[19]

66 8 0
                                    



Alexander's POV 


"TAMA NAAAAAAA"
napatigil sa ere ang kamao ko na kunti nalang ay tatama na saa pagmumukha ni lanceSalot na to

"Xander! ano bang ang nangyayari sayo?" sigaw ni andrea at tumakbo papalapit sakin, inaasahan ko na sakin siya lalapit pero nilagpasan niya ako at dinaluhan si salot.


"Ok ka lang ba?" nakatingin ako ng masama sa kanila bago ko napansin na pinapaligiran pala kami ng mga estudyante at nanonood sa live action namin ni salot.

"O-Okay lang, hehe" tss. nagkunwaring nahihirapan si salot na tumayo at paika ikang naglakad. sempre mabait ang asawa ko, todo alalay naman siya. ni hindi na ako tinapunan ng tingin ni andrea at patuloy silang naglakad paalis kasama si salot.

galit kong pinulot ang nahulog na bag ko at ang bag ni andrea na nabitawan niya ata sa SOBRANG pag aalala niya kay salot. bwisit talaga.



Andrea/Anastasia's POV 


hindi ko na nabalikan ang bag kong nabitawan ko sa sobrang gulat dahil sa pinagsusuntok ni xander si Lance !

"ok ka lang ba talaga?" nag aalala ako sa lagay niya ni hindi siya makalakad ng maayos dahil sapo sapo ang tyan na mukhang nasuntok din ni xander, ano ba ang problema niya at bigla nalang siyang nanununtok ng kaklase.



"hm. salamat sa pagtulong mo sakin" nahihirapan niyang sabi. tinulungan ko siya hanggang sa clinic at hinintay hanggang sa magamot siya.

biglang nag-ingay ang telepono na nasa bulsa kaya nang tignan ko yun ay si xander ang tumatawag.

naiinis pa rin ako sa kanya, bakit niya kasi sinuntok si lance... pero hindi ko pa alama ang buong kwento kaya kailangan ko rin pakinggan ang side niya kaya sinagot ko ang tawag



"Hello?"


[Nasan ka?] nahihimigan sa boses nito na parang inaantok ??


"Nasa clinic, sinamahan ko si lance" seryoso kong sabi.


[ahhh? ganun? ganyan ka talaga noh? ako yung nasaktan mentally pero siyang nasuntok ko lang, ni hindi mo man lang nilingon] 


teka umiiyak ba to?

"ha? nasan ka? pupuntahan kita jan?" na guilty naman ako agad at naalala ang mga binigay at pinakita niyang kabutihan sakin


[hm.. sasabihin ko ba?] 


"oo xander.. pupuntahan kita, hindi ako galit promise"

[nandito ako sa dorm ko, nasa 3rd floor first room, ay! wag ka lang pumunta dito, baaka mabubugan ka]

Ha??????

"ano?" hindi ko siya ma gets, parang lasing.. teka lasing siya?!


[hahaha. wag kang pumunta dito... masusugatan ka lang]
sabay putol nito sa tawag. napakurap pa ako ng ilang beses bago tumayo, nakita ko naman na lumabas si lance kaya agad akong lumapit.

"ahh. ano lance... kailangan kong puntahan si xander"
paalam ko at nag bow at aalis na sana ng mga humawak sa braso ko akaya napalingon ako kay lance



"If I say, you stay. will you stay ?" seryoso anitong sabi habang nakatitig sa mga mata ko na parang may hinahanap siya na kang ano

mahina akong umiling.


"kahit wala akong maalala, naniniwala akong mahal niya ako kaya pupuntahan ko siya ... dahil nangako kami, sa hirap at ginhawa"  

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now