Chapter 15

1.1K 34 0
                                    

Maaga pa lang ay pumunta na kami ni Nico sa susunod na destinasyon namin para tingnan ang eskwelahang pinapagawa at isa sa mga sponsor noon ang DL Corp.

Pagkarating namin ay nagpasalamat ang mayor ng lugar sa tulong na ginawa namin para makatulong sa mga bata dito. At nilibot na rin kami sa loob ng eskwelahan para makita namin ang loob. Medyo tapos na siya pero kulang pa daw sa kagamitan.

"Ganito ang gusto ko maging buhay natin. Simple pero masaya." Sabi ko kay Nico at hinakbayan ko siya.

"Pero hindi ka naman sanay sa ganitong pamumuhay, Theo."

"Masasanay na rin ako kapag dito na tayo nakatira."

"Sigurado ka ba diyan? Nagiisip ka na agad ng future natin eh, hindi ka pa nga nangliligaw sa akin." Napasimangot ako. Ouch. Tagos hanggang buto iyon sinabi niya sa akin. Masyado namang straight to the point si Nico sa akin.

"I'm serious, kittchen. Iwas sa problema sa Manila. Kung pwede nga lang sa Italy tayo gumawa ng pamilya ay matagal ko ng ginawa iyon pero hindi pwede."

"Bakit naman hindi pwede?"

"Unang una madali tayo puntahan ng mga magulang ko doon, pangalawa ayaw ko sa bahay namin tayo titira at pangatlo babalik na naman ako sa pagiging modelo."

"Ano naman masama kung bumalik ka?"

Ang slow naman ni Nico. Hindi niya kasi maintindihan ang ibig kong sabihin. O hindi na niya maalala ang sinabi ko kagabi?

"Ayaw kong may paparazzi, kitten. Ang gusto ko tahimik lang ang buhay. Kahit magsimula tayo sa maliit na negosyo basta kasama ko lang kayo."

"Huwag ka na muna magisip ng magiging future natin, Theo. Mas mabuti pang ayusin mo muna ang away niyo ng mama mo. Ayaw ko kasi na ako ang sisihin niya kaya kayo nagaway ng dalawa ngayon. Pero pwede ka mangligaw sa akin pero huwag ka aasang sasagutin kita agad. Hindi ako katulad noon."

Challenge ito.

"Okay, kitten. Makakaasa ka sa akin. Pero ang tungkol sa amin ni mommy..." Huminga ako ng malalim. "Susubukan ko. Alam mo naman hindi ganoon kadali iyang pinapagawa mo."

"Thank you, Theo." Ngumiti sa akin si Nico.

"Basta pagbalik natin sa Manila ay magsisimula na akong mangligaw sayo ah. Kaya wala pwedeng lumapit sayo kahit ang kaibigan mo pa iyan. Kung ano man ang pangalan niya."

"Ross."

"Okay, whatever his name." Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Noon kasi hindi ako nakakaramdam nito kahit alam kong maraming may gusto kay Nico pero isa lang ang naiisip ko ay mahal ako ni Nico kaya hindi niya magagawang lokohin ako. May tiwala kami sa isa't isa noon pero ngayon, may tiwala ako kay Nico pero doon sa kaibigan niya, wala.

"Bakit ba sobrang selos mo sa kanya? Wala naman siyang ginagawa ah."

"Lalaki ako, Nico kaya alam ko ang mga kinikilos ng mga lalaki. I know he likes you."

"Ang OA mo na, Theo. Tumutulong--"

"Tigilan mo ko sa tumutulong lang siya sayo. Kapag ako ang nago-offer sayo na tutulong dahil ako ang may responsibilidad sa inyo ng kambal tapos hindi mo man tinatanggap." Iniwanan ko na si Nico dahil sobrang inis ko na. Bwesit.

"Theo, wait!" Hindi ko na pinapansin si Nico dahil tuloy pa rin ako sa paglalakad. Mabuti na lang ay malapit lang rito ang tinutuluyan naming hotel kaya hindi ko na kailangan dalhin ang kotse ko. I can walk from here hanggang sa hotel o sumakay ng tricycle but I preferred to walk.

Pagkabalik ko sa hotel ay dumeretso ako sa front desk para magtanong.

"Excuse me, miss. Gusto ko lang malaman kung may available na ng room ngayon."

10 Things To Take You BackWhere stories live. Discover now