[4]

120 10 0
                                    

Anastasia's POV

Totoo nga ang sinabi ni Mrs.Ferrer. pagkatapos ko lang ubusin ang nakahanda ay may pumasok na lalake na bongga ang outfit at nag 90 degree bow.


"The Car is ready Madam" nakayuko parin nitong sabi. Madam daw. So si Mrs.Ferrer ? 


Alangan naman ako. Ni hindi ata ako nakita ni koya dahil todo yuko naman siya


"Hija tara ?" Nakatayo na siya kaya napatayo naman ako and encircled her arms on hers.

 Wala ako kawala nito. Hatak hatak niya ako. Kaya nagpatianod nalang ako kay sumabay sa kanya.

Todo bulungan naman ang mga students na nadadaanan namin pero bigla naman tatahimik kung lilingunin sila ni Mrs.ferrer. 

ha? Mga bahag din pala buntot niyo ano ?


Muntik pa ako matumba ng may nakaparadang mahabang sasakyan sa harap ko. Eto ba ang tinatawag nilang limousine?

 Ang gara naman. Huta mukha ata akong trapo kung sasakay ako. Kaya umiling ako. 


"Ano ka ba. Tara na hija. May pupuntahan pa tayong salon. Mas matatagalan tayo doon" bumungisngis to habang ako naman ang nakanganga. Salon ? Wo. Nagiging dyosa daw kung nagpapasalon ka kahit minsan. Ano kaya ginagawa dun ?


"Para sa inyo po ma'am?" Takang tanong ko habang dahan dahan na pumapasok sa saksakyan


'Tabi tabi po sa masasagian kong kumikinang na gamit'
Baka biglang kalawangin hehe


"Nope. for both of us. And call me Tita" nahiya naman ako tumawag sa kanya ng ganun. Tumahimik nalang ako at nagkibit-balikat habang nakatingin sa desenyo ng loob ng limousine.

 pero internally ay sumisigaw na ako sa ganda ng loob ng limousine. Isang basketball team kasya sa loob. Grave. Pede na to bahay. Banyo nalang kulang

Kung ano anong shop or should I say boutique ang napasukan namin ay laging may nalalabas kaming paper bag. 

Si Mrs. Hindi kokonti sa lima. Puro siya pili at sukat sakin sabay bato sa assistant na naka abang doon. Habang nagbabayad napatingin ako sa mga damit at nalula sa taas ng presyo! Shet ! 

Made of golden bar ba tong mga tela na to. Ilang taon ko na kaya magagamit ang pera na yun. Tas isang damit lang ang halaga?!

 My god. Di nalang ulet ako nagtitingin at baka dumugo ilong ko.

Nasa salon na kami at may pinagsasabi yung bakla na ibang linggwahe ata at pinagtuturo ang ano man doon sa ulo ko. 

Tumango tango naman si Mrs.Ferrer at umupo sa isang upuan doon at nilapitan ng isang babae at di ko na napanood ang iba dahil pinaupo na rin ako sa upuan at may apat na nagtutulungan na ayusan ata ako.

Ano pa nga ba. Yung dalawa ay nasa buhok ko. Yung siya sa kuko ko sa kamay. Yung isa naman sa paa.
Nakatulog na nga ako dahil presko sa pakiramdam. 


Apat o limang oras ata ako pinagtulungan at dinamitan na galing sa pinamili ni Mrs.Ferrer. nagbabasa na to ng magazine habang umiinom ng tsaa at sumisilip lang saglit tas ngingiti.

Hindi ko na makilala ang nasa harap ng full size na salamin. Ako ba to? Kahit yung salamin ko ay tinanggal nila. Pra tuloy akong bulag.

"Last . An eye specialist then Alex will going to go crazy when he see you my dear" nakangiting sabi nito habang nakahawak sa magkabilang balikat ko.

"Salamat po" hindi ko na inintindi yung sinabi niya dahil mas naka focus ako ngayon sa lahat ng gastos niya para sakin.

Beautiful StrangerМесто, где живут истории. Откройте их для себя