[33]

60 4 0
                                    

 Alexander's POV


"What?!" Napahampas ako sa mesa at natatarantang kinuha ang cellphone at agad na tinawagan si andrea.
Agad niya naman to sinagot


[Oh napatawag ka?]

"Andrea!!! Umalis kana jan si Gale ang---


"WHAT THE?!!" Biglang naputol ang linya at kinakabahan akong bumaling kay tito na ang sama na ng tingin sakin.


"Nag-aaral pa dito ang gustong pumatay sa anak ko. Tapos hindi ka nag background check?!" Napapikit ako sa lakas ng sigaw niya. Agad akong tumayo at tinawagan ang mga tauhan ko


"I let you solve this. But if something will happen to my daughter say goodbye to your marriage" nanlilisik ang mata na sabi ni tita. Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi mangyayari yun!


Pagtapos sabihin ni travis ang nalaman niya agad akong natakot na baka alam to ng gunman. Shet. Kaklase namin pa ni andrea !


"Dravis, park, colonel, Leo !!! Follow me!" Sigaw ko habang nagmamadaling tumakbo papaunta sa parking lot. Agad ko ring nakita ang mga tauhan ko na sumabay sakin.


"Locate my wife's Location !" Sigaw ko at sumakay sa kotse. Humanda ka sakin kung may mangyari sa asawa ko .

"Going south sir" sagot ni Leo sa kabilang linya. Nagsuot lang ako ng mini transmitter at kinalkal ng mabilisan ang likod ng kotse ko. 


Nang matagpuan ang UZI ay agad kong pinaharurot at sinundan ang sasakyan ko ng mga tauhan ko sa likod.

'I'm going there honey. Please be safe'


Andreanne's POV.


"Lah. Bakit naputol?" Nakakapagtaka naman hindi naman to telephone na may line wire.


"Sinong tumawag ?" Tanong ni gale habang namimili ng damit sa rack. Di ko narinig ang sinabi ni xander. 


Kaya pinagsawalang bahala ko nalang yun


"Bessy ! Eto oh maganda" pinakita sakin si primy na magandang dress. Tumango ako at tinanggap ang damit.


"Susukatin ko lang to" paalam ko at pumasok sa isang fitting room doon. 

Habang nagtatanggal ng damit ay may napansin ako. Kaming tatlo lang ang nasa loob ng nakita naming boutique sa daan. 

Magaganda naman ang mga damit kaya pumasok kami.


Pagkasuot ko ng dress, maganda nga to.

 Kulay krema at hanggang tuhod ang haba. Kaso medjo kita ang likod ko dahil sa backless to. Wew. Daring...


Lumabas ako ng fitting room para ipakita ko sana ang damit kung bumagay sakin


"Primy, gale. Kamusta?" Agad kong tanong. Nakaupo nga sila sa harap ng fitting room na parang nag uusap bago hinarap ako bago ngumiti.


"Sabi ko naman sayo eh" nag apir ang dalawa kaya ngumiti ako sa kanila. Papasok sana ako ng fitting room ulet ng may natanaw ako. 


'Limang lalakeng nakaitim'


Bigla akong kinabahan. Yung isa doon ay pareho ang tindig ng namaril sakin nung nasa cruise ship kami. Bakit sila nandito?

Sa kaba ay ni hindi ako nakapagpalit at isusuot nalang sana ang pantalon ng may usok na pumasok galing sa labas kaya dali dali akong lumabas pero huli na dahil unti unti nang nanuot sa ilong ko ang kemikal bago nawalan ng malay ay kitang kita ko pano nag iba ang ekspresyon nina primy at gale 


habang nakatitig sakin at nakangisi.  

Beautiful StrangerHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin