[23]

66 7 0
                                    

  [Picture: Zedrick]


Andrea's POV 


"totoo? kaibigan kita noon?" takang tanong ko kay zedrick, kaya pala napanaginipan ko siya kaso iba man yung nasa panaginip ko?



may emergency kanina ng papasok na kami ng amusement ni lance. as in hindi siya mapakali kaya sabi ko mag taxi lang ako pauwi.sorry siya ng sorry sakin, sabi ko wala yun.



kaya habang nag aabang ng taxi habang nakaupo ay may tumabi sakin.


siguro mga sampung segundo bago siya bumaling sakin



"Andreanne???" hindi ako lumingon kasi diba andrea name ko.


"Andreanne" at doon na ako napalingon sa gawi niya dahil as in lumapit siya sakin kaya magalang akong ngumiti at nag bow saglit.



"sino po sila?" tanong ko, may itsura naman siya kahit hindi ko siya kilala, pati parang nakita ko ang mukha niya, di ko lang matandaan kung saan

"ako to si zedrick!" masayang sabi niya at tinanggal ang sunglass at lumitaw ang maganda niyang mata. napatanga pa ako ng ilang segundo



"pasensya na po" sabi ko agad at nagbaba ng tingin



"hindi mo ba ako maalala? ako ang nagligtas sayo" malungkot niyang sabi, nakuha naman nun ang atensyon ko

"ha?"

"gabi nun... ng may kumuha sayo at ginawa kang hostage... nabitawan ka ng naghostage sayo dahil nadulas siya at nahulog sa dagat, naabutan pa kita nun pero dahil may sugat ang braso ko, sabay tayong nahulog pero hindi kita mahanap nang nakaahon ako" kwento niya at hindi ko napansin na hawak na pala niya ang isang kamay ko at hinahaplos sa mukha niya


"kaano ano kita?" tanong ko



"hindi mo talaga maalala?" kumislap ang mata niya na parang maiiyak na. umiling ako



"kasin---" natahimik to saglit bago ngumiti sakin



"Kaibigan kita" sabi niya at kitang kita ang maganda niyang ngipin


"pasensya na talaga kung hindi kita maalala" seryoso ako nun. 



makalipas ng ilang minuto ay nagsimula na siyang magbiro, tawang tawa pa ako nun ng tumawag si xander napatitig pa ako dun bago niya kinuha to at tinawagan.


pagkatapos niyang tawagan si xander ay nagtawanan kami at nagtuloy sa biruan namin



ang gaan ng loob ko sa kanya, kaibigan ko lang ba siya?

Beautiful StrangerWhere stories live. Discover now