[6]

106 10 0
                                    

  Andrea/Anastasya's POV.


"Sigi na hijo, ihatid mo na sa dorm niya itong si andrea" sabi ni Mrs.Ferrer sabay tulak nito sakin papunta kay alexander

Napasubsob naman sa kanya kaya mabilis akong tumayo ng tuwid at inayos ang pagkakatabing ng buhok ko.


Parang robot namang lumabas si alexander kaya nagmamadaling sinundan siya. Pero baka makalabas ay nag bow ulet ako.


"Salamat po ng marami" sinserong sabi ko at ngumiti. 


Pagkatayo ko ay malayo na si alexander kaya tinakbo ko--KYAH!
Handa na sana akong natumba ng parang may nakasalo sakin. 


Namimilog ang mga mata ni alexander habang nag aalalangang nakatingin sakin

"Bakit hindi ka nag iingat? Alam mo namang madulas" inis nitong sabi at itinayo ako. Napatingin nalang ako sa sapatos ko habang pinapagalitan niya ako.

"Ano kasi ang layo mo na. Baka mawala ako" mahinang sagot ko habang nakanguso


"Tss. Babalik naman ako eh. Halika" sabay lahad ng kamay sa harap ko kaya tinanggap ko naman yun.


Pero para akong baldado sa pagkakahawak niya. Alalay na alalay ito sa kamay ko kaya bumitaw ako. Mabilis naman tong lumingon sakin.


"Sinabi ko bang bumitaw ka?" Nakataas ang isang kilay nito at hinablot ang kamay ko, iniwas ko naman agad at naglakad nalang sa tabi niya


I heard him hissed.


Suplado naman nito.


Hinatid niya ako sa girl's dorm. At sa PINAKA DULO ng first Floor.


Iniwestra niya ang kamay sa may pinto "after you"


Dahan dahan ko namang binuksan ang kwarto.
Ang GANDA! parang prinsesa ang may ari ng kwarto.


Bongga ang mga gamit. Kulay krema at ginto ang theme ng kwarto. Kahit ano nalang masaya na ako dahil hindi na ako manghihiram ng karton sa may tindahan.

Nakasunod naman sakin si alexander at dumiretcho sa parang malaking cabinet at pumasok doon.

Sumunod naman ako sa kanya para makita ang laman nito.
Naka nga-nga lang ako habang nakatingin sa mas marami pang mga damit sa loob. Eto ata yung tinatawag nilang walk-in closet.

At konektado sa MALAKING banyo. Kompleto sa gamit. Maaliwalas ang loob. May parang bathtub or jacuzzi na tinatawag. Shower. Malakiiiiing salamin.


"Can you close you mouth. Tutulo na ang laway mo" he said while having a poker face.
Napilitan naman akong isara ang bunganga ko.


Kahit ganun ay hindi pa naprocess sa utak ko ang nangyayari.


May nabigyan ba akong pagkain sa isang diwata at binigyan ako ng pagkakataon na makapag aral sa paaralang to at matulungan ng mag asawang Ferrer?


"I already hang your new dresses. I'm going" paalam niya kaya sinundan ko naman siya palabas ng kwarto.


Ilang beses na ba akong nagpasalamat? 


"Salamat ulet" maluha luha kong sabi habang nakahawak sa isang kamay ni alexander. Napalunok muna to bango tumango

"Yeah sure. Gawin mo na ang gusto mong gawin. You can rest, sayo naman ang lahat ng nanjan" sabi niya at hinawakan ang ulo ko at gunulo. 

Natawa naman ako ng mahina bago may naisip na kalokohan.


ginulo ko ang MAAYOS niyang buhok at bumungisngis

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now