Chapter 28

1K 38 4
                                    

Namilog ang mga mata ko ng sinabi niyang isa siyang NBI agent? Ang pagkaalam ko hindi nakikicooperate masyado ang mga NBI sa mga pulis ah.

"Alam ko rin iyang iniisip mo, Nicole. Wala akong ibang choice kundi ang tawagan ang police headquarter dahil wala akong back up dito sa Pilipinas kundi sila lang."

"Masyadong delikado ang trabaho mo. Paano kung may mangyaring masama sayo? Maiiwanan si Daisy, Rocco."

"Naisip ko na rin iyan pero kailangan ako ng bayan. Kaya lang hindi ko masabi sa anak ko dahil hindi pa man niya maiintindihan ang trabaho ko. I can be a hero or a killer. Depende sa misyon ko."

"Misyon mo rin ang hanapin sina Ross or that woman he called Mia?"

"Nah, narinig ko lang sa mga pulis na most wanted ang Ross na iyon. Dahil kasabwat niya rin ang Mia ay kasali na rin siya sa wanted list."

"What do you mean most wanted si Ross?" Naguguluhan na ako sa mga nangyayari.

"Kailan lang may pinatay siyang babae pero ang hindi niya alam ay may nakakita sa kanya kaya agad nireport sa mga pulis. Hindi naman nagtagal noong nangyari ang crime scene ay may pinatay na naman siyang babae. Kaya simula noon ay pinaghahanap na siya ng mga pulis. Ayaw ko sana mangialam sa kanila pero noong nakita kong dinukot kayo ng Ross na iyon ay hindi ako nagdalawang isip na sundan ang van."

"Hindi ka ba natatakot na pwede kang mamatay?"

"It's part of my job. Mabubuhay ka o mamatay sa isang misyon."

"Sana naman iniisip mo si Daisy. Kawawa siya kapag mawala ka."

"Wala tayo magagawa dahil ito ang trabaho ko simulang namatay ang asawa ko. Naging agent ako dahil gusto ipaghiganti ang pagkamatay ni Alyssa."

Akala ko ba kaya namatay ang asawa niya pagkapanganak kay Daisy. Tapos ngayob sasabihin niyang may pumatay sa kanya. Naguguluhan ako.

"Naguguluhan ako, Rocco. Ang sabi mo sa akin noon namatay ang asawa mo habang nanganganak."

"Yeah. Pinalabas ko lang sa kamag anak ni Alyssa namatay siya habang pinapanganak niya si Daisy pero ang totoo niyan ay pinatay siya."

"Don't tell this to Theo what I told you just now. Hindi alam ni Theo isa akong NBI agent. Ang alam niya ay isa akong police detective." Binuksan na niya ulit ang pinto. "Have some rest, Nicole dahil alam kong nagdadalang tao ka sa anak niyo ni Theo."

"Paano mong nalaman?"

"Dahil ganyan na ganyan yung asawa ko noon pinagbubuntis pa niya si Daisy at blooming na blooming siya." Humakbang na ito palabas ng kwarto. "Babalik na lang ako bukas. And I already asked the securities na sila na muna ang bahala magbantay kay Theo. Pwede ka na rin umuwi na muna."

Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising kaya hindi ko naabutan ang kambal bago sila pumasok sa school nila. May driver na kasi sila na maghahatid at susundo sa kanila. Kumain lang ako ng agahan at naligo na rin ako pagkatapos dahil kailangan na rin ang bumalik sa ospital. Sana nga lang gising na si Theo ngayon.

Pagkarating ko sa hospital room ay nadatnan ko si Rocco nakaupo sa waiting area.

"Good morning, Rocco."

"Morning. Nasa loob ang kapatid ni Theo na si Red."

Alam pala ni Red ang nangyari kaya pumasok na ako sa loob.

"Nicole, I'm glad you're okay. I got a call from a friend of mine na may dumukot daw sa inyo kahapon."

"Yes, mabuti na lang may lumigtas sa amin." Napatingin ako sa direksyon ni Rocco at para bang sinasabi niyang huwag kong sabihin na isa siyang NBI agent.

"I can't believe nangyari rin kay Theo ang ganitong sitwasyon."

"What do you mean, Red?" Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"I'm married with other woman before Tifa. Hindi ko naman inaasahan na magkakagusto ako kay Tifa noon kahit tali na ako sa ibang babae. At dinukot rin niya si Tifa noon, mabuti na lang wala siyang ginawa kay Tifa pero noong pangalawang beses na dinukot ay ako ang tinorture niya at pinakawalan lang ako ng dati kong kaibigan kung papayag si Tifa magpakasal sa kanya. I think you and Tifa have same situation. Hindi nila tanggap na hindi sila ang minahal niyo at handa niya patayin ang kapatid ko. But you have nothing to worry about because I have a friend who can help you for this case."

"Who?"

"His name is Chief David Ferrer. Isa sa mga magaling na police chief na kilala ko."

Mas mataas ang posisyon ng kaibigan ni Red kaysa kay Rocco dahil ang sabi niya kagabi ay mas kilala lang siyang police detective.

"I'm sorry, Red. Kung hindi dahil sa akin hindi sana magiging ganito si Theo ngayon."

"It's not your fault, Nicole. Sabi ko nga hindi lang tanggap ng lalaking iyon na hindi siya ang minahal mo kundi ang ama ng kambal. Si Theo iyon."

Nakita ko ang paggalaw ng daliri ni Theo at maya maya pa ay dumilat na siya.

"Theo?" Lumapit ako sa kama niya.

"Wait, I'll call a doctor." Tumango ako kay Rocco dahil siya na rin naman ang nasa labas.

"Brother, can you hear me?" Tumango naman si Theo kay Red. "Mabuti naman kung ganoon."

"W-Where am I?"

"Nandito ka ngayon sa ospital." Sagot ko sa kanya at tumingin naman si Theo sa akin.

"Musta ka? Ang baby natin?"

"Okay lang kami ng anak mo."

"Whoa. Buntis ka, Nicole?" Tumango ako kay Red. "Hindi ka nakuntento sa kambal ah, Theo? But congrats."

"Bakit hindi kayo gumawa pa ng anak ni Tiff? Malaki na rin si Gaia."

"Heh! Gumagawa rin naman kami ng 3rd baby ni Tifa. Don't worry, hindi lang kayo ni Nicole."

Para tuloy namumula na ang pisngi ko pero may narinig na akong tumikhim.

"This is not the right place to talk about that kind of conversation." Napatingin ako kay Rocco, para bang ibang iba siya ngayon kumpara noong unang beses ko siya nakita o kagabi. Naging masungit na siya ngayon pero may isang doctor na siyang kasama para tingnan si Theo.

"Maayos naman ang mga vital organs ng pasyente pero ang mga nakuha niyang sugat ay kailangan humilong na muna bago namin siya payagan lumabas ng ospital. Baka ma infection ang mga yun."

"Don't worry, kaya ko naman bayaran ang mga hospital bills ko rito." Saad ni Theo.

"Theo, Nicole, I have to go. Kailangan ko na rin ang bumalik sa kumpanya."

~~~~

3 updates for today.

10 Things To Take You BackWhere stories live. Discover now