Z. Revelation

1.9K 56 0
                                    

"Hoo! Sweetie, kaitagal ko 'tong inantay! Yahoo! Lets go!" Pero pinigilan ko muna siya. "Sige sweet, mauna ka muna doon sa kuwarto natin. Mare-ready lang ako ng drinks natin dalawa." Hindi na siya na nakipag-argamento sa akin at sumunod na lang.








Kaagad naman akong tumungo sa kusina at kumuha ng maiinom.  Nang makapili na ako ng alak na iinumin namin kaagad ko namang inilabas ang 12hours na pills na pampatulog. Sorry Raze, pero tama lang na ginawa ko 'to sa iyo kasi pinatay mo ang magulang ko. Sila na lang ang bahala sa iyo, kahit na minahal kita pero mas nanaig pa rin sa akin ang galit at pagkamuhi ko sa iyo.















"Sweetie antagal mo naman diyan! Huwag ka nang magpaganda pa, masasayang lang 'yan eh kasi tatanggalin ko rin 'yan mamaya." Hindi naman makapag-antay 'tong lalaking 'to!

"Oo andiyan na!" Sigaw ko pabalik sa kanya. At umakyat na ako dala dala ang tray ng wine glass na may alak na nilagyan ko na ng 12hours na pampatulog.

"Oh, what's that? Pampainit?" Nahihiya naman akong tumango sa kanya sabay kagat sa ilalim ng labi ko.

"Osiya inumin na natin 'tong alak na 'to." Tapos nag-toss na kaming dalawa. "Para sa bagong kasal! Sweetie, happy honeymoon for us!" Kung may mangyayari ngayon gabi sa atin dalawa. Agad agad niyang tinungga ang alak na nilagyan ko ng pampatulog.

"Swee—tie, parang nahihilo ako." Hahalikan na niya sana ako kaso naramdaman na niya ang epekto ng nilagay kong pampatulog. Kaya pinaupo ko muna siya sa gilid ko. "Sweet, mukhang kailangan mo ng pahinga. Matulog ka kaya muna." Tumango naman siya sabay higa sa kama ko. "I'm so sorry Raze, pero hindi kita mahal! Dahil hindi 'ko alam ang salitang 'PAGMAMAHAL' na siyang dahilan kung bakit namatay ang magulang ko! Ikaw ang pumatay sa kanila."

Parang kanina 9:00 o'clock pa lang ng gabi tapos ngayon alas tres y media na ng madaling araw so 6hours na akong gising! Iniisip ko kasi kung paano ko madadala si Raze kila Volter at Gru? Eh ambigat ng lalaking 'to. Tss, bakit hindi ko ba naisipan na umupa ng tao na magdadala sa kanya? Stupid!

"Hell—o? Bakit Volter, anong kailangan mo?" Tumawa naman siya ng malakas na malakas na akala mo may lahi siyang mangkukulam.

"You know na kung ano ang kailangan ko sa iyo kaya ako tumawag, well ano na-kidnap mo na ba si Raze?" Hingang malalim Shanella kaya mo 'yan. Huwag kang makonsensya dahil pinatay niya ang magulang mo!


"Oo, sunduin mo na kami dito sa bahay ko ng mga tauhan mo." Utos ko sa kanya sabay baba ko ng cellphone ko. Ayoko 'to Raze na gawin dahil minahal na kita pero pinilit mo ako na gawin 'to kasi ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang sa tabi ko!

Mga alas kwatro y media na ng madaling araw dumating ang mga tauhan ni Volter, grabe isang oras ang binaybay nila bago sila makadating dito sa bahay ko! Eh nasa part lang naman ako ng Luzon, tsk!

"Ikaw ba si Shanella?" Tanong sa akin ng isang goons na utusan ni Volter.

"Oo, ako nga 'yun. Kayo ba yung tauhan ni Volter?" Balik na tanong ko sa kausap ko na mukhang natukhang.

"Kila Gru Lee kami! Sige sumama ka na sa amin!" Sabay kaladkad sa akin ng goon na kausap ko ngayon. "Wait lang 'no! Kaya kong maglakad kaya huwag akong kaladkarin!" Pagtataray na suway ko sa kanya. "Tss, daming arte! Sige sakay na!" Sigaw niya sa akin. Infairness, hindi niya alam yung salitang 'toothbrush' at 'toothpaste' dahil amoy na amoy ko ang nabubulok niyang bagang!

"Saan tayo pupunta?" Pagtatanong ko sa kanya habang isinasandal ko ang ulo ni Raze sa balikat ko. "Sa Pampanga! Doon kasi magaganap ang kasal-sakal nila ni Florida!" Parang nanlumo naman ang mga mata ko ng malaman ko na ikakasal lang pala siya kay Florida. Sana pala hindi ko na lang siya kinidnap kung ipapakasal lang siya at hindi siya papatayin.

The Doctor Has A SecretWhere stories live. Discover now