"Babantayan kita bukas sa palengke."


Naku! Dapat pala hindi niya muna sinabi.


"Wag na, okay lang naman kami doon. At saka marami naman tao dun kaya ligtas kami—"


"Maraming rin tao sa paligid niyo nung panahon na nakidnap kayo at walang naglakas nang loob na tulungan kayo. Kaya sa ayaw mo at sa hindi, babantayan kita bukas." mukhang desidido na nga ito.


Napabuntong hininga na lang siya. Mukhang wala naman siyang magagawa.


"Mag seselpish ka ulit bukas?"


Lumawak ang ngiti nito at tuwang tuwa na itong tumango sa kanya.


"Yes, sasamahan ko kaya magselpish bukas." nakangiting wika nito.


Umayos ito nang pwesto at saka dumikit sa kanya.


"Basta kapag may nararamdaman kang hindi maganda sa paligid mo. Sabihin mo agad sa akin ha." malambing na wika nito.

Nakangiting tumango siya rito.


"Opo boss!" kinintalan naman siya nito nang halik sa noo.


"Tara kain na tayo." pagyaya niya rito. Sakto pagkasabi niya yun ay biglang tumunog nang malakas ang tiyan niya. Nagkatinginan silang dalawa ni Elmo at sabay silang napahalakhak.


"Kailangan na nga natin kumain.." natatawang wika nito.


Sa dami nang pagkain na nasa harapan nila ngayon, hindi nga nila naubos lahat. Pinagkadistahan lang nang lalaki ang niluto niyang adobo at siya na ang kumain nang iba.

Sobrang busog na siya ngayon at mukhang ganun rin naman ang lalaki.


Hindi niya maiwasan mapatitig rito, kitang kita niya ang kasiyahan sa mukha nito. Bumalik na naman ang mga paru paro sa kanyang tiyan.


Ganito ba talaga sa pakiramdam kapag in love ka sa isang tao?


In love? In love na nga siya rito..

Ganun na nga ang nararamdaman niya para rito, hindi naman siya makakaramdam nang ganito kung hindi niya ito gusto at matagal na niyang inamin sa sarili niya na may gusto talaga siya rito. Nakakaramdam na nga siya nang pagseselos lalo na yung ginawang paghalik nang babaeng clown na yun sa lalaking to.

Hindi pa rin niya matanggap na may ibang humalik rito. Gusto niya siya lang ang hahalik sa labi nito at wala nang iba.


Nagiging makasarili na rin siya pero wala siyang pakialam basta sa kanya lang ang lalaking to.


"Bakit ganyan ka makatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha?" agad naman siyang napatingin rito na ngayon ay nakangisi na sa kanya.


Umiling naman siya at saka idinantay ang katawan niya rito. Naramdaman niyang yumakap ito sa kanya. Napapikit siya.


Sarap lang sa pakiramdam...


Sana ganito na lang sila palagi..


"Si Sonya.. Ano ba talaga siya sa buhay mo?"

Ngayon niya lang talaga naitanong ito rito. Iniisip niya pa rin kung nagkaroon ba nang relasyon ang mga ito.

"Bakit mo naitanong yan diba sinabi ko naman sayo na wala lang siya sa buhay ko—"


So Into YouWhere stories live. Discover now