E. Going to L.A.

2.3K 78 0
                                    

Nasa eroplano na ako at nanunuod ako ng Annabelle at saka Chucky. Kahit na 'yung iba ay natutulog wala akong paki kasi sa Philippines hindi ko naman 'to nagagawa kasi busy ako sa work. I am a workaholic..

Matapos naman ako manuod kumain naman ako sa loob ng eroplano. Kinain ko lahat ng binibigay sa akin. Kain dito kain doon hanggang sa nakaramdam ako ng antok..








"You know what, Love. Being a Mafia boss and to be in Mafia world was a hell like. Kahit na sa ayaw at sa gusto ko wala akong magagawa dahil ang tatay ko ay isang Mafia King kaya wala akong magagawa kasi wala naman akong kapatid na lalaki. Mayroon man akong kapatid na babae pero mas pinili niya ang normal na buhay at pamilya. Kaya ito ako, tasting the taste of hell..." Pahayag sa akin nung lalaking nakatalikod. Sino bang kinakausap ng lalaking 'to? Ako ba? O may bluetooth earphone siya sa tainga?

"Hey, are you talking to me?" I asked him. Pero hindi pa rin talaga siya humaharap sa akin.

Kaya naman mas nai-intimidate ako sa boses niya. Lalaking lalaki at parang feeling napaka-guwapo niya. Plus yung tindig niya nakakadagdag ng sex appeal niya.

"Who are you? Show me you face.." I command him. Pero wa-epek mga besh.. Sayang lang laway ko pati na beauty ko..

"Alam ko kung anong pakay mo.. Hindi ko lang sinasabi sa iyo... Kasi... Baka magbago pa ang isip mo at hindi mo na balakin oa ang gagawin mo sa akin.. Kaya, huwag mo nang balakin pa ang masamang binabalak mo sa akin... I'm warning you, mapapahamak ka or else ikakapahamak mo 'to! So please stop this!!" Utos niya sa akin. Teka, galit ba siya sa akin? Why is he mad at me?

"I can't... I really can't... Kapag hindi ko itinuloy 'yun... Mawawala ang mahahalagang tao sa buhay ko... Ang pamilya ko... So please understand me.. Don't underestimate me..." Naiiyak na pahayag ko sa lalaking nakatalikod pa rin sa akin..

"I'm seriously giving you a warning, kung sino man ang nagutos sa iyo na gawin 'yun. Huwag mong gagawin ni susundin dahil kahit na anumang gawin mo papatayin ka pa rin niya..."









"Ma'am gising po... Binabangungot po yata kayo.." Pag-gising sa akin ng isang F.A.

"Thank you.. And I am sorry..." Nahihiyang pahayag ko sa kanya. Napansin naman niya na parang may kung ano sa labi ko kaya naman inabutan niya ako ng tissue..

Sabay turo sa labi ko na parang 'punasan—mo—labi—mo—may—panis—
na—laway—ka' look.. Hiyang hiya naman ako na pinunasan ang labi ko.

Bigla naman tumunog ang phone ko..

Ang gusto...

Ang gusto ko...

Gusto ko sanang sabihin sa iyo....

Pero paano?

Paano?

Pagmalapit ka'y nauutal ako...

Nahihiya...

Tumitiklop...

Nawawala ang sasabihin ko...

Raze is calling....

["HELL-O?!"] Nailayo ko kaagad ang phone ko sa tainga ko. Grabe 'tong lalaking 'to hindi mo mapag-kakamalan na Mafia. Mapagkakamalan mo na tambay sa kanto na malaki ang tiyan na akala mo ay siyam na buwan ng buntis tapos mangingikil sa dadaan para lang may pang-inom.. Kung sana gano'n siya eh pero, naman kasi.... Tumutulo—err scratch it.. Pangit siya sing pangit ng paguugali niya..

"Oh bakit ka ba napatawag?" Naiiritang pagtatanong ko sa kanya. Nakakainis naman kasi para naman akong maliligaw dito sa L.A. Kayang kong magbasa ng instructions kaya hindi ako maliligaw. Ever..

The Doctor Has A SecretWhere stories live. Discover now