Epilogue

1.7K 40 2
                                    

The end is here... Yes po, last chapter na ito and by tomorrow ang kay Azul este Blue pala hahaha

Please the video para feel yung wedding. Haha

~~~

Nicole's POV

Pagkatapos ng isang linggo namin magbakasyon sa Bicol ay pinagusapan na namin ni Theo ang tungkol sa kasal at nagpasya kami na magpapakasal bago pa lumaki ang tyan ko. Ngayong araw na ang hinihintay naming pareho, ang araw ng kasal namin. Masayang masaya ako dahil magpapakasal na kami ni Theo. Tuloy na tuloy na talaga.

Habang inaayusan ako ng baklang make-up artist nang may kumatok sa pinto at binuksan naman iyon ng assistant. Ang mga magulang ko ang bumisita.

"Mama, papa." Huminto ang make-up artist sa pagaayos sa akin kaya tumayo ako para yakapin sila. "Thank you po sa pagpunta sa araw na ito."

"Ano ka na, anak. Kasal mo ngayon at hindi namin ito papalampasin ng papa mo." Naiiyak na talaga ako dahil matagal ko ng pinangarap ang magpakasal sa lalaking mamahalin ko at ang gusto kong makasama habang buhay. Ngayon ay natupad na.

"Nicole, huwag ka na umiyak. Baka masira pa iyang make-up mo."

Kumalas na ako sa pagkayakap sa kanila dahil sira na naman ang make-up ko.

"Naku, girl. Ulit na naman tayo sa pagaayos sayo. Parang hindi kasal ang dadalo mo, kundi patay dahil sa itsura mo ngayon." Reklamo ng baklang make-up artist.

"Sorry." Umupo ulit ako sa harap ng salamin.

"Okay, retouch tayo baka magsimula na yung seremonya ng kasal hindi pa tayo tapos dito. Kabahan si pogi kapag hindi ka sumipot." Natawa na lang ako ng mahina sa sinabi niya. Hindi ko naman pwedeng hindi siputin si Theo.

"Anak, alis na kami ng papa mo ah. Kita na lang tayo sa simbahan."

"Okay po, ma."

Pagkaalis nila mama ay may kumatok ulit sa pinto at ang wedding planner ang kumatok.

"Malapit na magsimula ang seremonya. Get ready." Sabi ng wedding planner at lumabas na ulit siya.

"Okay, girl. Bihis ka na para hindi na mainip si pogi kakahintay sa simbahan."

Sinuot ko na ang wedding gown at napangiti ako sa baklang make-up artist.

"Galing talaga ng fairygod mother mo. Bongga talaga ang ganda mo. Gora na!"

Nang nakarating na ang kotse sa tapat ng simbahan ay bumaba na ako para pumasok sa loob.

Naghanda na ang lahat. Rocco is Theo's best man and Sarah is my bridesmaid. Sinadya ko talaga maging partner ang dalawa kahit nagbabangayan ang dalawa tuwing pratice kaya yung wedding planner ay palaging high blood sa kanila. Ngayong kasal ko ay hindi na nagbabangayan dahil kinausap na namin sila ni Theo na tumahimik kahit ilang oras lang. Sa reception na ulit sila mag-aso't pusa.

Nang hinahatid na ako ni papa aisle ay naluluha ako dahil hindi ko inaasahan na ikakasal na ako. Heto na talaga ang araw na iyon, Nicole. Ikakasal ka na kay Theo.

"Theo, alagaan mo ng maigi ang anak ko ah." Sabi ni papa.

"Makakaasa po kayo, papa." Ngumiti sa akin si Theo kahit naluluha na ang mga mata nito. "You look beautiful in your wedding gown, kitten."

"You look handsome in your tuxedo."

Ngayon ay nakatayo na kami sa harap ng altar at may priest na rin nasa harapan namin.

"I, Theo, take you Nicole to be my lawfully wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in healt, until death do us part."

10 Things To Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon