Epilogue

2.9K 67 0
                                    

Habang nasa tapat lang kami ng kuwarto kung saan iginapos si Raze.





"Nasaan si Shanella? Ilabas niyo siya?! Ipakita niyo siya sa akin!" Galit na utos niya sa mga kalalakihan na nakapalibot sa kanyang paligid. "Hm, wala na 'yun. Iniwan ka na no'n. Siya pa nga nagdala sa iyo dito pagkatapos siya bayaran ni Gru ng isang million at ni Volter ng dalawang million. Haha, kawawa ka naman dahil wala nang nagmamahal sa iyo. Lagi ka na lang pinagtataksilan. Hahaha!" Kung hindi lang siguro nakagapos 'tong si Raze baka nasuntok na niya si Golf.





"Saan naman siya pupunta?" Namumulang mga mata na itinuon niya ang kanyang paningin kay Golf. "Sa simbahan kung saan sila magpapakasal ni Boss Lee. Hahaha, balak mo ba silang pigilan. Well, baka naghihingalo ka na kapag nasa simbahan ka na. whahaha!" Mas lalong lumakad ang tawanan nila. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng pinigilan niya ako.





"No! Mamaya na kapag malala na ang sitwasyon." Bulong niya sa akin, tinignan ko lang siya at umiling. "You can't stop me, Tyler." Bulong na pabalik ko sa kanya. At saka binuksan ang pintuan. Sa pagluwa no'n ay ako ang laman kasabay na pagluwa rin ng malaking mata ni Golf. "Shanella? Ang akala ko umuwi ka na kasi binayaran ka na nila. Ano pang ginagawa mo rito?" Ma-angas na pagtatanong niya sa akin. Eh kung bangasan ko kaya pagmumukha niya.





"Extra ka lang dito kaya huwag makialam! Mamaya lang eh mawawala ka na rin sa eksena kaya ginagalingan mo na rin! Tss!" Sabay halukipkip ko sa harapan niya. "Aba, matapang ka na pala ngayon ah. Hindi man lang ako inin-form ni Author." Sasampalin na niya sana ako ng iniharang ni Tyler ang kamay niya. "Subukan mo siyang saktan, patay ka sa akin! Lumayas ka na nga lang sa harapan ko!" Pero hindi nagoatinag ang loko.




Gusto niya pa yatang mag-one on one sila ni Tyler. "Por que anak ka lang ni Gru nagkakaganyan ka na. Ay sorry, hindi ka pala niya anak dahil AMPON KA LANG NAMAN! Hindi ko nga alam, kung bakit ka niya pinagkakatiwalaan? Eh isa ka lang naman traydor na kung tumira patalikod!" Sobrang busy siya sa mga lines na kinabisado niya kanina. Oh back to our topic, napansin ko si Raze na kating-kati na makatakas. Kaya pinakawalan ko na siya at bumulong ng "I LOVE YOU, SWEETHEART!" Sabay halik ko sa pisngi niya.





Aye! Nagba-blush ang asawa ko! Finally gumaan na rin ang pakiramdam ko! "Tss, may kasalanan ka pa sa akin." Ramdam ko naman na galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa kong kasalanan sa kanya.





"Yeah I know. Malaki talaga ang kasalanan ko sa iyo, dahil inakusahan kaagad kita ng wala man lang na pruweba kung totoo 'yun. Sor—" Tinakpan niya ang bunganga ko. Bakit mabaho ba? Bad breath na ba ako? Yuck, nakalimutan ko yata na mag-tooth brush! "Shh, ano bang sinasabi mo? Ang layo naman ng sinasabi mo sa sinasabi ko eh. Binitin mo kasi ako kagabi!" Napalakas yata yung boses niya kaya napatingin sa akin si Tyler.





Gosh! Raze Hobbit Vega Santillian! Bakit ka ba ganyan? Akala kung ano na yung sasabihin niya sa akin. Akala ko mumurahin niya ako. Sasampalin o tatadyakan. "Sweetie, pwede ba pagkatapos nito mag-honeymoon na tayo?" Dire-diretsong pagtatanong niya sa akin. "Raze naman eh. Hanggang ngayon iyan pa rin ang nasa isip mo! Haynaku!—Bang!" Napasigaw ako ng malakas ngarinig ko ang putik na iyon na galing kay Tyler.





Ay napadali na pala ang buhay ni Golf, pinatay na pala siya ni Tyler. Masyado kasing ginalingan kaya ayan tinanggal kaagad siya ni author sa eksena. Good job author, ngayon lang ako sa iyo natuwa! "Oy Tyler.." Mahinang tawag ni Raze kay Tyler. "Oh bakit? May sasabihin ka ba?" Sinulyapan ko naman si Raze na nakayuko lang hanggang ngayon. "Salamat. Akala ko tinatraydor mo na ako eh." Aw, na-touch naman ako kay Raze dahil sweet din naman pala siya kay Tyler.






"Kailan ka pa naging drama king? Hindi mo yata ako inin-form Shanella. Huwag kang mag-alala Brad hindi ka pa kukunin ng mga kamag-anak mo sa impyerno." Sabay tapik niya kay kay Raze tapos tingin sa akin sabay kindat. OHA! Da moves 'yan ni Tyler.






The Doctor Has A SecretWo Geschichten leben. Entdecke jetzt