N. (F-U-R-N-I-T-U-R-E)

1.5K 63 0
                                    

"Sa tingin ko Raze hindi ko kayang akitin yung anak na lalaki nung Novarro ba 'yun? Raze hindi naman kasi ako ka-akit akit eh. Ano ka ba naman?" Sabay mahinang sabunot ko sa buhok ko. Tinignan naman niya yung ginagawa ko sa rear mirror at napailing na lang.



"Alam mo sa tingin ko, kaya mo 'yan kasi kapag hindi mo nagawa 'yan matutulog ka sa kangkungan. Gusto mo ba 'yun? Makatabi ang mga magnanakaw at rugby boys sa kalsada?" Ayoko nga, baka kung ano pang gawin nila sa akin. Kaya naman umiling naman ako sa kanya. Kabig niya pakanan sa manibela.



"Grabe ka naman boss, sabi ko nga kaya kong akitin yung anak ni Novarro eh. Pero bakit hindi na lang ikaw? Tutal magandang-BAKLA ka naman kapag inayusan kita eh." Bigla siyang napa-preno buti na lang naka-seatbelt ako kundi ay wala ng MAGANDANG NEURO-SURGEON dito sa PILIPINAS.














"Susunod ka ba? O tatadyakan kita papalabas ng sasakyan ko? Tss." Kaloka na talaga ang scene namin ni Raze sana matapos na 'to. Gustong gusto ko na kasing operahan 'tong si Raze ng walang anesthesia.. Tsk!




"Joke lang hindi ka naman mabiro. Hehehe!" (^~^)V.




Nakarating na kami sa venue ng birthday nung anak nung Novarro. Puro boys ang nakikita ko kaunti lang ang girls. Tapos yung motif niya kulay pink and red sa labas ng bahay nila. Bakit gano'n?




Bago muna kami pumasok sa venue nagsuot siya ng mask sa kanyang mata. Pati rin ako meron. Hindi ko alam kung para saan 'to? Pero feeling ko kailangan ko 'to para hindi ako makilala ng bisita nila dito. Bakit pa kasi ako?




"Pumasok ka na sa loob ng malaking cake na 'yan.." Utos sa akin ni Raze. Ano? Bakit ako papasok d'yan sa malaking cake na 'yan? Eh kung ma-suffocate ako d'yan? Tinignan ko lang silang lahat at umiling. No!




"Hindi ka naman maso-suffocate d'yan. Sinigurado ko na talaga ang kaligtasan mo kaya no worries. Sige na pumasok ka na male-late pa tayo sa ginagawa mo." Dahil sa masunurin akong gaga pumasok naman ako sa loob. Hinawakan ko muna ang kamay niya bago niya isara.




"Promise?" I asked him. Promise mo na hindi mo 'ko pababayaan. And I will keep that.




"Yeah, I promise." Tapos sinarado niya na ito. Naramdaman ko naman na gumagalaw na yung cake kasi medyo naalog na ako eh.

Siguro nakapasok na kami sa loob kasi naririnig ko na ang hiyawan ng mga tao. Parang feeling ko may pinagkakatuwaan silang bagay. Siyempre pakiramdam ko lang 'yun 'di ko pa naman nakikita eh.




"Okay lady's and gentlemen, putulin muna natin ang kasiyahan at hiyawan niyo dahil ito na ang.... Regalo natin kay Bill!........ Bill Novarro here's your gift! We hope you like it." Anunsyo ng host. Bigla naman naghiyawan at nagpalakpakan ang mga bisita. Siguro bubuksan na ni Bill itong birthday cake niya.




"Alam na alam mo talaga ang hilig ko, Pee. Kaya love kita eh.." Matipunong pananalita nung Bill bigla naman nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan sa bawat katagang kanyang binibitawan. Pero mas nakakatakot pa rin si Raze. Nalalapa ng tao at nambubuga ng apoy kung magalit.




Binuksan na niya ang cake at nagulat siya na ako ang lumabas mula dito. Hindi ko alam kung paano mang-akit kaya kung ano ano na lang ang ginawa ko sa stage. Ini-imagine ko na lang yung mga babae sa mga palabas na napapanood ko sa tv kung paano sila gumiling sa club.




Giling pababa sabay bukaka.




Giling pataas sabay hawak sa mukha niya. Namamawis na siya. Nag-iinit na ba siya?




The Doctor Has A SecretWhere stories live. Discover now