Chapter 29

1.1K 39 0
                                    

Hindi pa rin pinapayagan si Theo na lumabas ng ospital hanggat hindi pa siya magaling. Like hello, sugat lang ang nakuha niya hindi siya naaksidente. Pero ang sabi ng doctor ay malalim daw ang sugat at hindi pa gumagaling.

"Gusto ko na umuwi. Masyado na akong bored dito." Rinig kong sabi ni Theo habang papasok kami ng kambal. Umuwi pa kasi ako sa bahay para makasama ang kambal pero pumipilit sila na gusto nila bisitahin si Theo.

"Wala ka maagawa, pre. Hindi ka pa pinapayagan ng doctor na lumabas."

"Iyon na nga. Pero may balita ka na ba sa gumawa nito sa akin, Rocs?"

"Yes, but if I'm not mistaken yung babaeng kasabwat niya ay ang fiancee kuno mo noon." Nagulat ako sa sinabi ni Rocco. Yung babae pala yung pinakilala kay Theo na papakasalan niya noon pero pinaglaban niya ako sa mama niya.

"Tsk. That bitch. Dapat noon pa lang ay pinakulong ko na siya."

Binuksan ko na ang pinto kaya pareho silang napatingin sa amin at binigyan ko na lang sila ng ngiti.

"Daddy!" Lumapit agad ang kambal kay Theo.

"Musta na po kayo?" Tanong ni Stefan kay Theo.

"Dapat sa bad guy pinaparusahan." Ani naman ni Serena.

"Don't worry, ayos lang si daddy. Okay? Gagaling rin ang mga sugat nakuha ko sa bad guys."

"Pagaling po kayo ah."

"Rocs, ano na pala balita sa may gawa nito sa akin?"

"They both in jail. Kinakasuhan naman si mr. Ross for murder sa maraming kababaihan." Sabi ni Rocco. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang yung kambal ay abala sa kanilang assignment.

"Sabi na nga hindi talaga makapagtiwalaan ang lalaking iyan. Kitten, dapat pala noon ay hindi mo na siya kinaibigan."

Ako rin yata ang dahilan kaya naging ganoon si Ross. Pero hindi naman ako papayag na ganoon ang gawin niya kapag nagkaroon ako ng feelings sa kanya, baka saktan pa niya ang kambal. Hinding hindi ako papayag.

"Pinuntahan na ng ibang pulis ang tirahan ni mr. Ross para sa inspection ang buong bahay and they found a bag of drugs." Hindi ako makapaniwalang kaya gawin ni Ross iyon.

"Hindi ako makapa--"

"Nico." Napatingin ako kay Theo. "Ngayon maniwala ka na dahil kaya niyang gawin ang mga bagay na iyon. Kaya niyang hindi sundin ang batas."

"Naging kaibigan ko kasi siya ng ilang buwan pero ganito lang pala ang kapalaran niya."

"It's his choice, Nicole. Not us. Kung pinili niya ang ganitong buhay ay baka dito siya masaya pero hindi naman habang buhay ay matatakasan niya ang ibang ka pulisan."

Parang hindi isang NBI agent ang nagsasalita dahil tinutulungan niya ang mga pulis sa operation nila. Kahit delikado itong trabaho ni Rocco.

"Rocs, ingat na lang dahil ikaw na lang ang pamilya ni Daisy."

"Thanks sa concern, pre. Hindi ko naman hahayaan ang sarili ko na mapahamak at iiwanan ko magisa si Daisy."

"Uncle Rocco." Napalingon naman si Rocco nang tawagin siya ni Serena. "Sa school rin po ba namin ni Stefan magaaral si Daisy?"

"Pwede rin. Para naman may kilala na si Daisy sa school kahit hindi kayo magkaklase."

"Yay! Hindi na ako nagiisang girl sa grupo kasi naman dalawang lalaki kasama ko." Kumunot ang noo ko sa huling sinabi ni Serena.

"Sino pa ang isa niyong kasama?" Hindi ko mapigilan na itanong iyon kay Serena.

"Si Mason po, mommy." Si Stefan ang sumagot.

"Sinong Mason?" Napatingin naman ako kay Theo.

"Anak nina Tiff at Red."

Mason pala ang pangalan ng panganay nila. Hindi ko pa kasi nakikita ang panganay nila pero nakita ko na si Gaia. Sobrang cute niya at ang chubby ng pisngi.

"Ang talino nga ni Mason sa Math kaya sa kanya kami nagtuturo ni Serena kapag wala kami maintindihan."

"Heh. Manang mana talaga si Mason kay Red dahil matalino rin ang kapatid ko sa Math. Pero sana hindi mahina ang anak sa Filipino katulad ng ama."

"Mahina po siya sa Filipino, daddy." Sabi ni Serena.

"Wala na. Like father, like son talaga."

"Ang pagkaalam ko ay may subject ka rin na kinaiinisan noon. Physical Education." Nakangising tugon ni Rocco kay Theo.

"Heh! Hindi ko kinaiinisan ang Physical Education pero mas gusto naman umupo na lang sa isang sulok."

"Ayaw mo kasi mapagpawisan noon."

"Ganoon ba si Theo noon?" Hindi ko mapigilan ang magtanong kay Rocco. Gusto ko kasi malaman ang ginagawa ni Theo noong nagaaral pa siya.

"Oo, minsan pa nga nawawala si Theo sa GYM tapos makikita ko na lang may kasamang babae."

Napatingin ako ng masama si Theo. Akala ko pa hindi siya babaero noong kabataan niya? Tapos nalaman kong may kinakasama pa lang babae noon.

"Kitten, naniniwala ka naman kay Rocco."

"Siyempre siya lang naman ang nakakilala sayo."

"Huwag ka nga magpaniwala sa lalaking iyan. Umihi lang ako noon dahil wala namang cr sa GYM kaya lumabas na muna ako at pagkatapos kong umihi ay may babae mukhang transferee lang at nagtatanong sa akin kung saan ang library." Tinasaan ko ng isang kilay si Theo. "Kitten naman."

"Style mo bulok, Theo!"

"Nico naman." I heard him groan bago binaling ang tingin kay Rocco. "Baliw ka talaga. Kapag nagaway kami ni Nico dahil sa gawa gawa mong kwento mauupakan talaga kita. O sisiraan kita sa babaeng popormahan mo."

"Sorry ka, pre pero wala akong pinopormahang babae." Tumingin naman agad sa akin si Rocco. "Relax lang, Nicole nagbibiro lang ako."

"Kainis ka!" Pinagpapalo ko si Rocco sa braso niya.

"Aray. Masakit. Ang brutal talaga ng mga babae kapag buntis." Hinihimas naman nito ang kanyang braso.

"Nararapat lang sayo iyan, Rocs. Kung hindi mo naman sinabi kay Nico na may babae ako noon ay sana hindi ka makakatikim ng galit ng fiancee ko." Matatawang sabi ni Theo pero biglang napangiwi siya.

"Ayos ka lang, puppy?" Nagaalala ako sa kalagayan ni Theo.

"Should I call a doctor?" Tanong naman ni Rocco.

"No, I'm fine. Sumakit lang ang sugat ko sa likod pero ayos lang ako."

"Pinakaba mo ko doon, puppy." Sumimangot ako. Akala ko pa naman kung ano na ang nangyari kay Theo.

"Sorry kung pinakaba kita."

Naiiyak na ako dahil ako ang nahihirapan kay Theo. Kahit hindi niya sabihin sa akin ay alam kong nasasaktan at nahihirapan siya sa kalagayan niya ngayon.

"Alis na ako, Theo, Nicole. Baka kasi hanapin na ako ni Daisy sa bahay." Paalam ni Rocco sa amin kaya tumango lang ako sa kanya bago pa siya lumabas ng kwarto.

"Rocs, wait." Mabuti na lang hindi pa nasasara ni Rocco ang pinto.

"Bakit, pre?"

"Hatid mo na muna yung kambal sa bahay." Binaling naman agad ni Theo ang tingin niya sa kambal. "Stefan, Serena, uwi na kayo sa bahay."

"Gusto po namin dito, daddy." Sagot ni Serena.

"Hindi pwede. May pasok pa kayong dalawa bukas."

"Okay po." Sabay na sagot ng kambal at sumunod silang lumabas ng kwarto.

10 Things To Take You BackWhere stories live. Discover now