Nakunan siya hija..

Gumuho ang mundo nang anak ko nang mga panahon na yon, hindi niya matanggap ang pagkawala nang bata. Naging lumala pa ang pagiging pagkabasagulero niya kung saan saan siya nasasangkot na away hanggang sa dumating sa eksena si Shaun.

Si Shaun ay matagal nang kaibigan nang anak ko. Siya ang naging susi sa katotohanan, nag imbestiga ito nang hindi nalalaman ni Elmo at sinabi nito na hindi sa kanya ang dinadalang bata sa sinapupunan ni Sonya, na naframed up lang ito nang babae.

Nang malaman nang anak ko yun ay sukdulan ang galit nito kay Sonya, sakto nang mga panahon na yon ay pauwi ako nang London para dalawin siya pero isang eksena ang bumungad sa akin, sinasaktan niya si Sonya, sinasakal niya ang babae halos mawalan na nang ulirat ito sa sobrang higpit nang pagkakasakal ni Elmo sa babae, at kung sakaling hindi pa ako dumating nang mga oras na yon ay tuluyan na niyang mapapatay si Sonya.

Nakulong ang anak ko dahil nalaman nang ama ni Sonya, galit na galit ito sa ginawa ni Elmo sa anak nito. Doon na rin pumasok sa isipan ko na ipatingin na sa isang doctor ang anak ko, hindi pa rin kasi ako makapaniwala na kayang manakit nito lalo na sa isang babae.

Sa una ay nagalit siya sa akin at pinag iisipan ko raw siya na isang baliw pero hindi naman ganun ang iniisip ko gusto ko lang malaman kung bakit nagkaganun na lang siya bigla pero sa huli ay pumayag rin siya na ipatingin ang sarili at na diagnosed siya na may bipolar disorder 1.

Ang bipolar disorder ay karamdamang pang-kaisipan o mental disorder kung saan ang tao ay nakakaranas ng iba't ibang emotions o mood swings, ang mga madalas na tinatamaan nang ganitong sakit ay mga taong nade depressed.  Ang kaibahan lang ay mas malala ang sintomas ng mga taong may Bipolar 1, kung saan ito ay lubos na nakakapanakit sa kapwa at lalong lao na sa sarili, madalas rin sila nakakaisip na tangkain ang sariling buhay.

Sinubukan namin siyang ipasok sa isang rehabilitation para gumaling siya pero umalma siya at pinanindigan na wala lang ang sakit niya na kaya niya ang sarili. Wala naman kami magawa dahil baka lalo pa siyang magalit sa amin.


Ngayon alam mo na ang lahat nang tungkol sa anak ko, sa nobyo mo.



Matatanggap mo pa rin ba siya?


Mamahalin mo pa rin ba siya?"







Halos sumakit ang ulo niya sa mga kwento nang Mommy ni Elmo sa kanya. Pino proseso niya pa sa kanyang utak ang mga nalaman tungkol sa lalaki pero sa lahat nang kwento at nalaman hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para rito.


Mahal niya si Elmo at hindi yun magbabago.


Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganun na lang magalit ang lalaki.

Sa totoo lang ay malaki rin ang pagkukulang nang magulang ni Elmo rito dahilan para magkaroon nang ganun klaseng sakit, kung hindi sana nila palaging iniiwan na mag isa sa malaking mansion ang anak nito noon at inalagaan lang sana nila nang maayos ay hindi na sana sila nagkulang sa kalinga at hindi sana magrerebelde ito at humantong sa pagkakasakit nito.


Napapitlag siya nang biglang tumunog ang cellphone niya.


Lumawak ang ngiti niya nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya.




"Hi, i miss you.." rinig niyang bati nang nasa kabilang linya. Siguradong nakanguso ito ngayon.


"Na miss rin kita.." sagot naman niya.


"Sunduin kita sa palengke kapag natapos na ako sa ginagawa ko dito."


Nataranta siya bigla, wala siya sa palengke ngayon. Matapos niyang kausapin ang Mommy nito ay dumiretso na siya sa bahay, nag paalam naman siya kila Juana na hindi na siya makakabalik sa palengke.

"Uhm— w–wala ako sa palengke ngayon. Nasa bahay ako."



"Ha? Tapos na ba kayo mag selpish at maaga kayo nagsara?" may pagtataka sa boses nito.


"H-hindi, medyo sumama kasi pakiramdam ko kanina kaya umuwi muna ako saglit." pagdadahilan niya.


Nagsinungaling siya, hindi kasi pwedeng sabihin na nakipagkita siya sa Mommy nito at baka magalit ito.

Dapat pala ay iwasan niyang galitin ito, masyadong delikado at baka kung ano pa ang magawa nito.






"Puntahan kita diyan ngayon!"



"Teka! Okay naman na ako ngayon. Wag ka na mag alala." pigil niya rito.


"Pero masama pakiramdam mo.."


"Okay na ako, tapusin mo muna yang ginagawa mo diyan bago ka pumunta dito sa bahay.."


"Haaay, sige na nga tatapusin ko na agad to para mapuntahan kita agad. Handa ka na sa yakapsul at kisspirin ko." sabay hagikgik nito. Natatawang napailing na lang siya.


"Oo na, sige na. Ibaba ko na to, hintayin kita mamaya."



"Alright! I love you!"



"I love you too.." sagot niya bago ibaba ang tawag. Napangiti na lang siya.


Nangako siya rito na hindi siya aalis sa tabi nito na hindi niya ito iiwan at kung ano man ang nangyari sa nakaraan nito ay tatanggapin niya yon at hindi rin sapat ang sakit nito para layuan niya ito nang tuluyan dahil mahal na mahal niya ito





——




"Bakit hindi mo ko kayang pakasalan ha. Mahal na mahal kita, bakit hindi pa rin pwede!" umiiyak na sigaw nang babae.

Sobra itong nasaktan dahil ayaw pa rin suklian nang lalaki ang nararamdaman nito.

"Ginawa ko naman ang lahat eh, bakit hindi mo pa rin kayang mahalin ako!"


"Patawad kung nasasaktan kita pero ginawa ko rin naman lahat, sinubukan kong mahalin ka pero siya pa rin talaga hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko.."



"Pero wala na siya! Matagal na siyang wala!" nasasaktan na sigaw nang babae.



"I'm sorry.. Hindi pa rin siya nawawala para sa akin.."

Puno nang pighati ang nararamdaman nang babae. Akala nito ay magkakaroon na nang pag asa matapos dumaan ang ilang taon pero hanggang ngayon ay wala pa rin.




"Mas mabuti nang maging mag kaibigan na lang tayo. Ang gusto ko lang ngayon ay makuha ang loob nang anak ko, sa kanya ko gusto ibuhos ang lahat nang pagmamahal ko, na hindi ko nagawa noon para sa minamahal ko."














——:9

So Into YouWhere stories live. Discover now