At sa buong panahon na yon ay hindi man lang ito nagparamdam at nagpakita sa kanila. Hindi man lang sila tinulungan at ngayon magpapakita ito sa kanya na parang wala lang ang mga nangyari.


Hindi 'yon ganun kadali..



"Alam kong marami akong kasalanan sayo pero sana bigyan mo ako nang pagkakataon masabi sayo ang mga dapat noon ko pang sinabi."



"Na ano? na may anak ka rin sa iba, na hindi lang pala ako ang anak mo. Ano pa?" nag uuyan na sambit niya.


Natahimik naman ito agad sa sinabi niya.


Tumayo siya at naglakad palabas nang kwarto niya. Ramdam niyang nakasunod ang matanda sa kanya. Habang ang mga kaibigan niya ay tumungo sa kusina kaya ngayon ay mag isa siya kasama ang isang estranghero.


Oo, isa itong estranghero para sa kanya..



"Ngayon ko lang rin nalaman na may anak pala ako kay Slyvia—"


Marahas niyang nilingon ito at masamang tiningnan ito.


"Ganoon lang yon para sa inyo? Tapos kami naman itong nagdudusa ngayon."


"Maniwala ka anak, hindi ko gusto ang nangyari sa amin noon ni Slyvia at wala talaga akong kaalam alam, huli na nang malaman ko."


Huminga ito nang malalim at saka siya pinakatitigan. Agad naman siyang umiwas nang tingin rito.


"Ang alam ko lang ay may anak ako sa babaeng mahal ko kaya hinahanap ko kayo nang Nanay mo.."


Nag init ang tainga niya nang marinig banggitin nito ang Nanay niya.


"Pero huli na ang lahat nang malaman kong wala na si Laura, sobra ang pagsisisi ko na sana noon pa ay naglakas loob akong hanapin siyang muli pero isa akong duwag. Napakalaki kong duwag anak.."


Namumuo ang luha sa kanyang mga mga mata, pinipigilan ang kanyang pag iyak.


"Kung lumaban lang ako noon anak, sana kasama ko na kayo. Sana naalagaan ko ang Nanay mo at lalong lalo ka na. Patawarin mo ko anak sa mga naging pagkukulang ko, ginawa ko ang lahat maprotektahan at hindi mapahamak si Laura pero mukhang mali ang naging hakbang ko kaya pinagsisihan ko na ang lahat." nagkandautal utal na wika nito. Tulad niya ay naluluha na ito.



"A-anong ibig mong sabihin?" tanong niya. Nakuha nito ang atensiyon niya sa huling sinabi nito.



"Yung mga magulang ko. Ayaw nila sa relasyon namin ni Laura, inilaban ko siya pero sadyang malakas at maimpluwensiya noon ang mga magulang ko kaya tinakot nila ako na kapag hindi ko hiniwalayan si Laura ay baka ipapatay nila ito. Natakot ako, ayoko mapahamak siya, kaya kahit labag sa kalooban ko ay iniwan ko siya at hindi nag paalam sa kanya pero ang hindi ko alam nang mga panahon na 'yon ay nagdadalang tao na pala siya."


Huminga ito nang malalim, pulang pula na ang mga mata nito dahil sa pag iyak.


"Ginawa ko ang lahat makaalis lang sa puder ng magulang ko at para makasama kong muli si Laura pero hindi ako nagtagumpay. Naging malupit sila sa akin anak. Sa tuwing tatakas ako ay pinapahuli nila ako at ikinukulong dahil nag iisang anak lang ako kaya ayaw nilang hayaan ako mapunta sa iba lalong lalo na sa isang tulad ni Laura."


Nakaramdam siya nang kirot nang marinig ang mga sinabi nito. Ang mga dahilan kung bakit ito nawala at hindi na nagpakita.


"Nang dumating ang araw na maaksidente sila at parehong namatay. Yung mga panahon na yun ay hindi ko alam kung anong mararamdaman ko naging manhid na ako sa mga pinaggagawa nila noon sa akin pero kinuha ko na ang pagkakataon na yon dahil wala nang makakapagpigil sa akin. Ipinahanap ko si Laura, ilang taon ko rin siya pinahanap hanggang sa matagpuan ko siya at nalamang wala na siya."


So Into YouWhere stories live. Discover now