NOL - CHAPTER 3 - NO ORDINARY DEAL

Magsimula sa umpisa
                                    

"Leonardo?!"

"Wag kang mangialam dito Luisa! Tama na ang pagtatanggol mo sa suwail mong anak na ito! Hayaan mo siyang mamuhay ng mag-isa...kasi yon naman ang gusto niya!"

"Dad?"

"Prove to me that you can live by yourself. Prove to me that you can live a life of your own gaya ng sinasabi mo"

Nakatingin lang ako sa kanya. He is dead serious.

"A life na walang tulong from me, your mom, your sisters o kahit na sino! Buhayin mo ang sarili mo, ng malayo sa pamamahay na ito!!" he said it. Napaiyak na ako ng todo. Tumingin ako kina Mommy at Ate Madel. Lahat sila ay naaawa sa akin.

Pinapalayas niya ako. Hindi niya ako mapatawad.

"Ms. Tomas, ipahanda mo ang mga gamit niya....." sabi niya at paakyat na siya sa kwarto.

"Leonardo!! Ano ba? Anak mo siya!!!" sigaw ni Mama. Natigilan si Daddy.

Humarap siya sa amin at sinabing "Mula nung umalis siya, pinamukha niya sa aking wala akong kwentang ama. So ngayon, Lareen, prove to me that you deserve your life. But because I'm still your DAD, I want to be fair to you..." sarcastic ang pagkakasabi niya ng DAD. "Live a life without all of your possessions na ako ang nagbigay sayo.....at ibibigay ko ang buhay na gusto mo pag napatunayan mong kaya mo. The moment you step out of that door, then you're accepting the deal. LEAVE AND LIVE A LIFE OF YOUR OWN WITHOUT ALL OF THESE OR STAY AND MARRY ARNULFO MONTEMAYOR!"

Natigilan ako. Iwan ang karangyaan....iwan ang malambot na higaan, iwan ang mga komportableng buhay at hindi na niya ako ipapakasal kay Arnulfor Montemayor or stay at itigil na ang laban ko.

"I am telling you Lareen, the world outside this house is cruel. Mapagsamantala...tingnan lang nating kung makatagal ka. Baka isang linggo lang....bumalik ka na sa bahay na to."sabi pa niya at umakyat na.

Napaupo ako.

"I'll talk to your Dad.." sabi ni Mommy. She hugs me.

"No Mom, siguro I need to decide na. We both know Daddy...his decisions are always final Mom" sabi ko.

"Lareen, I'll help you....anak hindi kita pababayaan" sabi ni Mommy.

That night umalis ako ng bahay, pinasama ni Mommy si Ate Madel sa akin. Sabi ko nga wag na dahil wala naman akong ipapasahod sa kanya pero sabi niya okay lang daw. Wala na siyang pamilya, sa amin na siya tumira mula ung five years old pa lang ako. 27 yrs. Old pa lang naman siya pero wala na raw siyang balak mag-asawa pa. Pangalawang araw pa lang namin ni Ate Madel sa lugar na ito, napilitan kaming magmove out sa condo dahil nalaman ni Daddy na sinusustentuhan kami ni Mommy. Mas lalong nagalit si Daddy. Napilitang putulin ni Mommy ang connection namin at paluwasin kami ng Maynila at umalis ng Milagros. Sabi ni Mommy kailangan ko raw magtago kay Daddy, dahil gigipitin niya ako at kung magkagano'y mapipilitan akong umuwi at magpakasal kay Arnulfo Montemayor.

Ngayon, wala na akong magagawa kundi kapitan ang sarili ko. I need to find a job pero sa totoo lang wala na akong alam na trabahong mapapasukan. May tinapos naman ako, pero they're declining me. Pinapakilos na ni Daddy ang mga connections niya.

Wala na akong balita kay Mommy o kina Ate. Ngayon ko lang nafeel ang mga-isa. Nakakatakot pero kailangan kong harapin ang concequence ng desisyon ko.

Dahil sa lalim ng pagiisip ko'y hindi ko namalayang dumating na pala si Ate Madel.

"Malalim na naman ang iniisip mo Lareen" sabi niya sabay patong ng mga pinamili sa lamesa. Hindi ako nagsalita.

"Tigilan mo na muna ang pag-iisip...hindi yan nakakatulong" sabi niya.

"Ate Madel?"

"Hmmm?"

"Mali ba yung decision ko?"

"huh?"

"Mali ba yung decision kong umalis?" seryoso ako. Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.

"Mali ba na sinuway ko si Daddy?"

"Lareen, may mga pagdedesisyong nagiging mali lang pag hindi mo ito na panindigan..."sabi niya. tumingin ako sa kanya.

"Mas mali yung gawin mo ang isang bagay na labag sa loob mo" sabi pa niya. Napilitan akong tumango. Tumayo siya and she tapped me on my shoulder.

"Kaya mo 'to, kaw pa? teka huh? Magluluto na muna ako" sabi niya.

"Anong ulam natin?"

"Yung favorite mo...sinigang" sabi niya.

"Walang okra?"

"Syempre...baka umiyak ka eh" sabi niya at natatawang bumalik sa may kusina.








......The DEAL!!!

MY JOURNEY OF LOVE START WITH A DEAL - NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon