Prologue: Task

11.6K 226 25
                                    

"Mr. Volter. Bakit mo naman ako pinatawag sa gitna ng pa-oopera ko sa isang may hydrocephalus na ginang?" Mataray na pagtatanong ko sa kanya.

"Hindi ka man lang ba u-upo muna bago ko sagutin ang tanong mo?" Sabay higop niya ng kanyang tsaa.

Napa-buga na lang ako ng masamang hangin at saka walang gana akong sinunod ang utos niya.

"Alam mo Ms. Shanella Gucci Javialles. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, may task akong ipapagawa sa iyo. Pero paalala ko lang sa iyo na kapag hindi mo ito napagtagumpayan. Sisirain ko ang buhay mo pati na ng pamilya mo." Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi niya sa akin. Nagsitaasan na ang balahibo ko pati na sa down there↓.

"Bakit naman pati pamilya ko damay dito? Ano ba 'yun task mo? Mang-gagamot ba ako ng mayroong Meningitis, Brain tumor or any neurological diseases?" Tumawa naman siya ng parang tunog sarcastic.

"Nope. Hindi 'yun. Iba ang pagagawa ko sa'yo. Here look at this.." Tinignan ko ang hawak niyang brown envelope. Nang kinuha ko naman iyon at binuksan nakita ko ang litrato ng isang lalaking may hitsura. Matangos ang ilong. May mahabang pilik-mata. Kakaiba ang kanyang iris, kulay pula. May pinkish at kissable lips. O my, perfect to be my boy-err nevermind.

"Who's this?" I asked him. Hinipan niya muna ang kanyang tsaa at hinigop ito bago sumagot.

"That is Mr. Raze Hobbit Vega Santillian.." Wow! As in wow! Ang haba ng name niya. Sing-haba ng pilik-mata niya. Echos na echos talaga ako sa eye lashes niya. Haha

"Ano naman ang gagawin ko sa kanya?" I asked him. Ngumiti muna siya ng maka-hulugan. Bago sinagot.

"Kidnapin mo siya." Simpleng sagot nito sa akin. Teka! Nabibingi na ba ako?! Anong sabi niya? Kikidnapin ko 'tong si Raze eh hindi ko naman 'to kilala. At saka bakit ko siya kikidnapin?

"Nabubuang ka na ba? Ako mangi-kidnap ng lalaking hindi ko naman nakilala since birth?! At saka bakit ko naman siya kailangan kidnapin? Bakit hindi na lang ikaw ang gumawa? Bakit hindi mo na lang sabihin sa mga pulis? Sa mga otoridad?" Medyo tumaas ang boses ko na kasabay din ng pagtaas ng balahibo ko sa katawan. Isang iglap lang ay nakatutok na ang bibig ng baril sa ulo ko.

"Bakit ka ba nangingialam? Basta gawin mo na lang ang gusto ko, mahirap ba 'yon? At saka baka nakakalimutan mo ako ang dahilan kung bakit ka naging isang doctor na ngayon.." Biglang pumasok sa isipan ko ang pangyayari na kung saan isa siya sa mga tao na tumulong sa akin para makamit ko ang pangarap ko na maging isang Neurologist.






Flashback..

" Hindi ka makakapasa Ms. Shanella Gucci Javialles kapag hindi ka nakapagbayad ng tuition fee mo rito sa school. Bibigyan kita ng limang araw para mabayaran mo ang utang mo na ₱1,000,000.00 million pesos.." Pahayag ng Kahera sa akin. Paano na 'to hindi ako makakapag-board exam kapag hindi ako nakapagbayad ng tuition fee ko dito sa school.

"O-opo.." Nanginginig na tono ang lumabas ng boses ko. Nanghihina at nanglalambot ang tuhod ko ng umalis ako sa cashier.

Papauwi na ako ng may nadaanan ako na isang sasakyan na nakatagilid at may apoy na sa dulong bahagi ng kanyang sasakyan.

"Tu-long t-tulungan niyo po ako.." Paghihingi ng tulong isang matandang lalaki na na-trap sa loob ng sasakyan niya.

Hindi na ako nag-atubili na tulungan siya kasi naawa ako sa kanya. Ayoko na mangyari sa lalaking ito ang naranasan ng nanay ko.

"Hawakan niyo lang po ang kamay ko at hihilain ko kayo. Tiwala lang po kayo na makakaligtas rin po kayo. Magdasal lang po kayo kay God." Pagpapagaan ko ng loob niya at saka hinawakan ang madugo niyang kamay at hinila papalabas nito.

Nakaligtas na siya bago pa sumabog ang kanyang sasakyan. I was 18 when I saved Mr. Volter.






End Of Flashback...






"Oo hindi ko naman nakakalimutan ang iyon eh. Pero tandaan mo rin na utang mo ang buhay mo sa akin..." Pahayag ko sa kanya at saka siya pinihit ang doorknob niya.

"Kidnapin mo lang siya at hindi madadamay ang pamilya mo. You have my words, Shanella." Umalis na ako sa mala-demonyong kuwarto na pagmamay-ari ni Mr. Volter. Hindi ko aakalain na ganyan pala siya ka-sama. Noong nakalipas na mga taon naman ay napaka-bait niya sa akin. Bakit ngayon nag-iba na? Nagbago na ba siya?

"Isa akong neuro-surgeon not a police woman or a secret agent. Bakit pa kasi naman dinamay-damay pa ang mga magulang kong na nanahimik naman?" Hindi ko namalayan na naka-salubong ko na pala si ultimate crush ko. Si Doctor Yuan Montesilva.

"Mukhang ang lalim ng inisip natin, ah? Pero by the way, tara kain tayo sa labas. No worry, Treat ko.." Bigla naman sumilay ang nagniningning kong mga mata ng makarinig ako ng salitang libre. Pero teka, hindi naman kami friends or kahit boyfriend. As if naman papatol siya sa akin. Bakit naman niya ako ina-aya?

"Birthday mo ba? Happy birthday.. Sorry wala akong gift sa iyo ah.." Pagbabati ko sa kanya medyo nahihiya pa nga ako sa mga sinabi ko eh. At saka sa ginagawa ko. Pisti!

"Ah-hindi. Wala lang. Na-trip-an ko lang. Ayaw mo ba?" Umiling ako sa sinabi niya. Ako? Hi-hindi sa libre? No way!

"So ano tara na?" Oh-yes! Makaka-score na rin ako ngayon kay crush... Aye! Pisti!






Nakarating na kami sa isang karinderyahan malapit sa may hospital. Okay lang naman na dito kasi bukod sa tipid na sulit pa. Marami kasing maarte na ayaw kumain sa karinderyahan kasi daw cheap.

Hindi ba nila alam? Na ang mga restaurant na sumisikat ngayon ay naguumpisa sa isang maliit na karinderyahan.

"You like it?" Um-oo naman ako sa kanya.

"Yes I like the vibes here. Sa susunod dito ulit ako kakain.." Pahayag ko.

"Tayo kakain dito sa karinderyahan.." Pagtatama niya sa akin. O gosh nag-rush kaagad ang red blood cells ko sa mukha ko. Aye, nakakakilig..






Umuwi ako sa bahay na taglay ang ngiting tagumpay. Hahaha. ang saya saya ko na nakapag-date kami ni crush sa isang karinderyahan. Pero inaalala ko yung sinabi sa akin ni Mr. Volter na mapapahamak ang pamilya ko kapag hindi ko nagawa yung pinapagawa niya sa akin.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Mr. Volter.

["Huwag kang pa-banjing-banjing d'yan. Gawin mo na lang ang pinaguutos ko sa iyo.."] Tapos in-end ko na. Ayoko pang marinig kung ano ang mga pananakot na sasabihin na naman niya sa akin.

He is not a man that I know. He is a man with a badass attitude.

"Sino ka ba talaga, Mr. Raze Hobbit Vega Santillian?" Sabi ko sa sarili ko ng binuksan ko na ang loptop ko at in-open ang fb acc ko.

Sinearch ko ang pangalan niya pero wala namang lumalabas. Kahit saang browser ko hanapin, wala talaga.

Paano ko kaya magagawa 'to?

Nakaramdam na ako ng antok ng makita ko ang king size bed ko. Nang sinumulan kong ilapat ang likod ko sa malambot kong kama ay nakatulog na ako kaagad.






Vote, Comment, and Share..






SEA_GM

The Doctor Has A SecretWhere stories live. Discover now