Chapter 17

1K 29 1
                                    

Nicole's POV

Ilang beses na ako pumunta sa condo ni Theo ay hindi ko siya naabutan kaya tinanong ko yung guard pero ang sabi ay hindi pa daw niya nakikita si Theo na umuwi dito. Siguro naman hindi siya umuuwi sa kanila dahil hindi pa sila okay ng mama niya kaya nagpasya na rin ako pumunta sa DL Corp para alamin kung nandito si Theo ngayon. I know Theo is one of the best CEO in the country, maliban sa kababatang kapatid niya. I know Red dahil nakilala ko na siya noon pa and he is a year older than me pero ang alam ko hindi nga uso ngumiti sa kanya, palagi nga siyang seryoso. Pero sa bawat kwento ni Theo tungkol sa kanya ay marami na daw nagbago kay Red ngayon.

"Good morning, ma'am. Saan po kayo?" Tanong ng guard sa akin.

"Sa CEO office lang sana, manong. Gusto ko lang malaman kung nandito yung CEO niyo."

"Sorry, ma'am pero tatlong buwan na pong hindi pumapasok si sir Theo, iyon kasi ang sabi ng sikretarya niya. Subukan niyo na lang po puntahan yung condo unit ni sir."

"Salamat na lang po, manong. Ilang balik na rin kasi ako doon at wala si Theo." Naglakad na ulit ako. Nasaan naman kaya pumunta ngayon si Theo? Pagkatapos nangyari noong gabing nakita niya kami ni Ross. Totoo lang hindi ko inaasahan gagawin niya iyon kahit alam naman niyang boyfriend ko si Theo, kahit hindi pa naman kami ni Theo talaga pero hinalikan niya ako at nakita pa iyon ni Theo. Kailangan ko siyang makausap at magpaliwanag sa kanya. Nasaktan ko yung tao at alam kong mahal talaga ako ni Theo, saka seryoso siyang liligawan niya ulit ako.

Nagpasya na lang ako bumalik sa condo unit ko para magpahinga na rin. Ilang araw na rin ako hindi bumabalik sa trabaho para lang makausap si Theo.

"Mommy!" Sinalubong ako ng kambal at ngumiti ako sa kanila ng tipid. Alam ko kasi tatanungin nila sa akin kung nasaan ang daddy nila at wala akong alam kung nasaan siya ngayon.

Nasaan ka na ba, Theo?

Umupo na ako sa sofa at niyakap ko ang tuhod ko. Naramdam kong may humahaplos sa buhok na dalawang kamay kaya tiningnan ko. Nakita ko ang kambal.

"Mommy, don't be sad." Sabi ni Serena.

"Yes, mommy. We're still here."

Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Ang sakit kasi ng ganito. Sana nga isang masamang panaginip na lang ito at mamaya ay magigising na ako dito. Pagkagising ko ay nasa harapan ko si Theo pero ang masaklap ito ang katotohanan, walang Theo ang pupunta ngayon rito. Tatlong buwan na siyang wala. Walang may alam kung saan siya pumunta.

Bumalik ulit ako sa labas ng condo building ni Theo pagkahatid ko sa nga bata sa eskwelahan nila dahil umaasa akong babalik siya ngayon.

"Ma'am, pasok po kayo sa loob baka magkasakit kayo. Mukhang malakas pa naman ang ulan ngayon." Sabi ng guard sa akin.

"Ayos lang po ako. Hindi kayo aalis rito..." Nakayuko lang ako at basang basa sa ulan. Sobrang lakas nga ng ulan at mukhang may bagyo pa ngayon.

"Sir, welcome back po!"

"Hindi rin naman ako tatagal rito. Kukunin ko lang yung ibang gamit ko." Napaangat ako ng ulo para tingnan ang loob at namilog ang mga mata ko kahit likod lang iyon ay alam kong si Theo ito pati ang boses niya.

"Theo..." Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako magawang harapin. Sobrang nasaktan ko siya. "Please naman, oh... Magusap naman tayo ngayon."

Para ba wala siyang narinig dahil deretso lang siya papunta sa elevator.

Mga ilang minuto ay nakita kong lumabas na si Theo habang pinapayungan siya ng guard papunta sa kotse.

"Theo, kausapin mo naman ako." Nakita ko ang paghinto sa paglalakad ni Theo.

Binuksan na muna ni Theo ang kotse niya bago pa siya humarap sa guard.

"Kuya, lagay mo na lang sa loob ng kotse ko yung mga damit ko." Binigay naman niya ang mga gamit sa guard at lumapit na sa kotse ni Theo ang guard na inutas niya.

Yakap-yakap ko na ang sarili ko dahil giniginaw na ako sa lamig.

"Naghahanap ka ba talaga ng sakit ah?"

"Hindi ako aalis rito hanggat hindi tayo maguusap na dalawa."

"Wala na tayo paguusapan dahil malinaw na sa akin ang lahat, Nicole. Hindi mo na maibabalik ang lahat nangyari. Ang mga nakaraan na meron tayo dati. Salamat dahil nagising na rin ako sa katotohanan kaya tanggap ko na ang lahat. Kung iniisip mo ang tungkol sa kambal ay huwag ka magaalala magbibigay ako ng pera para sa gastusin nila."

"Uncle Theo!" May narinig akong boses ng isang batang babae pero hindi ko masyadong makita ang mukha dahil sa lakas ng agos ng ulan.

"Kaya tanggapin mo na rin na hindi tayo para isa't isa, Nicole. Siguro magulang lang tayo ng kambal pero hindi tayo ang tinadhana para isa't isa." Tumalikod na siya para bumalik sa kotse.

"Theo, sorry sa lahat. I'm really sorry." Sumabay sa agos ng ulan ang mga luha ko. Sobrang nasasaktan na ako sa nangyari. Sumuko na agad si Theo sa akin. "Mahal kita kahit ayaw mo na maniwala sa akin."

Hanggang sa nawalan ako ng malay...

Nagising na lang ako puro puti ang nasa paligid ko. Nasa ospital ba ako ngayon? Siguro nga. Pero ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Ano ba ang nangyari? Ang huling naalala ko lang ay nahimatay ako kanina habang kinakausap ko si Theo.

"Hi, mabuti naman gising ka na." Napatingin ako sa nagsalita. Isang lalaki nakaupo sa couch na hindi naman familiar sa akin at may kasama pa siyang batang babae. "Don't be afraid. Hindi ako masamang tao. Actually, uh... Kaibigan ako ni Theo at inutusan niya akong bantayan muna kita."

"Nasaan siya ngayon?"

"Ang alam ko lang may meeting pa siyang pupuntahan ngayon."

"Pupunta ba siya dito mamaya?"

"Iyon ang hindi ko alam. Ikaw ba yung ex girfriend niya?"

"Y-Yes."

"Palagi ka kasi kinukwento sa akin ni Theo pero last time na tumawag siya sa akin ay wala na ang kilala kong Theo. Na walang alam na pangalan ng ibang babae kundi ang pangalan ng babaeng minahal niya noon." Namilog ang mga mata ko. Alam kong ilang beses na sinasabi sa akin ni Theo na mahal niya ako pero sa ibang tao na nanggaling na talagang mahal ako ni Theo pero sinaktan ko siya. "Sorry, hindi pa pala ako nagpapakilala sayo. Ako pala si Rocco Hernandez and this is my little Daisy. Anak ko siya."

"Kasal ka na pala."

"Yes pero namatay ang asawa ko noong pinapanganak niya si Daisy."

"Sorry to hear that."

"Ayos lang. Masaya naman sa tuwing kasama ang anak ko."

Nahihiya akong tanungin kung may alam ba siya saan pumunta noon si Theo kaya nagpasya akong hindi ko na lang siya tanungin. Magpapahinga na lang ako dahil masama pa rin ang pakiramdam ko.

"Kung gusto mong malaman saan pumunta si Theo nitong mga nakaraang buwan." Napalingon ako sa kanya. Nabasa niya ang iniisip ko. Marunong pala siya magbasa ng isip ng ibang tao. "Nasa Italy siya kasama ko. Kinumbinse ko lang siya na sumama sa akin pabalik rito. Mahirap pero nakumbinse ko rin siya dahil alam kong kailangan niyong magusap na dalawa."

"Thank you. Pero mukhang ayaw na niya akong kausapin."

"I know Theo. I'm sure you know him too. Bigyan mo lang siya ng oras para magisip, siguro nagulat lang siya ng makita ka niya sa labas ng condo niya. Ang totoo niyan nagaalala siya noong nawalan ka ng malay kanina."

~~~~

Kung hindi niyo pa nabasa ang story nina Tiffany x Red. Basahin niyo na. Pero hindi ko naman kayo pinipilit. Hahah

-Skye

10 Things To Take You BackΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα