Chapter 23

1.1K 29 0
                                    

Ngayong araw ang alis ni Theo papuntang Japan para sa business conference. Trabaho rin naman kasi ang gagawin niya doon at alam ko namang hindi siya maghahanap ng babae roon.

"Miss mo na agad ang boyfriend mo wala pa ngang isang araw iyon sa Japan." Napatingin ako kay Rocco. Wala naman sinabi sa akin si Theo na may pagka sira ulo pala itong kaibigan niya.

"Ganyan ka ba talaga?" Biglang tanong ko sa kanya.

"Na ano? Baliw? Maybe, yes. Maybe, no. Sa ibang tao kasi masungit ako maliban kay Theo kilala kasi niya ako."

"Pero ibang tao naman ako."

"Girlfriend ka ng kaibigan ko kaya hindi kita magagawang sungitan. Kung sino ang importante kay Theo ay mahalaga na rin sa akin. Noong nasa Italy nga siya ay tinuring na niyang anak si Daisy and he mention na may kambal pala kayo."

Tumango lang ako sa kanya. Masyadong mabait kasi si Theo pero yung ibang tao ay inaabuso ang pagiging mabait niya.

"Anyway, hindi ko alam kung masasabi ko kay Theo ito. Baka kasi makalimutan ko."

"Ano iyon?"

"Dito na kami ng anak ko.. I mean nakahanap na ako ng malilipatan namin. Hindi naman kami pwede na mag-stay ni Daisy dito dahil may pamilya kayo ni Theo at nakakahiya naman kung tatagal pa kami. Pero malapit lang naman dito ang lilipatan namin."

"Okay. Sasabihin ko sa kanya kung hindi mo pa siya na sabihan."

"Sa makalawa pa naman kami lilipat ni Daisy."

"Paano pala kayo nagkakilala ni Theo?" Inatake ako ng curiosity ko. Pagpasensyahan na.

"Theo is a childhood frend of mine. Nakilala ko siya noong baguhan pa lang siya sa pinapasukan kong school sa Italy. Sa tingin ko nasa 12 years old na kami pareho noong panahon na iyon dahil pagkatanda ko kasama na niya si Red pero bumalik sila ng Pilipinas when Red turns 7. How about you? I mean paano mo naman nakilala si Theo."

"When I was in 3rd year college."

"So, pedophile pala si Theo." Natawa ako sa sinabi niya. "Just kidding. Baka sabihin mo kay Theo ang sinabi ko at patay ako doon."

"No. Hindi naman makakarating kay Theo iyon."

"Daddy!" Napalingon ako ng makita si Daisy na palapit kay Rocco.

"Hi, baby." Pinaupo ni Rocco ang anak niya sa kandungan.

Nakikita kong mabuting ama si Rocco dahil pinalaki niya ang kanyang anak na mag-isa lang after his wife died.

"Wala ka na bang balak maghanap para maging mommy ni Daisy?" Biglang tanong ko ulit. Oh gosh. Masyado na ako pakialamera sa buhay ng ibang tao.

"Si Daisy lang ang priority ko at wala na akong oras sa mga babae."

"Para may tutulong sayo sa pagalaga sana sa anak mo--" Tinakpan ko na ang bibig ko dahil sumosobra na sa kadaldalan.

"Daisy wants a mommy too, daddy."

"Ayaw mo na ba kay daddy, baby?"

"Hindi naman po sa ganoon pero naiinggit ako sa ibang bata dahil may mommy sila." Bumuga ng hangin si Rocco pero nagsalita ulit ang anak niya. "But daddy, I met someone. She's pretty. I think magugustuhan mo rin siya."

"Sa tingin ko may nakilala si Daisy na gusto niya maging mommy."

"Yes, aunt Nicole. Sobrang bait pa niya po dahil tinulungan niya ako sa mga bullies."

"Bullies?" Kumunot ang noo ni Rocco sa sinabi ng anak niya. "Tell me, baby meron ba nangbubully sayo?"

"Yes, daddy. Yung ibang bata inaaway ako kasi wala daw akong mommy but miss pretty came."

"I think I want to meet that miss pretty, baby. Para magpasalamat lang sa pagtulong niya sayo."

"Baka kapag nakita mo yung tumulong kay Daisy ay magkagusto ka na sa kanya." Tinitingnan ko lang ang magiging reaksyon ni Rocco sa sinabi ko. But no reaction.

"Nah, sabi ko nga sayo si Daisy lang ang kailangan ko at hindi ko kailangan na may tutulong sa akin sa pagalaga sa anak ko."

"Hindi sa kinukumbinse kita o ano pa man pero hindi kasi sa lahat na oras ay makakasama mo si Daisy dahil busy ka rin minsan sa trabaho mo. Mas mabuti pang may magaalaga sa kanya habang wala ka."

"Maybe you're right. Maybe I should hire a nanny." Nagtampal na lang ako noo sa sinabi nitong kausap ko. Ang slow grabe. Akala ko pa naman gets na niya ang ibig kong sabihin. "What's wrong? May nasabi ba ako?"

"Ah, wala naman. I guess you're right, kailangan mo maghanap na ng yaya para may magalaga kay Daisy. Pero yung pagkatiwalaan dahil sa panahon ngayon mahirap na magtiwala sa iba."

"No, I don't need a nanny. I need mommy." Ngkakaroon na yata mg tantrum si Daisy ngayon.

"Baby, stop." Tuloy pa rin sa pagwawala si Daisy kaya binuhat na ni Rocco ang anak bago tumayo. "Okay, maghahanap na si daddy ng mommy para sayo."

"Really?" Tumigil na ang bata sa pagwawala at tumingin siya kay Rocco.

"Yes. Para naman tumigil ka na sa pagwawala diyan." Tumingin sa akin si Rocco at tumango sa kanya. Alam ko na rin naman kasi ang ibig niyang sabihin. Mukhang maghahanap na nga si Rocco ng magiging mommy si Daisy.

Napatingin ako sa oras ay malapit na pala matapos ang school ng kambal kaya kailangan ko ng sunduin sila.

Pagkarating ko sa school ng kambal ay tumakbo na sila papalapit sa akin.

"How's school?"

"Okay lang po. Masaya dahil naglaro rin kami ng mga friends namin."

"That's good."

Naglalakad na kami ng kambal nang may mapansin akong tao sa harapan namin.

"Hi, Nicole."

"Pwede ba, Ross. Ayaw ko na makita ang pagmumukha mo dahil ginawa mo noon ay nagalit sa akin si Theo. Tanggapin mo na kasi na si Theo ang mahal ko hindi ikaw."

"Why, Nicole? Bakit hindi mo ko magawang mahalin? Dahil ba mayaman ang Theo na iyan? O dahil siya ang ama ng kambal?"

"Yes, he is the father of my twins pero hindi ko minahal si Theo dahil sa pera niya o yaman ng pamilya. Kahit mayaman siya ay hindi niya iniisip na hindi mayaman ang babaeng minahal niya noon at ngayon."

"Naniwala ka naman na mahal ka noon." Ngumisi pa siya sa akin. I don't like that smirk para bang may hindi magandang gagawin si Ross.

"Yes, dahil nakikita kong mahal pa rin ako ni Theo hanggang ngayon at tanggapin mo na ang katotohanan." Nilagpasan na namin ng kambal si Ross dahil masisira lang ang araw ko.

"Masabang tao po ba si uncle Ross?" Tanong ni Stefan.

"Don't say that, twin. Hindi masamang tao si uncle Ross. Remember, he took care of us noong may work pa si mommy."

"Yes, but he hates daddy. Papayag ka bang may isang tao na magagalit kay daddy?"

"Siyempre hindi. Mabait si daddy." Tumingala si Serena sa akin. "Hindi po ba, mommy?"

"Yes, mabait ang daddy niyo at mahal na mahal tayo noon." Nakangiting sagot ko sa kambal.

~~~~

Please read 10 Rules Of My Boss. Red De Luca and Tiffany Tuazon's story.

-Skye

10 Things To Take You BackWhere stories live. Discover now