[7]

104 9 0
                                    

Andrea/Anastasia's POV. 

 KINABUKASAN ay maaga akong nagising as in 4a.m ay nakahanda na ako pumasok. Kung hindi pa ako sinundo ni alexander dito kagabi ay hindi pa ako nakakain. 


Ang sarap kasi ng tulog ko ngayon na ang lambot na kama yung tipong babaon ka loob.

  

Habang nag hihintay sa oras ay nilinis ko ang kwarto kahit wala namang alikabok. Yung kama at kurtina lang man ang inaayos ko ng may kumatok at pumasok si alexander na may dalang tray. 


Nagmadali naman akong tulungan siya ng iniwas niya to at nilagay sa mesa sa harap ng couch at umupo bago ako tinignan.

Mukhang maid naman ako na nakatayo sa gilid niya. Hindi parin ako sanay sa pakikitungo niya, bipolar eh. Minsan mabait at kadalasan ay suplado. Di ko siya gets. Bawal daw ako ngumiti

"Oh. Upo kana" alok niya at pinagpagan ang hita.
Hindi naman siguro niya ako inaalok para umupo sa hita niya ano?


Tss. Ang landi mo talaga anastasya Valdivina Asuncion.

Kaya dahan dahan akong umupo sa isahang upuan at tinignan ang nasa tray. Hmm. Egg, fried ri-- napatigil ako sa marupok niya 'TCH'


Inosenteng napatingin ako sa kanya. Galit nanaman ang kuya niyo. Grabe


"Sinabi ko bang jan ka umupo?" Inis nitong sabi kaya napatayo ako agad at mahinhing tumabi sa kanya sa mahabang sofa.


"Di mo naman kasi sinabi" nakanguso kong sagot at dahan dahang kinuha ang plato at kumuha ng friend rice tapos sunny side-up egg at nung hotdog


"And drink this. I-I made this for you" sabay lapag niya sa tabi ng plato ko ng isang choco drink.


Alam kong hindi siya nakatingin sakin. Lagi naman ganyan ang ginagawa niya kung may ibibigay siya ay nasa ibang panig ng mundo ang tingin niya. Buraot eh!


"Salamat" nagsimula na kaming kumain ng may kumatok at pumasok sina Mr.Ferrer at Mrs.Ferrer. haba ng buhok mo anastasya. Binibisita ka ng isa sa mga mayayamang mag asawa.


"Good morning po. Kain po tayo" mabilis kong bati at nag bow.


"We're full. Kumain kana hija" nakangiting sabi ni Mr.ferrer kaya sumunod nalang ako at kumain ng tahimik.


"Ok lang ba ang stay mo dito hija?" Tanong naman ni Mrs.Ferrer nang umupo siya sa single couch na nasa harap ko. Naglibot libot naman si mr.ferrer sa kwarto.


"Hmm ! Sobra pa po sa Ok Mrs.Fe--Ti-Tita" nakakahiya parin akong tawagin siyang tita. Lalo na kung kaano ano ko siya. Baka ma offend ko kaya hihintayin ko nalang na magkwento sila. Diba ? Good plan


"Just tell me anything ha ?" Tumango ako kay Mr.Ferrer nang tumabi siya ng tayo kay Mrs.Ferrer bago umalis.


"I'll wait for you outside. Ihahatid kita sa bagong classroom mo" nasa malayo parin nitong sabi. Yung totoo? Ding ding ba kausap nito ?


"Sige. itong inumin nalang" sabay bottoms-up kaya ubong-ubo ng pumasok sa ilong ko ang iba. huhuhu


ang sakit sa ilong. Aayos na sana ako ng tayo ng nasa tabi ko na pala si alexander. Teka, diba nasa labas to?


"Hey. What happen?" Nag aalalang tanong nito. At iniharap ang mukha ko sa kanya. Naduling naman ako sa lapit niya


"Pumasok ang inumin sa ilong ko" bago tinanggal ang kamay ni Xander sa mukha ko. Dadamputin ko na sana ang bago kong bag at mga gamit ng iniharap ulet ako ng xander sa kanya.


Pero bago pa mabuka ang bibig ko ay isiniil na niya ito ng halik.  

Beautiful Strangerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें