[13]

80 9 0
                                    


Andrea's POV

Nang nag uwian na ay nasa pinto na agad si xander. 

At pinag titingan siya ng mga kaklase ko. Yung iba ay nagpapacute pa pero etong kasama ko ni hindi man lang lumingon kaya lumapit ako sa tenga niya

"Xander. Binabati ka nila oh" sabay nguso sa mga nagpapacute sa kanya. 

Kesa kumaway pabalik ay hinila na niya ako paalis. Ang suplado naman nito

"Pa famous ka ah? Kawayan mo lang" naaawa tuloy ako sa mga babae kanina baka napahiya na yun ng dahil sa hindi sila pinansin.


"Mas importante ka sakin. Baka mahabol pa tayo ng--" napatigil siya sa kakahatak sakin ng may tumawag sa pangalan ko. Humahangos ang kambal papalapit samin.


"Ano. Nahulog mo to" sabay abot sakin ni drake ng ballpen kanina. Ay oo nga pala yung sa science. Ang bait naman nila.


"Ano. Pwede hingin ang number mo?" Nakangiting tanong ni lancelotte. Sumulyap muna ako kay xander na parang walang narinig kaya nakangiti kong kinuha ang telepono niya at inirehistro doon ang numero ng telepono ko. 

Tuwang tuwa naman ang dalawa habang papaalis kaya nakangiti pa akong bumaling kay xander. 

Madilim nanaman ang mukha nito at nagsusuntukan ang mga kilay sa pagkakakunot ng noo

"Tara?" Pagsawalang bahala ko sa inaasta niya. Kanina naman ok naman ata sa kanya aah ?

"Tss. Bwisit na mga unggoy na yun" he murmured somewhere habang naglalakad pasunod sakin atsaka tumabi ng lakad.

"Ano gusto mong dinner ?" Tanong niya. Nag isip naman ako. Maliban sa kanin wala na akong gusto. Kaya.


"Anything with a rice. Hehehe" sabi ko at natakam sa amoy ng kanin. At palukso luksong tinahak ang dorm.

Kinagabihan ay nakahiga na ako sa kama ng tumabi si xander. Aangal sana ako ng nagsalita siya

"Uupo lang ako. Doon ako matutulog sa sofa. Gusto lang kitang katabi" malambing niyang sabi. Nagkibit na lamang ako ang nagsimula ng mag kwento.

Pero habang patagal ng patagal ay dumadausdos siya higa ,hindi naman ako umangal hanggang sa nakahiga na siyang nakatabi sakin at biglang yumakap sakin at sinubsob ang mukha sa leeg ko. Wala naman ako kiliti doon pero hindi ako sanay

"Ah. Xander ?" Tawag ko. Pero di to umangal at dinantay ang paa sa paa ko. Para naman akong tuud dahil sa ginagawa niya.


"Uy!" 


"Xander magagalit ako" pero wala. Itutulak ko na sana siya nang narinig ko ang mahinang hilik niya.
Wut?! Tulog na siya ?

Bumuntong hininga nalang ako. Sabi pa ni lola sakin noon 


'Wag mong gawan ng masama ang tulog dahil kasalanan yan sa diyos'

Pero ako ang hindi makatulog. Nararamdaman ko kasi ang hininga siya sa leeg ko.

 At yung kamay niyang nakapalupot sa bewang at yung paa niyang nakadantay sa hita ko.

"Xander. Umayos ka lang ng higa. Hindi kita papaalisin" mahina kong sabi. Gumalaw naman to at bumaba ang pagkakahiga. Nasa bandang tyan na ang mukha niya at yumakap balakang ko.

Napalunok pa ako sa ginawa niya. Di bale. Makakatulog na ako sa ganito kesa yung parang may mini fan ka sa leeg.

  (A/N: bastos nito. Ayaw mo nun ? ) 

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now