MSITCK #THIRTY THREE: His Queen

Start from the beginning
                                    

"How is she, nurse?," pagtatanong ko sa nurse na kakatapos lang sa pag-checheck ulit ng kanyang vital signs.

"Ayos na po siya, sir. Stable naman na po ang kondisyon niya. Baka mamaya o bukas, magigising na po siya. Maiwan ko po muna kayo sir." Sa sinabing niyang iyon, napabuntong hininga ako bilang pagkalma ng aking sarili. Lumabas na yung nurse na sumuri sa kanya at naiwan akong mag-isa. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang kanyang maamong mukha habang mahimbing natutulog.

Salamat naman at hindi malala ang tama niya sa ulo. Kundi, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

Ilang sandali lang ay muling bumukas ang pinto at iniluwa nito si Lucy.

"Rave!," pagtawag niya sa akin saka alalang ibinaling ang tingin kay Yumi.

"Kamusta ang lagay niya? Ayos lang ba siya? Tell me--," she demanded.

"Ayos na ang kondisyon niya. Kakasuri lang sa kanya kanina ng nurse at nasa mabuting kalagayan na ang mga vital signs niya," I answered. She sighed heavily as a relief.

"Kailan daw siya magigising?," she asked.

"There's no exact time pero ayon sa nurse, mamaya or baka bukas. Let's just wait," replied I.

"Bibili lang ako ng pagkain sa labas para may makain tayo mamaya pag nagising na siya," saad ko. Tumango naman siya saka lumapit sa kama ni Yumi at umupo sa tabi niya. I can say that she's a true friend of Yumi. Walang halong plastik, puno ng pag-aalaga, pagmamahal at masyadong protective sa kaibigan niya. She became our cupid. Siya rin ang unang taong nakaalam na may gusto ako sa kaibigan niya at hindi ako nagkamaling pagkatiwalaan siya ang nagpamukha sa akin kung gaano ako katorpe at kaduwag sa pagtatapat ng nararamdaman ko kay Yumi. She is indeed a good and true friend dahil siya ang nagparealize sa akin na kung hindi pa ako magtatapat baka huli na ako ng dating at baka makuha pa siya ng iba.

                           ~~~

Yumi

Napamulat ako ng aking mata nang maramdamang may humawak sa aking kamay. Tanging mga buntong hininga lamang ang aking naririnig. Medyo blurred pa nung una ang aking paningin at tanging ang puting kisame lamang ang aking naaaninag.

Nasa'n ako? Pilit kong inalala ang nangyari. Magkasama kami ni Rave sa isang pamilyar na lugar habang papalubog ang kahel na araw. Napakaromantic nang pangyayari hanggang sa sumakay kami ng kotse niya at saka... saka...tumalon kami pareho dahil nawalan ng preno ang sasakyan at naumpog ang ulo ko sa isang bato.

"Yumi, it's great that you're awake! Thanks God. Pinag-aalala mo kami," mahigpit na yakap ni Lucy sa akin nang malamang nagkaroon na ako ng ulirat.

"Nasa'n ako? And who are you?"

Kumunot naman ang kanyang noo at ilang sandali pa ay nagbabantang mangilid ang kanyang mga luha.

"Beshie, wala namang ganyanan. Wala ka namang amnesia, diba? Beshie, ako 'to, ang bestfriend mong si Lucy," pagbabatis ng kanyang mga mata. Kung hindi lang siya naluluha, malamang kanina pa ako tumawa dahil napaniwala ko siya. Ako naman ngayon ang yumakap sa kanya.

"Sabihin mo, nakakaalala ka naman, diba Beshie?," tanong niya sa pagitan ng kanyang paghikbi habang kayakap ko siya.

"Pa'no ko naman hindi maaalala ang taong naging kapatid, kapuso, kapamilya, kaibigan, kasangga, karamay  at lahat ng may ka na sa unahan? Beshie, makalimot man ang isip ko, kailanman hindi titigil sa pagtibok ang puso ko para sa mga taong minamahal nito." Saglit naman siyang natigilan sa sinabi ko pero nakabawi naman agad siya at hinawakan ang mga balikat ko para iharap ako sa kanya.

I smiled to her para mapawi ang pag-aalala niya. She frowned and face palmed as she stared at me.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?," nahihintakutan kong sabi sa kanya.  "Ang corny mo kasing bruha ka," tukso niya saka biglang sumilay ang mga ngiti sa labi niya. Drama lang pala neto. Sabay naman kaming nagtawanan at nag-apiran pa. I miss it. Madalang na kasi naming nagagawa ang mga bagay na tulad nito.

Inilibot ko ang aking paningin at hindi na ako magtatanong kung nasa'n ako. Pero nasaan siya? Hindi ko siya mahagilap sa buong kwarto.

"Namimiss mo naman si Rave noh?" Napansin niya ata na hinahanap ko siya. Hindi ako tumugon dahil biglang namula yung pisngi ko nung maalala ko yung mga matatamis na sinabi niya sa akin bago lumubog ang araw. Yung paghalik niya sa aking noo, yung biglaang pagsiil niya ng halik sa aking labi. Akala ko nagising lang ako sa isang panaginip.

"Ayiieeehh, natutulala siya. Sabihin mo may nangyari ba? Hoy, ikaw bruha ka ah, pag nalaman ko lang na may kababalaghan kayong ginawa, ay sus jusmio Yumi por pabor, masyado pa kayong musmos para dun," talak niya sa akin. Ano bang drama na naman nito. Kung makatalak parang nanay ko lang eh. Grabe siya ah.

"Ano naman bang iniisip ng polluted mong utak beshie? Ikaw ha, you are polluting my innocent mind," sabay naman kaming naghagikhikan matapos kong sabihin yon.

"Pero seryoso nasa'n si Rave?," pagtatanong ko. "Lumabas lang saglit para bumili ng makakain pero ang tagal niya naman ata, gutom na ako," pagrereklamo niya. Haiisst, what do I expect from this witch. Puro pagkain na lang ata ang isinaulo. Palaging gutom.

"Kung makita mo lang kanina kung paano mag-alala sa'yo si Rave, panigura----," naputol ang pagkwekwento ni Lucy nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki na may hawak na supot ng pagkain. I smiled as I stucked at him. Hanggang ngayon, ang lakas parin ng impact ng lalaking to sa akin. Ewan ko ba kung bakit?

Humangos siya patungo sa akin saka niyakap nang mahigpit. Humawi naman si Lucy sa tabi ko at umupo samay sofa.

"Rave, c-can't...breathe," nahihirapang saad ko. Kumalas naman siya saka masayang sumilay ang mga ngiti sa kanyang labi na para bang napawi lahat ng kanyang pag-aalala.

"I'm sorry. All I thought I---"
"Sssshhh, ang mahalaga, ligtas ka at buhay pa ako. Nothing to worry," I cutted him. Then muli niya akong niyakap. I hugged him back.

"Ehem, tama na yan, pwede bang kumain muna tayo bago kayo maglandian?" Inismiran ko naman si Lucy dahil sa sinabi niya. Grabe siya sa amin ah. Medyo napatawa naman ng mahina tong lalaking katabi ko sa kama.

"Gusto mo ng mansanas? Ipagbabalatan kita?," tanong niya sa akin. I shake my head lightly. "Ayos lang ako. Kumain kana muna," tugon ko.

"Ikaw ang kailangang kumain. It's my honor to serve my queen," he said in finality kaya wala akong nagawa kundi matameme nalang ako at kinikilig na naman to the max, mga bes. Kainis na lalaking 'to. Bakit ba kasi ang sweet sweet niya? Napatingin naman ako kay beshie habang abalang nilalamutak ang burger na binili ni Rave kanina. Nginitian niya lang ako saka itinuturo turo ng kanyang bibig si Rave na busy sa pagbabalat ng mansanas.

>>>>>>>>>>to be continued

Happy 300 reads guys! Haha...masaya ako kasi buong akala ko walang makakapansin sa kwentong ito. Hindi ako magsasawang magpasalamat sa lahat ng readers ng MSITCK. Thank you...maraming maraming thank you. Support support and keep reading. Lovelots!

@Phantom_Knight09

#RaYu Loveteam on the go.

Kaunting plug lang po. Sana suportahan niyo rin ang isa ko pang story.

Title: Magicston Academy: The Phoenix Princess.

Available po siya sa profile ko. Thank you.

My Slave is the Campus King- [Completed] (Under Major Revision)Where stories live. Discover now