Chapter 20

1.1K 30 0
                                    

Dumilat na lang ako nasa loob na ako ng kotse at si Rocco na ang nagmamaneho sa kotse ko.

"Mabuti naman naisipan mo pang gumising." Bungad nito habang ang tingin ay sa daan.

"Please lang, Rocs. Huwag mo na muna ako sermonan dahil ang sakit ng ulo ko ngayon."

"Lakas ng loob mo uminom kanina ng strong drink tapos hindi mo naman pala kaya."

"Hindi ko naman kasi alam na sobrang lakas pala noong binigay sa akin ng bartender."

"Huwag ka magaalala malapit na tayo."

"Mabuti naman." Sinandal ko na muna ang likuran ko sa backrest.

Pagkarating namin sa bahay ay nauna na ako pumasok kay Rocco dahil ipapasok pa niya sa garage ang kotse ko. Humiga na ako sa sofa, tutal dito ako matutulog simula ngayon.

"Sigurado ka dito ka sa sofa matutulog?" Tiningnan ko lang si Rocco bago sumagot sa akin.

"Malamang. Saan mo naman ako patutulugin? Sa bubong? Tatlo lang ang kwarto rito at lahat occupied. Hetong sofa lang ang hindi occupy."

"Pwede ka naman tumabi kay Nicole."

"Please, Rocs... Masakit ang ulo kaya gusto ko na matulog at matulog ka na rin. Maaga pa ang pasok mo bukas, diba?"

"Oo na. Good night."

Namulat ako dahil sa sinag ng araw at sobrang sakit ng ulo ko dahil sa hangover pero bumangon pa rin ako.

"Gising ka na pala." Tiningnan ko ang nagsalita. "Ang sabi kasi ni Rocco kanina bago siya umalis ay naglasing ka daw kagabi kaya tinimplahan kita ng kape para mawala hangover mo."

Nilapag na niya ang hawak niyang tasa sa center table pero hindi ko pa iyon ginagalaw.

"Musta na ang pakiramdam mo?"

"Okay na ako ngayon. Bumaba na rin ang lagnat ko kaninang madaling araw."

"Dapat hindi ka pa muna bumangon baka mabinat ka niyan."

"Nagutom kasi ako kanina kaya bumaba ako pero ayos na talaga ako ngayon." Umupo na siya sa tabi ko. "Sinabay na rin pala ni Rocco yung kambal sa pagpasok kanina."

"How about Daisy?"

"Nasa kusina pa ang anak niya. Bakit hindi pa siya pumapasok?"

"Hindi pa alam ni Rocco kung dito na ba siya tutuloy o babalik pa sa Italy." Kinuha ko na yung tasa sa center table para uminom na ng kape. "Shit. Ang pait."

"Siyempre. Para mawala yung hangover mo."

Sinusumpa ko na talaga ang maglasing dahil kung hindi tomato juice ang pinapainom ay mapait na kape. Ayaw ko na talaga ng hangover.

Napatingin ako ng hawakan niya ang kamay ko.

"Sorry sa lahat nangyari noon. Hindi ko naman kasi alam na gagawin ni--"

"Stop. I don't want to hear it anymore. Kinalimutan ko na ang mga nakita ko noon, Nicole at wala na iyon sa akin."

"Ganoon ganoon na lang iyon? Susuko ka na lang ba basta-basta, Theo.? Alam kong nasaktan kita noon kaya gusto kong magpaliwanag sayo." May luhang pumapatak sa mga mata nito.

"Hindi mo na kailangan magpaliwanag pa. Kitang kita ng dalawang mata ko ang nangyari."

"Maniwala ka man o hindi sa akin ay hindi ko inaasahan iyon, Theo."

"Inaasahan o hindi ay nangyari na. Hindi mo na maibabalik ang sakit naramdam ko noon."

"So, susuko ka na lang?"

"Matagal na ako sumuko sayo." Tumango na lang ito at hindi na siya nagsalita pang muli. Tumayo na rin siya sa kinauupuan niya.

"Pero ako hindi susuko sayo agad, Theo. Gagawin ko ang lahat at seryoso ang sinabi ko sayo kahapon na liligawan kita." Umupo pa siya sa kandungan ko. Damn. Kinuha na rin niya ang tasang hawak ko at binalik sa center table. "Theo, mahal na mahal kita. Maniwala ka man sa akin o hindi pero totoo ang sinasabi ko sayo."

Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya at siniil ko siya ng halik pero mga ilang minuto lang ang halik naming dalawa.

"I love you, puppy." Namilog ang mga mata ko. Tinawag niya ulit akong puppy katulad noon. "Gusto ko lang sana sabihin sayo na magkakaroon sana ulit tayo ng anak noon."

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"What happened?"

"Noong gabing hinabol kita ay hindi malakas ang kapit ng baby. Sorry, Theo." Hinila ko si Nico para yakapin at tuluyan na nga siyang humagulgol ng iyak. Paulit ulit siyang humihingi ng tawad sa akin sa pagkawala ng bata sa sinapupunan niya.

"Stop crying. Hindi mo naman kasalanan kung bakit nawala ang bata."

"Kasalanan ko, Theo. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala niya."

"Pero wala pang isang buwan ang may nangyari sa atin noon."

"Isang buwan na rin, Theo.
Siguro sobrang busy mo sa trabaho kaya hindi mo namalayan ang petsa."

Siguro nga.

"Huwag ka na umiyak." Pinahid ko na ang luha niya.

"Pero gusto ko magkaroon ng maraming anak sayo."

Napangiti na lang ako sa isipan ko dahil ibang klaseng babae talaga itong si Nico. May plano na sa gusto niya ko bigyan ng maraming anak.

"Baliw ka talaga, ano? Kung gagawin mo iyan ay ikaw ang mahihirapan."

"Ayaw ko mawala ka ulit sa akin. Tama na ang limang taon na hindi tayo nagkita at tatlong buwan na wala ka sa amin ng kambal. Alam kong galit ka sa akin." Niyakap pa niya ako ng mahigpit parang ayaw na talaga niya ako pakawalan. "If you want, ako ang magtatanong ng kasal sayo."

"Seryoso ka?" Tumango siya sa akin at mas sinisik niya ang kanyang mukha sa dibdib ko. "Pero ako itong lalaki."

"As if naman gagawin mo lalo na alam kong galit ka sa akin."

Mukhang tama ang mga sinabi sa akin ni Rocco kagabi. Nagpapakipot lang ako at talagang concern kay Nico.

"Nicole, look at me." Tumingala si Nico sa akin at nagmumugto na talaga ang mga mata nito. Hinalikan ko ang mata niya. "Siguro nga sobrang nasaktan ako sa nangyari noon pero ayaw ko na itanggi ang lahat."

"Na ano?"

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"Na ma--" I groaned when my phone rang. Bad timing naman kung sino itong tumatawag.

Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at nakita ko ang pangalan ng sikretarya. Bad timing talaga.

"What?" Naiiritang bungad ko.

"Sorry po, sir pero hinahanap kayo ni sir Thomas kanina at ang sabi ko ay hindi pa kayo pumapasok ngayon. Kaya ang sabi niya na kailangan niyo daw po siya puntahan sa bahay niyo."

Bakit hindi na kasi tumawag sa akin si daddy kung may kailangan siya sa akin? Tsk.

"Okay. Pupuntahan ko na lang siya mamayang dinner." Naiirita pa rin ako ng binaba ko na ang tawag.

"Sino iyon?"

"Sikretarya ko. Tumawag sa akin para sabihib na pumunta kanina si dad sa kumpanya pero wala ako doon kaya pinupupunta na lang ako sa bahay." Tumingin ako kay Nico. "Gusto ko kayo isama ng kambal sa bahay."

"Huh? B-Bakit naman?"

"Papakilala ko sa kanila ang kambal at siyempre kailangan nandoon din ang ina nila."

"Ohh... Okay." Umalis na siya sa pagkaupo sa kanungan ko.

"Mamayang dinner pa naman ako pupunta kaya mamaya susunduin natin ang kambal sa school nila at deretso na tayo sa amin."

10 Things To Take You BackWhere stories live. Discover now