Chapter 10

1.1K 41 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso lang akong pumasok. Wala akong ideya kung saan ako makita si mommy.

"Ser Theo." Napatingin ako sa isang maid.

"Where's mom?"

"Nasa taas po si ma'am."

"Call her." Utos ko sa maid kaya umakyat na ito at umupo na ako sofa para maghintay.

Nakita ko ng bumaba si mommy galing sa taas kaya agad ako tumayo.

"Theo, what do you want from me?"

"I want to talk with you." Kalmadong sagot ko sa kanya.

"Okay, what do you want to talk about?"

"Can you stop all of this? Ang ayaw ko sa lahat ang pinapakialam ang buhay ko, I told you I can decide on my own. Kung sino ang papakasalan ko."

"Simple lang naman ang kahilingan---"

"Marrying a woman that I never love? Are you crazy, mom?! She came to my office at alam mo ba ang ginawa niya?! She's flirting with me?! I don't like it. Kapag nakita ko pa ang babaeng iyon baka sa kulungan na ang bagsak niya. I can put her in jail. You know me, mom may isang salita ako na kaya kong gawin."

"Why are you doing this, Theo?"

"No, why are you doing to me?! Alam niyo naman mahal ko si Nico, pero ano ito ginawa niyo?!" Nakita kong lumabas ng kusina si Blue. Naririnig niya ang pinaguusapan namin ni mom. "You gave her family a million pesos?! At kinasuhan mo pa ang mga magulang niya ng isang kaso na imposible naman nilang gawin?! How dare you, mom?!"

"Gusto ko lang pakita sayo kung ano ang kaya gawin ng pamilya ng babaeng iyon. Pera lang ang gusto nila kaya sila lumapit sayo, Theo."

"No! Hindi ganoong klase ang pamilya ni Nico. Nakikita ko kung paano sila naghirap para lang makapagtapos sa pagaaral ang anak nila. When Nico found out of what you did, gusto niyang ibalik sayo ang perang binigay mo sa kanila pero ginastos na ng mga magulang niya ang kalahati. Pero kaya lang naman ako nandito para bayarin ang lahat na iyon." May kinuha akong isang white evelope at nilapag ko sa center table. "Saktong isang milyon iyan. At kung malaman kong may ginawa ka na naman... Sorry to say aalis ako sa pamilyang ito at wala kayong maasahan sa akin. Kahit sa kumpanya, wala."

"You can't do this, Theo."

"Yes, I can. May isang salita ako na kaya kong talikuran ang pagiging De Luca. Kung hindi mo kayang tanggapin si Nico at ang mga anak namin ay parang sinabi mo na ring hindi mo tanggap ang buong pagkatao ko."

"Blue, don't tell you're against too." Sabi ni mommy pagkakita niya kay Blue.

"Depende, mom. Kahit nandito rin si Sarah ay ganoon rin siguro ang sasabihin niya. Kung kay kuya Red at kuya Theo nga nagawa mo ito, paano pa kami ni Sarah?"

"Simple lang ang kahilingan ko, huwag niyo papakialam ang mga desisyon ko sa buhay. Malaki na ako at alam kong ano ang gagawin ko."

"I'm sure dad doesn't have any idea what you did. Kung malaman niya ang tungkol dito baka pati siya ay magalit sa inyo, mom." Ani Blue

"Blue, may alam ka ba tungkol sa babaeng pinakilala sa akin ni mom noon?"

"Wala akong alam tungkol diyan. Pati nga ako ay nagulat sa in-anunsyo ni mom noong gabing iyon. Siguro wala rin alam si kuya Red tungkol doon. Alam kasi naming tatlo kung gaano mo ka mahal si ate Nicole kahit wala na kayo." Ngumiti ako kay Blue. Mabuti pa itong kapatid ko kahit hindi masyado nagsasalita ay magiging kakampi ko dito.

"Theo, saan ka pupunta?" Tanong ni mommy sa akin pagkalabas ko ng bahay.

"Aalis na muna ako rito. Gusto ko na muna lumayo sa mga problema na binigay mo sa akin, mom."

Pagkasakay ko ng kotse ay sinandal ko na muna ang likuran ko at bumuga ng hangin. Pinatakbo ko na rin ang makina ng kotse ko pero hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang makarating ako sa isang restaurant, wait si Nico ba iyon? May kasama siyang lalaki.

Nanliliksik ang mga mata ko habang pinagmamasdan sila mula rito. Mukhang masaya pa si Nico habang kausap yung lalaki. Hindi ba may trabaho siya ngayon?

Damn, hindi ko na kayang panoorin ang mga nakikita ko kaya bumaba na ako mula sa kotse at lumapit sa kanila.

"Theo?" Nagulat pa si Nico pagkakita niya sa akin.

"Hi, kitten." Hinalikan ko siya sa pisngi. Oh damn, nawala na sa isipan ko ang dapat gawin. Dapat hindi na kami magkikita na muna pero hindi ko naman kayang makita ang lahat na ito. Humarap na rin sa lalaking kausap ni Nico. "Hi, I'm Theo. Nicole's boyfriend."

"Boyfriends? Hindi ba wala ka pang boyfriend, Nicole?!" Nagulat pa ang mukha ng gago. Mas hamak naman lamang ako sa kanya. Sa itsura pa lang ay panalo na ako.

Tumingin ako kay Nico dahil nakayuko na ito.

"Tell him." Bulong ko sa tenga niya. I nibbled her earlobe kaya iyon ang kinapula ng pisngi niya.

"Yes, Ross. Boyfriend ko si Theo at siya rin ang ama ng kambal."

So, siya pala yung Ross na binanggit ng kambal noong pumunta ako sa unit nila. Tsk.

"Ah, s-sige pasok ba ako, Nicole." Mabuti naman naisipan mo pang umalis.

"Ano ang ginagawa mo rito, Theo? Hindi ba dapat ginagawa mo na ngayong araw yung mga sinulat mo kagabi? Strangers na tayo sa isa't isa simula ngayon."

Hindi ako makasagot. Paano ko naman magagawa iyon kung may karibal ako sayo. Damn it.

"Theo?"

"You're right. I'm sorry, hindi ko lang mapigilan ang magselos kanina kaya sinabi kong boyfriend mo ko." Tumalikod na ako para bumalik na sa kotse ko pero hinawalan ni Nico ang braso ko at napatingin ako sa kanya.

Nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa dahil hinalikan niya ako sa labi. Mabuti na lang tagong lugar dito kung saan kaming dalawa pero kung may lumingon sa pwesto namin ay may makakita sa amin. Siyempre wala naman akong pakialam kung may makakita pa sa amin dito.

"What is that?" Tanong ko ng humiwalay na ako sa kanya. Baka kasi kung saan pa marating iyon.

"Kiss. Ayaw mo ba?"

"Of course, I want." Hindi ko mapigilan ang ngumiti. May chance na ba ako ngayon kay Nico?

"Please, Theo. Huwag mo na gawin ang sinulat mo. Ayos lang sa akin na magsimula muli tayo pero bilang magkaibigan." Niyakap niya ako kaya ginantihan ko siya ng yakap.

"Okay, if that's my kitten want."

"Please, huwag mo na ako tatawaging kitten. Hindi naman ako kuting."

"But I want to call you whatever I wanted, kitten."

10 Things To Take You BackWhere stories live. Discover now