K. Lagnat

1.8K 64 0
                                    

Nginig na nginig akong pumasok sa bahay ni Raze. Feeling ko tuloy may sakit na nga talaga ako. Kumuha ng bimpo at mainit na chocolate drink si Raze. Ang bilis niya nga eh parang kamag-anak niya lang si Flash. Hindi kaya 'yun yung nawawala niyang kapatid?

"Stupid, drink this hot chocolate para mainitan ka at hindi titigan mo lang at hayaan mo na lumamig 'yan!" Ay shunga! Nasa kamay ko na pala yung hot choco, pa'no nangyari 'yun? Kanina lang niya tinimpla 'yun ah. Ang galing!

"Ang init hindi ko mainom. Oh sa'yo na lang.." Sabay bigay ko sa kanya ng hot choco. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Na parang sinasabi niya na 'binigay—ko—'yan—kaya—inumin—mo' look. Grabe nakakatakot siya!

"Sabi ko nga eh ako talaga iinom nito eh. Pero isang tanong lang. Wala ka bang nilagay na kung ano dito? Like gayuma or lason?" Pagtatanong ko sa kanya.


"Kung meron man bakit ko naman gagawin 'yun sa iyo? Kung puwede naman kita patayin ng nakikita mo! Tss. Iinumin mo ba 'yan oh ibubuhos ko yan sa katawan mo. Para ang balat mo ang mainitan at hindi ang sikmura mo!" Nagulat naman ako sa asik niya sa akin kaya naman dire-diretso ko nainom yung hot choco ng hindi man lang napapaso! Wow, ang galing-galing ko na talaga! Puwede nang talent!






"Ubos ko na. Pero nanginginig pa rin ako. Feeling ko nasa boiling point yung katawan ko. Raze.." Nanginginig kong pagtawag sa kanya pero tinakpan lang ng index finger niya ang bibig ko.

"Wait ka lang diyan. Kukunin ko lang yung thermometer ko." Tumango ako sa kanya pero patuloy pa rin sa pagnginig ng buong sistema ko.
















Raze Hobbit Vega Santillian..





Nadatnan ko sa sofa na natutulog si Stupid a.k.a Ella. Hinawakan ko naman ang noo niya at muntik na akong mapaso sa sobrang init niya. Kaya pala sabi niya sa akin kanina 'parang nasa boiling point' daw yung katawan niya. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo.






Habang pinupunasan ko ang mukha niya hindi ko maiwasan na mapatitig sa kagan—err yuck! Wala siyang ka pimples pimples ss mukha. Tamang tama lang ang kapal ng kilay niya. Yung mga pilikmata niyang mahaba. Mga chinitang mata kapag nakatingin sa akin. Ilong na matangos. At manipis at mamula-mulang labi.






Nagulat ako nung bigla siyang gumalaw. Akala ko ididilat niya ang kanyang mga mata eh. Naka-half open lang ang bibig niya, may gusto ba siyang sabihin sa akin?

"Si Raze... Ki-kidnap-in....ko..." Nagulat naman ako sa sinabi niya sa akin.




"Bakit mo naman siya kailangan kidnap-in?" Nagbabaka-sakali akong sasagutin niya ako pero hindi niya sinagot.


Bigla bigla na lang bumukas ang mga chinita niyang mata at tumingin sa akin.




[*Tsup!*]

Hinalikan niya ako. Pero ang galing niya humalik ah. Kaya sumasabay ako sa labi niyang kay tamis kung humalik. Nag-training kaya siya kaya siya magaling? Sinubukan ko pang igalaw kung gaganti pa siya sa mga halik ko pero hindi na. Tulog na yata siya..

Pinunas punasan ko na lang yung noo niya pati ang kamay niyang malalambot.






"Raze, nakita ko yung ginawa mo kanina kay Shanella. Bakit mo siya hinalikan?" Pagtatanong sa akin ni Papa. Nakita niya pala yung ginawa namin kanina ni Ella.

"Ah—hmm—" Magsasalita na sana ako kaso naman ay pinutol niya yung sasabihin ko.



" Tandaan mo Raze hindi ka naging Mafia Boss para lang maging asawa ng isang neuro-surgeon. Alam mo naman ang pinagbabawal sa organisasyon, hindi ba? Bawal na bawal mag-asawa ang isang Mafia Boss. Kaya naman kung may feelings ka na sa kanya, kalimutan mo na 'yan..." Sabay tapik niya sa braso ko.






The Doctor Has A SecretWhere stories live. Discover now