[11]

89 10 0
                                    

  Andrea's POV

Diba dapat ako yung galit dahil sa paghalik niya sakin kanina bakit siya tong parang pusang naagawan pagkain.

Ang sama ng tingin niya sakin. Nandun sa sulok nakaupo. At hindi ako pinapansin !


"Anong problema mo ? Akala ko mag uusap tayo?" Tanong ko. At pinulot ang bag kong san niya lang hinagis baka masira ang tablet sa loob wala akong magagamit! Hmp!


"Tss. Itanong mo dun sa kabit mo" asik nito. Ano daw ?


"Ha? Sinong kabit ?" Takang tanong ko at lalapitan sana siya ng tumayo at pumasok sa walk-in closet. Hala ka


"Huy ! Hindi ka pusa xander. Naiinis na ko" kunwaring naiinis na ako kaya lihim akong natawa ng nakanguso tong lumapit at umupo sa mahabang sofa. Nakabusangot masyado ang mukha.


"May regla ka ba ? Kanina lang makaluhod ka sakin. Tapos ngayon para ka namang pusa" kunot noong tanong ko. Mas tumulis ang nguso nito. Nawala ang atensyon sa kanya ng may kumatok.


Pagkabukas ko isang delivery man ang nakita ko at may inabot na malaking paper bag. Tinanggap ko naman to at itatanong sana kung may bayad ng tumalikod to at umalis nagkibit balikat nalang ako at sinara ulet ang pinto Saan na nga ba tayo ?


"Ikaw ba ang nagpadeliver nito?" Tanong ko at inilalag sa table ang paper bag. Para naman akong kumausap ng hangin dahil hindi man lang to kumibo.


Kahit siya ang bumili ng pagkain ay nauubos rin ang pasensya ko.


Kaya may naisip akong magandang ideya. Tignan natin.

Kunwaring binagsak ko ang paper bag at nagmamadaling lumabas at nagmarcha paalis Pero bago pa ako makatatlong hakbang may kamay ng pumigil sakin at dahan dahan kong hinila papasok ng kwarto.

Nakatayo lang ako habang siya ay nakayuko at hawak parin ang braso ko.


Walk out kunwaring galit - Mission accomplished.
Napangisi tuloy ako.


"Magsasalita ka ba o aalis nalang ako?" Pananakot ko. Humigpit naman ang pagkakahawak niya sa braso ko at inangat ang tingin sakin. 


Pula na ang mata nito na parang kunting kibot nalang ay iiyak na. Hala ka andrea.

"Nagseselos ako" mahina pero seryoso nitong sabi at dahan dahan akong nilalapit at niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik ka mukhang nagulat pa siya sa ginawa ko.

"Wala naman kinaseselos doon. Nagtanong lang ako tungkol sa tablet at nagpasalamat" sabi ko. Totoo naman eh. Nagtanong lang ako.

"Hintayin mo lang ng ilang araw magiging kaklase na rin kita at ako ang magtuturo sa lahat ng gusto mong malaman, wag ka lang makikipag usap sa ibang lalake"

"Hindi na po" sabi ko at mahinang natawa. Kung ano ko man si xander noon ay napakalalim nun dahil hindi basta basta iiyak ang isang lalake dahil sa selos kung wala siyang nararamdaman.

"ano..."

"Ano'ng ano?" Tanong ko. Nakayakap parin siya. Kung susubukan kong humiwalay ay hihigpit lanh ang yakap niya.
May pasok pa ko mamayang ala una.  

  malalate ako nito.

"Pwede ba...ano... tumabi sayo mamayang matulog?" Atsaka niya lang ako hinarap. Ang seryoso ng mukha niya.

Tatanggi sana ako ng sumegunda siya

"at pagusapan natin ang buhay mo noong hindi pa kita nakita. As in lahat"

"Ah. Papayag ako kung sa sofa ka matutulog" haruuu. Ang harot namin. Ilang taon na ba ako ?  

  ay hindi ko pala alam.. 



"Deal ! Basta dito ako ngayong gabi" taas noong sabi nito. Nag shake hands pa kami bago kinain ang pinadeliver niya.

At hindi ko siya mapangalanan dahil hindi ko alam kung anu yun. Sabi niya ay tempura yun. Kaya pala parang may nakausling pulang ewan. Puro ako tanong bago ko kinakain.

 Mahirap na baka sumakit ang tyan. Nagiingat lang may klase pa kaya ako  


Beautiful Strangerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن