[36]

56 5 0
                                    

2 Years Later


Lance's POV


"Drake! Nacheck mo na si Alex?" Tanong ko ng nakarating sa ospital.

"For your information nasa intensive care unit ako na assign hindi sa ward 9"
Bumuntong hininga ako. 


"Drake wala sa ward 9 si xander" kunot noo kong sabi. Bakit ba may galit to kay xander. Siya na nga tong naiwanan


"Kidding aside. Yeah. Medjo kumalma na siya" sabi nito at umalis sa nurse station


We are now nurses at studying medicine para maging doctor na sooner. 


Ang una kong pasyente ay si xander na hindi makausap at nagwawala agad. 


Kaya pinaconfine siya ng mga magulang niya dahil baka kung ano ang gawin niya sa sarili niya kung maiiwan to sa dorm o bahay nila.

Naaawa ako kay xander. Hindi niya dapat mapagdaanan to. Nagmahal lang siya ng sobra. Pero tadhana nga naman ang kalaban niya.


Inayos ko muna ang sarili bago binisita ang kwarto niya.


"Xander ?" Tawag ko sa atensyon niya pero nakatingin lang to sa bintana na parang ang lalim ng iniisip. Simula sa araw nung iniwan siya ng pamilya ni andrea ay ganito na ang nangyari sa kaniya. 

Laging tulala. Nagwawala kung wala siyang makapang tao na akala niya ay si andrea. Laging umiiyak ng walang dahilan at hindi nagsasalita.


"Xander ?" Hinawakan ko siya sa balikat para ipalingon pero gumalaw nga ang balikat niya nakatingin parin siya sa labas.


"Gumagaling kana xander. Malapit kana ma discharge. Kailangan mo lang mag behave okay?" Nakangiting kwento ko habang tinitignan ang chart niya.


"Pag uwi ko ba makikita ko na si andrea?" Biglang tanong niya sakin kaya nagulat ako ng kunti. Gumagaling na talaga siya.


"Malay mo. Nasa pintuan pa siya at sasalubungin ka ng yakap" gusto kong sakalin ang sarili ko sa pagsisinungaling ko.


"Sinabi mo na yan sakin noon. Hindi na ako maniniwala sayo" bumuntong hininga ako at nagpaalam sa kanya. Hindi ko mapigilan ang luha na kanina ko pa pinipigilan.


Ako yung nasasaktan para sa kanya. 


'Alam kong mabuti kana andrea. Bumalik kana sana para kay xander'

Piping dasal ko. Kahit imposible ay ipinagdasal ko parin.


"Dr. Lance may naghahanap po sa inyo sa may Nurse station" tumango ako sa nurse at walang buhay na naglakad papunta sa station ko.


Ano ang gagawin ko para nakausap si andrea ? Ni number niya wala na ako. God! Please help me. Kahit si xander lang.



"Lance ang tagal mong maglakad"


O_O 

bigla akong kinabahan sa boses na yun. It could be ???


"Hi. Lance. Kilala mo pa ba ako?"
Napatulala ako. At biglang naiyak.  

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now