Prologue

3.5K 64 2
                                    

           One year later...
Theo's POV

Ngayong araw ang kasal nina Red at Tiffany. Medyo nakakaramdam ako ng inggit dahil ako itong panganay sa aming magkapatid pero naunahan ako ng sumunod sa akin. Tama lang naman ang ginawa ni Red dahil may anak sila at may bagong dating pa sa kanila. Kahit pa paano bilang nakakatandang kapatid at best buddy niya ay masaya ako para sa kanila.

I'm a jerk.

An asshole.

Nagsisi ako sa ginawa kong desisyon noon sa dati kong nobya. I broke up with her when she left me. I love her so much pero sobra akong nasaktan noong iniwan niya ako sa ere. Akala ko ay mahal niya rin ako pero bigla na lang siya nawala parang bula. Kahit saan ko siya hanapin ay hindi mahanap. Tama nga ang sabi ng ibang tao kapag ang isang tao ayaw magpahanap ay hindi na sila mahahanap pang muli. The reason why I don't want to be here pero wala ako magagawa dahil nandito ang pamilya ko at saka sobrang miss ko na sila. Kaya tinalikuran ko na ang lahat na pangarap na maging isang modelo sa Italy. Hindi ako makapagtrabaho ng maayos dahil naalala ko si Nico, the way she support my dream job. Kaya in love na in love ako sa kanya dahil mabait siyang tao at noong iniwanan niya ako ay napaisip ako baka hindi ako ang tamang lalaki para sa kanya. Meron pang mas deserving sa kanya, kayang alagaan at mamahalin hanggang sa pagtanda. Hindi ko na nga inisip ang laki ng agwat ng edad namin dahil noong nakilala ko siya ay nasa 3rd college na siya until she graduated at pumasok rin sa agency na pinapasukan ko para maging modelo rin siya katulad ko at ako naman ay nagtatrabaho na ako dahil 9 years age gap namin. Ang sabi nga ng iba age doesn't matter dahil walang pinipiling edad kapag ikaw ay nagmahal sa isang tao. Ang sinasabing 8 years ang relastionhip namin ni Nico sa article sa internet ay hindi totoo iyon dahil ang totoo ay wala pa kaming 8 years. Limang taon lang tinagal ng relasyon namin pero hindi na ako nagco-comment sa article na iyon dahil ayaw ko ng pagusapan pa. Lalo lang ako nasasaktan. And now, I'm 35 turning 36 this year. I look younger than my age kaya sinasabi ng mga kaibigan ko ay may lahi daw akong bampira dahil hindi tumatanda. Kumpanra naman kay Red na mukhang mas matanda sa akin dahil hindi naman siya marunong ngumiti bago pa niya nakilala si Tiffany pero ngayon ay masaya na ako dahil tumatawa at ngumingiti na ang kapatid ko.

"Kuya Theo, ang lalim naman yata ng iniisip mo ngayon." Napakurap na lang ako ng marinig ang boses ng bunsong kapatid ko na si Sarah. Ngumiti ako sa kanya bago umiling.

"It's nothing, lil sis." Tumayo na ako sa table namin para lumapit sa bagong kasal. "Hey, bro and sister-in-law, congrats sa inyong dalawa."

"Thanks, Theo." Sagot ni Red. Tumingin naman ako kay Tiffany habang pinapatulog niya ang bunso nilang babae. Yes, babae ang bunso nila.

"Hindi na rin ako tatagal dahil kailangan ko na rin bumalik sa Manila." Sabi ko sa bagong kasal. Dito kasi sa Palawan ginanap ang kasal nila. A beach wedding.

"Special na araw ito para sa amin, Theo. Bukas ka na bumalik ng Manila."

"May importante pa akong gagawin sa kumpanya at ayaw kong maraming ginagawang trabaho." Sagot ko. Mas gugustuhin ko na lang ang mag-kulong sa loob ng condo unit ko kaysa magtrabaho.

"Sobrang importante ba iyan kaysa ngayong araw para sa amin?" Tanong ni Red sa akin.

"Didi, ayos lang. Intindihin mo na lang ang kapatid mo dahil sobrang dami ang trabaho niya sa Manila." Ngumiti ako kay Tiffany.

"You know how it feel, Red. Signing a documents it really sucked."

"Fine, you may go."

"Thanks, bro. Enjoy niyo na lang ang honeymoon niyo mamaya."

"Walang honeymoon." Ani Tiffany.

"Walang honeymoon, Mimi?"

"Wala tayong pagiiwanan sa mga bata, Red."

"Nandiyan ang pamilya mo at pamilya ko na pwedeng magalaga sa kanila habang wala tayo."

Iniwanan ko na silang dalawa at nagpaalam na rin ako kila mommy na babalik ba ako sa hotel suite. Pinayagan naman ni daddy baka pagod na ako kaya kailangan ko ng magpahinga. Sobrang pagod na sa mga bagay-bagay.

Habang naglalakad ako pabalik sa hotel ay nakita akong isang babae, para bang familiar siya sa akin.

"Nico?" Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Imposible nandito siya ngayon dahil wala siya ngayon dito sa Pilipinas. Wala akong ideya kung saan siya ngayon. Napailing iling na lang ako baka hallucination lang ito. Wala si Nico sa Pilipinas. Pero pagkadilat ko ay nandoon pa rin ang babaeng hawig ni Nico at may dalawang bata siyang kasama. Sa loob ng limang taon namin magkahiway, sigurado akong may asawa na siya. But the little boy he reminds me of myself when I was at his age.

Tuloy na ako sa paglalakad para makapagpahinga na ako at mamayang gabi na lang ako babalik sa Manila.

"Theo?" Huminto ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin at humarap ako sa kanya. "What are you doing here? Ang akala ko ay nasa Italy ka."

"Last year pa ako bumalik dito para humawak sa kumpanya namin."

"Tinalikuran mo na ang pangarap mo maging modelo?" Tanong sa akin ni Nico at ngumiti akong pilit sa kanya.

"I guess. May isang bagay kasi ako na gusto kong kalimutan kahit labag sa kalooban ko ang ginawa kong desisyon at sana nga lang hindi ako magsisi sa ginawa kong desisyon na naman."

"Mama, who is he?" Tanong ng isang batang babae kay Nico.

"Uh, um... He is an old friend, Serena."

Lumuhod ako sa harap ng dalawang bata. I think they are twins at mukhang nasa 4 o 5 years old na sila ngayon.

"Hi, I'm Theo De Luca.."

"Hello. I'm Serena and this is Stefan, my twin brother." Sabi ng batang babae habang hawak ang kamay ng kapatid niya. Tama nga ang iniisip ko na kambal sila.

"Hello." Mahinang tugon ng batang lalaki na tinawag na Stefan ng kapatid niya. Mukhang mahiyain lalo na't hindi naman nila ako lubusan kilala.

Tumayo na ako at pinagpagan ang pantalon ko na may buhangin.

"Ano pala ang ginagawa mo dito, Theo?" Tumingin ulit ako kay Nico. Hindi ko na kayang tumagal dito dahil nasasaktan na ako kapag malaman kong may asawa na siya. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

"Ngayon kasi ang kasal ng kababatang kapatid ko at dito ginanap ang kasal nila. Hindi na rin naman ako tatagal dahil kailangan ko na rin bumalik sa Manila mamaya."

Nagpaalam na ako sa mga bata pero hindi kay Nico. Hindi ko kasi kayang tingnan siya. Habang naglalakad ay pumapatak ang mga luha ko kaya agad ko iyon pinahid.

It really hurts! Damn it. Karma ko na yata ito ngayon.

~~~~

Thank you ulit sa pag-suporta sa story nina Mimi at Didi.

Ang kwento na ito ay ang kwento ng panganay na kapatid ni Red na si Theo.

10 Things To Take You BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon