[27]

62 8 0
                                    

Xander's POV

Makalipas ang limang minuto. Oo ganun ko lang kayang tiisin si andrea.


Kaya agad akong bumalik sa kwarto.

Wala na yung doktor pero kausap niya si salot. Bakit ang dami kong karibal sayo andrea ?! Gusto mo ba akong mabaliw?

Hindi ako pumasok at naka awang lang ang pinto kaya naririnig ko ang usapan nila


"Naaalala ko na lahat lance ! Yung elementary hanggang sa nahulog ako sa dagat ! Naaalala ko na lahat" bakas sa boses nito ang saya.


Pero dahil naaalala na niya baka hindi na ako lalo makalapit sa kanya. Natatakot akong hiwalayan niya.


"Mabuti naman kung ganun. Pero yung sinasabi mong nahulog ka. Pano ka nahulog ?" Tanong ni salot. Issshh. Naiinis ako sa boses niya.


"Binaril ni zedrick ang chandelier nun at may nagpatay ng ilaw. Grabe ang gulat ko ng nakita ko siya. Natutuwa ako na natatakot. Sempre may hawak siyang baril tapos nakatutok kay xander... bago nawalan ng ilaw may humila sakin nun palabas ng ball room at hinila sa gilid ng railing. Kaya ganun na lang ang gulat ko ng si xander yun. Kunti nalang ay nakasakal na ang braso niya sakin. Bigla akong natakot sa pano siya tumingin kay zedrick. Yung parang galit na takot.."


Napatungo nalang ako habang nakikinig sa kanila.


"Tapos?"

"Nahabol rin kami ni zedrick pero hindi na niya hawak ang baril niya kundi parang pinapakalma si xander habang umaabante, Umatras naman si xander nun eh. Ewan ko bakit takot na takot si xander."

'Kasi bumalik ang totoong may-ari ng puso mo mahal ko at wala akong balak na isoli ka dahil sa simula palang ay akin kana' 


piping sabi ko sa sarili.


"Pano ka nga nahulog" kulit ni salot at natawa ng bahagya si andrea na ikinoot ng noo ko


"May umasinta nun kay zedrick at nabaril sa braso kaya ganun na nalang ang gulat ko ng nadulas kami ni xander. Naabutan pa ko ni zedrick pero nabitawan din. Sabi nga ni zedrick nahulog din si xander nun. Habang lumulubog ako sa dagat may nakita akong parang bato na nahulog na maliit pero doon ko lang napagtanto na mga bala yun. Tinamaan nga ako sa gilid ng tenga at sa tagiliran"

Namimilog ang mata kong pumasok sa kwarto. Bumadha sa mata nila ang gulat.


"Sinong bumaril sayo ?" Natatarantang tanong ko. Inosenteng tinignan ako ni andrea bago may inisip.


"Bago ako nahulog may nakita akong lalakeng nakatayo sa pinakatuktok ng barko" 


Hindi ako makapaniwalang may gustong pumatay samin ?!


"Pinaulanan niya ng bala ang dagat kasi kitang kita ko sa kislap dahil sa buwan" patuloy na kwento niya. Napakurap ang ng ilang beses bago lumapit sa mahabang sofa na kinauupuan ni lance. 


Kailangan ko malaman kung sino yun !


"Kung ganun posibleng kasabwat ni zedrick yun pero binaril din siya diba ? Baka ikaw xander??" Takang tanong ni lance habang nakataas ang isang kilay nito. Na parang ako talaga ang may gawa


"Kahit patayin mo pa ako. Hinding hindi ko gagawin yun sa ...asawa ko" hindi ako makatingim ng deretcho kay andrea. May takot parin ang mata niya.


"Kailangan mong malaman yun xander. Pano nga kung totoong si andrea talaga ang target niya or worse, nila? And by the way. I don't know that zedrick guy but can you ask him if he is involve in that shooting" seryosong sabi ni lance. Tumango naman ako at dahan dahang lumapit sa kama ni andrea.


Nakatingala lang siya sakin.


"I'm sorry" sinserong sabi ko.


"Is this about how you treat me in the cruise ship?" Inosenteng tanong niya kaya dahan dahan akong tumango. 


'Sana hindi mo ako kamuhian'


"I understand. Your forgiven" at sumilay ang ngiti mula sa labi niya. 


"Kahit naman saktan mo ako. Mahal parin kita, lalo ngayon na naaalala na kita... honey" at ngumiti.

Guminhawa ang kalooban ko at humihingi ng permisong yakapin siya


"Salamaaaaaaaaat" mahabang saad ko. At binaon ang mukha ko sa leeg niya


"Ehem. Pwede bang umupo ka muna dito xander ? Para ka talagang pusa. Hahaha" natatawang sabi nito sinamaan ko siya ng tingin bago umupo mga dalawang tao ang pagitan.


"Tss" ungot ko.

Nag usap pa kami ng matagal, karamihan ay ang tungkol sa nakaraan naming tatlo at pano ko inagaw si andrea kay zedrick.


 Lahat sinabi ko. Gusto nga akong sakalin ni andrea eh pero nilalambing ko agad siya para hindi niya ako kamuhian.. ayoko ng mag sinungaling at baka mawala pa siya sa paningin ko. 



No freaking way. Mas gusto ko pang saktan ako kesa hiwalayan.


"Nasan pala ang parents ni andrea, xander?" Tanong niya kaya napabaling ako sa kanya

"Nasa Sicily" sabi ko at namimilog ang mata ni lance. Siguro naintindihan na niya kung ano yun.


"Se-Seriously????" Nakanganganga tanong niya. Kaya ako lang ang makakaintindi kay andrea dahil pareho kami na klase ng pamilya.


Isang Pamilyang Mafia.  

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now