Ano problema sis? Spill na..”

“…..”

“Hanubayan! Sige nah! Wag ka nang mahiya! Eto namang batang to! Mahiya pang magsabi!”

“Loka! Bakit naman ako mahihiya, nag-iisip pa nga ako kung saan ako magsimula sa sasabihin ko.”

“Okay, sabi ko nga. Magsimula ka lang sa start. Go.”

“Eh.. di ko alam kung saan ang start..” kamot sa batok.

“Naku naman Kate! Ang start nasa sa hulihan sige, dun ka magsimula.”

“Labo naman..”

“Ikaw nga tong malabo, panung di mo malaman kung saan ang start.”

“Haaaay.. naloloka—“

“Hep! Wait! Bago ka matuluyan diyan.. sabihin mo muna sa akin what is this all about.”

“As usual si—“

“Kuya”

Tumango naman ako.

“Sabi ko na nga bah! Saan yung masungit na halimaw na yun at nang ma-lechon ko nang buhay!”

“Shar, wag na. Baka ikaw pa ang ma-lechon ko kung gawin mo yan kay kuya.” -______-

“Tapos pinagtanggol mo pa siya ngayon pagkatapos niyang awayin ka.”

“Hindi naman sa inaway niya ako…ano lang kasi…. Kasi…”

WANTED: KUYA...?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon