L. Natamaan Ng Bala

1.6K 71 0
                                    

"Ms. Javialles kanina ka pa namin hinahanap. May isang pasyenteng may brain tumor. Kailangan na niyang ma-operahan dahil kundi ay kakalat ito sa buo niyang katawan" Hinihingal na pahayag ng isang nurse sa akin. Kaagad akong napatakbo kung saan may isang batang babae ang naghihingalo.

"Doktora, gagaling pa po ba ako?" Malumanay at Nanghihinang tanong sa akin ni Angeline.

"Oo naman. Gagaling ka kasi love ka ng daddy mo at saka love ka rin ni ate Shanella." Nakangiting pahayag ko sa kanya. Lumapit naman sa akin yung ama ni Angeline.

"Dok alam kong wala pa akong pambayad ngayon pero pangako ko po na magbabayad talaga ako. Ipangako niyo lang po sa akin na gagaling ang anak ko." Tumango naman ako sa kanya at saka ngumiti ng umalis.





Nasa O.R. na kami ngayon ni Angeline tiniti-tigan ko ang brain tumor niya sa monitor gamit ang Gamma Knife..


Gamma Knife- Isn't a knife but is a machine that delivers a single, finely focused, high dose of radiation to its target, while causing little or no damage to surrounding tissue.
                        - Advance radiation treatment for adults and children with a medium brain tumor, abnormal blood vessel formations called arteriovenous malformations, epilepsy, trigeminal neurlagia, a nerve condition that causes chronic pain, and other neurological condition.







"Ms. Javialles lalagyan pa po ba natin siya ng anestisya para po hindi niya maramdaman yung kirot?" Tanong sa akin ng isang nurse.


"Oo pero kaunti lang kasi baka hindi kayanin ng bata yung dosage." Tumango naman siya sa sinabi ko.






Mga 90 minutes din ang itinagal ko para lang matanggal ang brain tumor ng batang si Angelica. Gusto ko kasi makasiguro na hindi na makakabalik ang tumor niya ulit sa utak. Ayokong nakikita siyang nahihirapan at nasasaktan.

Lumabas ako sa O.R at sumalubong kaagad sa akin ang ama ng bata. Hindi ko mabasa ang expression niya may halong kaba, lungkot at saya. Tinanggal ko na ang face mask ko at saka ako nagsalita.

"Dok, kamusta po ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ng tatay ni Angelica.




"She is stable now. Medyo natagalan lang kami dahil gusto kong makasiguro na wala ng tumor na tutubo ulit sa utak niya. Maari kasi itong bumalik kapag hindi naagapan we called it metastasis or secondary brain tumour. Sa ngayon naka-stereotactic frame muna siya for the mean time, pagkatapos no'n kapag na ensure na natin na magaling na siya at saka natin lalagyan ng bandage." Para naman nabunutan ng malaking tinik ang ama ni Angelica at huminga ito ng maluwag. Kahit din naman ako hindi ko alam na kaya ko palang i-survive ang buhay ng bata.






Habang nasa office ako at humihigop ng tsaa ko ng may isang intern ang kumatok. Nakita ko naman ang kasama niya, isang may Dystonia.


"Pasok kayo.." Agad ko naman pinaupo sa harapan ko ang lalaking may Dystonia.



"Ah Ms. Javialles, aalis na po ako. Kayo na lang po ang bahala sa kanya. Yung asawa niya po eh nasa counter." Tumango naman ako sa intern at pinagmasdan ang lalaking nasa harapan ko.

"Ano pong pangalan niyo, Mister?" Bigla naman pumasok ang kasama niya babae. Siguro asawa niya 'to.



"Siya po si Victor Baguilla, ako naman po si Vanesse Baguilla asawa niya po." Pagpapakilala niya sa akin.



"Kailan pa po iyong sakit niya?" Namutla naman ang babae sa isasagot niya.




"Actually po, last year pa po." Napanganga naman ako sa sinabi niya. Bakit ngayon lang nila pina-check up?



Magtatanong na sana ako ng nagsalita ulit yung asawa. "Wala pa po kasi kaming budget. Kaya ito nagtiis-tiis muna kami para may pang-check up siya..." Ah kaya naman pala. Pero hindi naman sapat na basihan 'yun para hindi sila makapag-pacheck up sa doctor.






"Wala bang Health Center do'n sa inyo? I'm sure na may mga doctor din na titingin sa asawa mo." Pahayag ko pero nakayuko lang ang babae. Lumapit naman ako sa asawa niya at chineck siya.

"May Dystonia ang asawa mo, Vanesse. Dystonia is an uncontrollable and sometimes painful muscle spasms caused by incorrect signals from the brain. Tanong ko lang sa'yo Vanesse may family history ba itong asawa mo na mayroon din na Dystonia?" Tumango naman siya sa akin.






"Yung tatay po niya at saka yung kapatid niya may Dystonia rin po. Pati na rin po yung anak namin na sampung taong gulang may Dystonia rin po. Nai-inherit po ba ang sakit na Dystonia?" Pagtatanong niya sa akin. Tumango nama ako sa kanya kaya napa-iyak na talaga siya.






"Pero nagagamot naman po iyon, 'di dok?" Umiling ako sa kanya at inabutan siya ng tissue.



"There's no cure for Dystonia but most of the Dystonias can be successfully managed. Huwag kang mag-alala hindi kayo papabayaan ni God. Tutulungan ko kayo, bibigyan ko kayo ng Kabuhayan showcase at 500,000 para sa mga anak niyo." Napayakap naman siya sa akin at pasalamat ng pasalamat sa akin. Binigyan ko siya ng cheque at agad niya itong tinanggap.






"Salamat po talaga. Maraming marami pong salamat talaga. Hulog po kayo ng langit para sa akin." Dahil sa iyak siya ng iyak sa harapan ko. Naiiyak na rin talaga ako. Huhu! Si ate kasi eh pinapaiyak ako!

















Nakauwi na ako sa bahay sobrang ingay ng mga tao dito akala mo naman may namatay na. May nagiiyakan, may sisigawan at may malakas ang boses na 'Gising ka Brad!' bakit sino ba ang namatay? O hinimatay?






"God Shanella kanina ka pa namin hinahanap! Bakit hindi ka namin ma-contact? Alam mo ba na natamaan ng bala si Raze?! F**k! He is going to die in just a seconds!" Si Raze mamatay agad-agad ang akala ko ba kamag-anak niya si Kamatayan at ang pagkakaalam ko ang masamang damo matagal mamatay. Sabi kaya sa akin 'yan ng nanay ko nung magaling pa siya






"Wesley 'wag kang OA, okay. Mabubuhay pa 'yan kasi alam ko marami siyang kamag-anak sa impyerno. Dahil kapag namatay siya papatalsikin siya do'n ni Satanas kasi sa sobrang sama ng paguugali!" Hinila naman ako ni Raze at bumulong sa tainga ko.






"G*g* ka talaga, Ella. Tandaan mo kapag gumaling lang ako dito patay ka sa akin. Hay—op ka lakas mong mangasar kasi alam mong hindi ako makakaganti." Sabay ubo niya ng dugo sa harapan ko. Bigla naman akong nakaramdam ng takot kaya tumango na ako at kinuha ang mga gamit ko.

"Mabubuhay pa ba 'yan?" May halong pangaasar ni Collin sa akin..

"oo naman 'no. Kayo talaga buhay pa nga pinapatay niyo na. Haha, ang sasama niyo talaga!" Tinapik naman ni Raze yung kamay ko pero alam kong buong lakas niyang ginawa 'yun pero mahina lang impact sa akin kasi nga may sugat siya.






Natamaan siya ng bala..





Habang ginagamot ko siya nakatingin naman sila sa akin. Braso lang kasi siya natamaan ng bala kaya nakaupo lang siya. Parang nandidiri sila na tignan yung ginagawa ko kasi parang feeling nila masakit iyon pero hindi naman kasi may anesthesia'yun eh. "Masakit ba? Sabihin mo lang para dadagdagan ko yung anesthesia." Umiling naman siya.






Alam ko naman na hindi niya kayang tignan yung ginagawa ko kaya umiinom siya ng beer at sabay nakatingin sa mukha ko kaya naman naiilang ako sa kanya. Nako h'wag ka naman ganyan.






"H'wag mo akong tignan ng ganyan. Alam kong DIYOSANG NEURO-SURGEON AKO kaya hindi ko na kailangan ipa-alam pa sa akin." sabay flip ko ng hair ko. Tapos na ko na kasi siyang gamunitin kaya nagawa ko na 'yun.

"Ang kapal ng mukha mong babae ka. Pasalamat ka at may tama ako sa braso kaya hindi kita mabatukan pero tandaan mo may isa pa, itong kanan ko!" Sabay batok niya sa akin kaya muntik na akong masubsob sa semento buti na lang nasalo ako ni Collin my HERO!

"TSE! Inggit ka lang kasi ako maganda ikaw naman mukhang halimaw! Damuhong Halimaw ng buhay ko! Hmp! B'wisit ka! Bleh!" At nilayasan ko na siya.


















@SEA_GM

The Doctor Has A SecretWhere stories live. Discover now