" Hello?" panimula ko.

" Hello Aby? Si tita Nel mo to." Sagot ng kabilang linya.

" Ah yes tita Nel? Nandito na po pala ako sa boarding house."

"Good to hear. How's the place, Aby?" she asked.

"Medyo luma na po, creepy, malinis naman pero okay lang po ako dito. Ang pangit lang po kasi magkasama ang babae at lalaki."

"What? Don't tell me sa iisang room?! The hell, I should consult Maya about this. Hindi naman pwede yang isasama ang babae at lalaki sa iisang room."

"Hindi naman po tita ang ibig ko pong sabihin yung dorm pangbabae at lalaki."

"Anyways, may nakikita ka na bang suspicious things? Anything fishy or doubtable? Pagpasok mo may iba ka bang nararamdaman sa dorm?"

"Nothing pa tita, wala pa po kasi ang ibang dormers since sembreak pa."

"Pero nagikot ka na ba?"

"Hindi papo. Palabas na po ako ng kuwarto ko. Kakarating ko palang po dito."

"Okay, just keep me updated ha? Magiingat ka. Kailangan walang makakaalam ng tunay mong motibo kung bakit ka lumipat diyan. May tiwala ako sayo Aby at wag mong sasayangin ang tiwala ko."

"Yes tita. I will. Ingat din po." Pamamaalam ko. Ibinaba ko ang telepono at bumuntong hininga. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil delikado itong gagawin ko.

Matapos ang tawag ay lumabas na ako ng kuwarto at sinimulan ang paglilibot. Dito sa first floor ang dining, comfort room, salas at iilang rooms ng dormers.—may mga paintings na luma na, may mga vase rin na maganda ang pagkagawa.—sunod kong pinuntahan ay ang second floor, sa right side ako una nagpunta—may mga paintings din at mga native things.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si tita. Iinform ko lang naman siya na nasa second floor na ako. Kinaabahan ako dahil baka makita ako ng ibang dormers kaya dahan-dahan lamang ang paglalakad ko. Ilang ring pa bago niya sinagot ang tawag ko.

"Hello tita. Nasa second floor na po ako. Ano pong gagawin ko dito?"sabi ko.

"May nakita ka na bang kakaiba?" sabi ng nasa kabilang linya. Linibot ko ang aking paningin ngunit wala namang kakaiba dito maliban na lamang sa Roi-regina-vijzel-as na nakaukit sa ibabaw ng bintana sa dulo ng hallway.

"Nasa right side pa po ako. Nga pala tita lahat pala ng pinto dito ay may mga names ng mga dormers."

"Yung room ni Andree? Nakita mo na ba?"

"Hindi pa po tita. Andito pa po kasi ako sa right side. Nothing suspicious po. Papunta na po ako sa room ni Andree. " Naglakad ako papunta sa kaliwang hallway. Wala namang kakaiba dito. "Nasa pinto na po ako ng kwarto ni Andree. " Walang sagot si tita matapos kung sabihin iyon. Pumasok ako sa isang kuwarto na may nakalagay na Warning sa pinto – baka ito nga ang kuwarto ni Andree

"m-may nakikita k-kaba?" nanginginig niyang tanong.

"Yes tita. Puro playing cards lang na nagkalat sa sahig lang, yung iba naman ay nakadikit sa ding-ding. May mga pictures ring may kasama si Andree." I said.

"Yun lang ba, wala ng iba?"

"Wala na tita. Mukhang hindi pa nila ginagalaw ang kuwarto ni kuya Andree. Nakakalat parin at may mga dugo pa."

Naririnig ko ang paggalaw sa hawakan ng pinto kaya dali-dali akong pumunta sa cabinet at nagtago. Mas lalo tuloy akong natakot nang makitang walang kalaman-laman ang cabinet na pinasokan ko. I ended the call and I texted tita that I should hide 'cause  someone is here.

Binuksan ko ng maliit ang cabinet at nakita ko siyang pinupulot ang mga baraha. Di ko rin makita kung babae ba o lalaki dahil nga madilim. Lumapit ito sa dingding at kinuha niya rin ang pictures ni kuya Andree na may kasama at umupo. Tinext ko si tita sa lahat ng nakikita ko ngayon. Teka, ba't parang umiiyak siya? Rinig na rinig ko ang bawat hikbi niya. Ano bang nangyayari?—maya-maya ay tumayo na siya at umalis. Kaya dali-dali kong tinawagan si tita.

"Aby, okay ka lang ba? Please Aby sumagot ka agad. Kinakabahan na ako." tanong ni tita.

"Okay lang ako tita. Di niya naman ako nakita."

Lumabas ako ng cabinet at pumunta doon sa floor mat na inupoan ng tao kanina. I couldn't believe it, ang nakikita ko ngayon ay – dugo. Tinakpan ko ang ilong ko dahil masangsang parin ang amoy ng kuwarto nato.

"T-tita?" nauutal kong tawag sa kanya.

"Aby? Anong nangyari?" tarantang tanong sa kabilang linya.

"T-tita? M-may nakita ako............ d-dugo...."

"Huh?! Anong nangyari sayo? B-bakit may dugo?!" tiningnan ko lang ang isang card na ACE OF FLOWER na puno ng dugo.

"A-ace of flower na puno ng dugo, T-tita." Nanginginig kong sagot.

(A/N)

Guys if you cant find the chapter 2.  I reload niyo lang ang story or i delete niyo sa library niyo tapos i-add ulit. Completed na po ang story na ito so if nagtatanong kayo kung bakit walang chapter 2 gawin niyo lang yung nabanggit ko sa taas. I love you all 💕 Thank you so so much. Again, completed na po to but unedited pa. Marami pong mali kaya pasensya na po.

Game of cards (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon