[25]

77 8 0
                                    

  Andrea's POV


Simula ng magkita kami ni zedrick ay lihim kaming nagkikita


Siya lang kasi ang nag kukwento tungkol sa nakaraan ko na hindi sinabi nino man lalo na si xander. 


Kaya nakakapang hinayang.

Ikatatlong araw na sa araw na ito na magkikita kami ni zedrick. Sinabi kong bibili lang ako ng kung ano ano para payagan ako ng guard.

"Hi" bati agad sakin ni zedrick na nakaupo nalapit sa pinto ng tea shop


"Hello. Kamusta kana ?" Masiglang tanong ko.


"Eto namimiss ka. Hehehe" biro niya. Mapagbiro siyang tao kaya madali siyang pakisamahan.

"Loka. So ano ngayon ang ikukwento mo zed?" Maganang sabi ko at umupo. 


"Here" sabay abot ng inorder niyang milktea sakin na siyang ininom noom ni xander sa school


"Well. Isa ka pinagkakaguluhan nun ng highschool. Sempre lalake lang ako para hindi ka pansinin. Kaya simula nung nag transfer ka ay kung hindi inaabangan kitang dumaan ng gate o sinisilip sa room mo" parang natawa pa to sa sariling kwento. Natuwa naman ako sa inaasta niya.


"Hmm. Tapos sempre si timang kung nanjan ka. Grabe yung nerbyos ko kaya simula nung natulungan kita sa task mo sa library ay naglapit ang nga loob natin" he sweetly said. Laging hindi niya ako dinideretcho.


"Zedrick eto nalang ang gusto kong itanong sayo" sabi ko. Hindi ko parin kasi alam kung totoo o hindi ang nga sinasabi niya dahil una palang ay hindi ko maalala.


"Ano yun ?" Tanong niya at uminom ng milktea


"Naging kasintahan ba kita ?" Deretchong tanong ko. Ni hindi siya kumurap kaya nagtaka ako.


"Seriously ?"


"Yes.please tell me. At ano ang ginagawa mo nung gabi na nasa kasal kita?" At doon siya nagulat.


"Y-you remember?" Gulat niyang tanong. Umiling ako


"Napanaginipan kong gusto mong barilin si xander. Tapos naka gown ako. Hindi ko alam kung alala yun o panaginip" sabi ko.


"Totoo yun. Dahil bago kayo kinasal. Kasintahan kita andreanne." Malamlam ang mata niyang sabi at biglang natahimik. Tinignan ko siya na para ituloy ang kwento. At nagsimulang manubig ang mata niya 


"Mahal na mahal mo ko nun eh" sabi niya at pinahid ang luha. Naawa naman ako kaya naibigay ko ang panyo ko sa kanya.


"Tapos pagbalik ko galing sa operasyon ay kinakasal kana kay xander. Alam mo gaano kasakit yun andreanne? Pero kahit galit na galit ako sayo at kay xander ay nagawa parin kitang iligtas" natahimik ako habang nakikinig. Tahimik na siya kaya ako naman ako nag kwento


"Nagising ako nun sa ospital. Tapos may nagpakilalang natanda. Hindi ko siya kilala ay mas lalong hindi ko kilala ang sarili ko ng tinanong ako nung doktor. Kaya pinangalanan ako ni lola ng anastasya Valdibina Asuncion. Pero namatay siya sa aksidente at hindi na niya ako nabalikan sa ospital ang nag iisang kilala ko muna sa magising ako" medjo naluluha na ako habang nagkukwento


"Sabi ng doktor baka daw hahanapin lang din ako ng mga magulang ko. Pero hanggang sa na discharge ako ay yung batang lalake at yung doktor ang kilala ko. Sila din ang nagbayad ng bills ko dahil walang wala talagang nagpakilalang pamilya ko. Naging batang lansangan ako. Di naman ako nag arte kung kakain ako ng tira na nakikita ko sa daan o basurahan matutuwa pa mga ako eh. Hanggang sa may nakita akong ballpen. Tapos papel naman kaya nagsusulat ako doon ng mga nakikita kong sa lansangan. Mapa banner pa yan ng tumatakbong kagawad o yung sulat sa mga poster. Kaya nung may nakakita saking babae at pinaaral ako. Siya yung may ari ng public school kung saan ako galing, doon humasa ang talino ko kahit wala akong maalala hanggang sa tumungtong na ako ng 4th year high school at binigyan ng scholarship ng mag asawang Ferrer"


Pagtatapos ko ng kwento. 


Tahimik lang kaming dalawa ng may nagbagsak ng kamay sa mesa namin kaya napatalon ako sa gulat at kitang kita ko gano kagalit ang mga mata ni xander habang nakatingin kay zedrick at bigla akong hinatak at lumabas ng shop.

Nagpupumiglas ako sa hawak niya pero sa sobrang lakas niya ay nasasakta---
*TIIINNGGGGGGG*


"Andreanne!"
"Andrea!"


Zedrick's POV


"It's all your fault!" Sabay duro ni alexander sakin. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanila. 

Masakit sa mata. Hindi ko kayang tignan ang nag iisang babaeng minahal ko maliban sa sarili ko ay may kasama ng iba. Hindi ko naman inaasahan na ang pinagkatiwalaan ko pang kaibigan ang umagaw sa mahal ko and worse pinakasalan pa.


'Bakit hindi mo ako hinintay andrea? Ginawa ko yun para makasama pa kita ng matagal'


Pero wala na pala akong babalikan. May asawa na siya.


Susuko na ba ako ?

Hindi ko mapigilang lumuha at madiin na napahawak sa dibdib ko. 


'Ang sakit'

Ang sakit sakit sa puso. Agad kong kinapa ang gamot mula sa bulsa ng pantalon ko at dali daling ininom.


'My life is not worth it any longer, right andrea?'

Sana maging masaya kayong dalawa.


 At sana hindi ka na saktan ni xander gaya ng ginawa niya sayo nung gabi ng kasal niyo na siyang dahilan ng pagkawala ng ala-ala mo.  

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now