Chapter 7

1.3K 40 1
                                    

Nicole's POV

Hindi ko na kayang itago kay Theo ang lahat, tutal may ideya na rin siya sa mga nangyari dahil pinagimbestiga niya ako.

Theo De Luca is my ex boyfriend.

Kahit malaki ang agwat ng edad namin ay hinahayaan ko lang dahil minahal ko siya noon hanggang ngayon, paano ko siya hindi mamahalin kung may anak na kami?

"Please, Nico... Let's start over again. Let's be friend. Gagawin ko ang lahat hanggang mahalin mo ulit ako."

Kahit hindi mo na iyan gawin ay mahal pa rin kita pero hindi ko masabi sabi sa kanya dahil natatakot ako sa pwedeng mangyari sa mga magulang ko kapag nalaman ng mama ni Theo na kinakausap ko pa rin ang anak niya.

"Hindi ko alam kung kaya ko..."

"I will talk mom. Hindi ko mapapatawad ang ginawa niya noon. Handa akong talikuran ang pagiging De Luca para sa inyo ng mga bata, Nico." Napatingin ako kay Theo at nagulat sa sinabi niya. Seryoso ba siya? Pero kilala ko si Theo na may isang salita siya at baka gawin niya talaga. Katulad ng sinabi niya kanina na magpapakamatay siya kaya wala ng ibang choice kundi ang bumaba para kausapin siya.

"Theo, no! Ayaw ko magaway kayo mag-ina ng dahil sa akin."

"No, that's final. Gusto ko bumawi sa inyo ng mga anak natin." Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likuran ng kamay ko.

Ng mga anak natin...

Napapangiti na lang ako sa isipan ko dahil matagal ko ng gustong marinig iyon galing kay Theo pero wala nga siyang ideya.

"Ngayon sinabi ko sayo ang lahat nangyari kung bakit kita iniwanan sa ere. Sorry talaga kahit labag--" Namilog ang mga mata ko ng dumikit ang labi niya sa labi ko. Naiiyak na naman ako dahil sobrang miss ko na talaga si Theo, kahit ang mga halik niya. We're kissing here in lobby until I realized something kaya naitulak ko si Theo.

"What's wrong, kitten?"

"Baka may dumaan dito at nakita nilang naghahalikan tayo sa lobby."

"Who cares? Kung inggit sila eh, gayahin nila." Hinalikan na ako ni Theo sa noo. "I will do anything to take you back, my kitten."

Napapangiti na lang ulit ako sa tuwing tinatawag ako ni Theo na kitten. Bakit kitten? Kasing cute ko daw yung mga kuting kaya iyon ang tawag sa akin ni Theo simulang naging kami but I called him puppy. Kaya iyon na yata ang endearment namin. Corny pero wala naman kaming pakialam.

Masaya ako naging boyfriend ko si Theo dahil mabait siyang tao at mahirap na makahanap ng katulad niya. Kaya simulang naghiwalay kami ay hindi na ako naghanap pa ng boyfriend dahil naka focus na lang ako sa trabaho at sa mga bata.

"Theo, tara sa taas at pakilala ko ulit sayo ang kambal." Nakangiting sabi ko sa kanya at tumayo na ako sa kinauupuan kong sofa. Tumayo na rin si Theo at hinawakan niya ang kamay bago kami pumunta sa elevator.

"I won't let you go. Baka mawala ka ulit sa akin."

"Hindi na ako mawawala pa sayo. Ngayon pa na alam mo na ang totoo." Pagkabukas ng elevator ay pumasok na kami ni Theo at pinindot ko ang 6th floor.

Pagkarating namin sa unit ko ay binuksan ko na yung pinto at sinalubong ako ng kambal.

"Mommy..."

"Where are you been, mommy?" Tanong ni Stefan. Matagal na ako nosebleed sa kambal dahil sa Paris ko sila pinanganak at mabuti na lang hindi sila marunong mag-French. Pero nakakaintindi naman sila ng Tagalog.

"Bumaba lang si mommy dahil may kinausap lang siya pero may papakilala ako sa inyo."

"Who?" Sabay pa nilang tanong.

"Can we get inside?" Tanong ko dahil nakaharang sila sa daanan.

"Sorry."

Nang nakapasok na kami ni Theo ay nagulat ang kambal kaya ito na kay Theo na sila ngayon.

"Stefan, Serena." Tawag ko sa kanilang dalawa at napalingon naman sila sa akin. "Do you remember this guy?"

"Yes, mommy. He is the guy we met in the beach before." Sagot ni Serena.

"Actually, he is your daddy." Sabi ko sa kanila kaya napatingin ulit sila kay Theo.

"But how about uncle Ross?" Tanong ni Stefan sa akin.

"I told you, he is just a friend. The one who taking care both of you while I'm not around." Nakita ko na kasi ang pagkunot ng noo ni Theo at mukhang nagseselos siya kay Ross.

"Daddy, let's play." Hinila na ni Serena ang kamay ni Theo.

"Hey, I wanna play with daddy too."

Dinala na nila pareho si Theo sa kwarto nila para maglaro. Hindi nga magkasundo ang kambal sa lalaruin nila. Masaya ako dahil makita ko lang masaya ang kambal.

Maya maya pa ay napatingin ako sa orasan dahil malapit na pala maghapunan kaya nagluluto na ako. Habang abala ako rito sa pagluluto ay may yumakap sa akin mula sa likod kaya napahinto ako sa ginagawa ko.

"Thank you."

"Ginagawa ko lang ang tama, Theo at sapat na ang limang taon na hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa kambal." Tinuloy ko na ang pagluluto pero hindi pa rin bumibitaw si Theo sa pagkayakap sa akin. "Hindi ako makakilos ng maayos, Theo baka masunog ang niluluto ko."

"Sorry." Kumalas na ito sa pagkayakap sa akin at pumewesto sa tabi ko.

"Saan pala yung kambal?"

"Nakatulog sila habang naglalaro kanina. Kinuha ko na rin ang pagkakataon para umalis sa kwarto nila."

"May gagawin ka ba ngayon? Kung meron pwede ka ng umuwi."

"Pinapaalis mo na ako? Wala naman akong ginagawa ngayon. Sa totoo lang bored na ako sa kumpanya dahil walang magawa ngayong araw kaya umalis na ako ng maaga."

"Kaya ka ba umalis sa pagiging sa modelo dahil sa kumpanya niyo?"

"Yes, hindi ko ba sinabi sayo noong unang nagkita tayo sa Palawan?"

"Hindi ko na maalala."

"Ikaw, saan ka na nagtatrabaho simulang umalis ka sa pagiging modelo mo?"

"Sa isang restaurant bilang waitress. Kahit maliit lang ang sahod ko ang importante ay may makain kaming tatlo sa araw-araw."

"Ang pamilya mo pala, nasaan na sila ngayon?"

"Nasa probinsya sila ngayon nakatira dahil ayaw ko na sila mangialam katulad ng ginawa nila noon. Tinanggap nila ang perang binigay ng mama mo."

"Huwag mo na problemahin ang isang milyon para bayaran si mama. Nandito naman ako para bayarin ng buo ang isang milyon na iyon."

"Hindi mo naman kailangan gawin iyon at baka sayo pa ako magkaroon ng utang."

"Simpleng kabayaran lang naman ang gusto ko, Nico."

"Ano naman iyon?"

"Ang maging akin ka ulit. That's all what I what. Maninirahan tayo sa isang tahimik na lugar. Wala na kahit sino, kahit pa ang mga magulang ko. Tayong apat lang ang magkasama."

Hindi ko alam kung magandang ideya ang sinabi ni Theo at saka hindi siya sanay mamuhay sa ganoong klaseng buhay. Anak mayaman si Theo.

"Dito ka na rin kumain." Iniba ko na ang pinaguusapan namin ngayon dahil ayaw ko ang topic namin kanina. Ayaw ko na pagisipan pa iyon.

10 Things To Take You BackWhere stories live. Discover now