But I missed Yves too.


Two weeks na kaming hindi nagkikita. He's busy with his upcoming movie. Guess who's the leading lady? Of course it's Mira! Ever since she debut si yves na ang ka-love team niya. Alam kong may kissing scene sa movie na yun. Sinabi sakin ni Yves. Nagulat nga daw sya nung pumayag ang manager ni Mira sa scene na yun.


Well, she's also turning 18 this week. And I bet my boyfriend would be her partner. Inatupag ko munang magfacebook, 5pm pa lang naman at 7pm pa kami usually nagdidinner. I kept on browsing kahit alam kong wala naman akong gagawin, until I saw this fan page of Mira and Yves.


Wow ha! Ang dami nilang stolen shots. Yung iba ang sweet pa, may picture sila sa cafeteria, sa labas ng classroom nila Mira. Sa set, sa labas ng gate nila Yves, sa gate ng bahay nila Mira, at alam kong bahay nila yun.


Pinipilit kong tanggapin yung mga nakikita ko. Pero bakit parang nasasaktan ako? I know it's just a part of their show. Pero alam kong may gusto si Mira kay Yves.

"Aww. Bagay na bagay talaga sila (inlove emoji)"

"Ang gwapo gwapo ni Yves"

"Sana nga totoo yung rumor na in a relationship na kayo"


Inexit ko na lang yung facebook ko at piniling matulog, masasaktan lang ako sa mga comments na mababasa ko. Kaya ko namang pantayan si Mira, kung ang pagiging artista lang din ang kailangan gawin para mailantad yung relasyon naming dalawa ang daling gawin. Ang problema, ayokong gawing public. Hindi ba ang pangit tignan? He's my siblings half brother. In fact, para na rin kaming magkapatid. But what did I do? I fell in love with the wrong person.


↞ ● ↠


"Hey" bati sakin ni XX. "Hi Felicie" baling niya naman sa pinsan ko. Sinamaan lang siya nito ng tingin kaya natawa ako. "What?" inosenteng tanong nya.


Umiling ako "Don't mind her, she's just pms-ing" tumawa pa ko ulit. Pagpasok kasi namin kaninang umaga masama ang pakiramdam ni Felicie, she doesn't want to go to school today but may exam kami, ayun she has no choice. Mahihimatay na nga siya kanina sa sobrang sakit.


"Bakit hindi ka pa umuwi? Does your uhm, lower abdomen usually hurts when.. Uh you know" natawa ulit ako sa tanong ni XX. Hindi niya kasi maderecho.


"X, girls usually felt that way. Well ofcourse except for me. I didn't experience having hard times when that day comes. I'm always cool" Pageexplain ko sa kanya.


Bigla namang napatayo si Felicie.


"Xharles, sorry ha? But my cousin and I needs to go" Felicie. Hindi pa man din ako nakakapagkiss kay XX hinila na niya ko. Don't get me wrong, the kiss is only on the cheek. A friendly kiss to be exact.


"Ano ba cous! Medyo rude ha! I didn't even say goodbye to my bestfriend properly" sabi ko sa kanya.


"Speaking of this.." she stopped on pointed on her lower abdomen "When was the last time na nagkaron ka?" tanong niya. I was taken aback by her question. Kinuha ko yung phone ko at chineck. OMG! "What?" iritable niyang tanong ulit.


I showed her my phone.


"4 months ago?!!! God Helyne, hindi mo alam?" Sigaw niya sakin. Nasa special class building kami kaya sure akong walang makakarinig samin dito.


"I don't know! Irreg ako diba?" Yeah. Irreg talaga ang buwanang dalaw ko, pero hindi ganito ka-irreg. I'm starting to get nervous pero hindi ko pinapahalata.


"God! You make me real sick! Sa bahay tayo dederecho after class, maliwanag?" Felicie. Tumango na lang ako. I don't know what to say.


↞ ● ↠


"Pumasok ka dun, use this" May inabot siya saking tatlong sachet. A pregnancy test. Tatlo talaga? "Ano na? Go! Use it all" Wow. Mas matanda ako sa kanya pero kung umasta sya siya ang ate? Haaays. Sinunod ko na lang siya at pumasok sa loob ng banyo niya. Kami lang dalawa ang tao dito sa bahay at isang maid nila.


Binasa ko muna yung instruction bago ko gawin. Kaya pala pinapainom ako ni Felicie kanina ng maraming tubig. At talagang hindi niya ko pina-ihi sa school kanina. Ginawa ko lahat ng sinabi dun sa box at hindi ko na inantay yung result lumabas na ko agad.


"OH MY GOD!" sigaw ni Felicie habang papalabas sya ng banyo. Tinignan ko naman sya ng masama, bakit ba kailangan sumigaw?


"What?" Ako ngayon ang naiirita sa kanya.


"I told you! I was right! Great Helyne, just great! Pano ka ngayon? You're just turning 18 next month" Paghihisteria ni Felicie.


"Can you just go straight to the point?" Ako.


"Oh ayan, check it out by yourself" sabay lapag ng PT sa kama. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. This can't be happening.


"What do I do?" nanginginig kong tanong sa kanya. I want to cry badly.


"Shh. Wag ka umiyak, we'll figure this out. For now sating dalawa muna ito. Tito Mich would go berserk pag nalaman nya 'to. He protected you so much" Felicie.


She knew the feeling because Tito Jin is also the same to her. 

Secret Love ✔️Where stories live. Discover now