"Oo. Nagpaturo kasi siya sa 'kin mag basketball..."

"See, Noona?"

"Maglalaro kayo?" Sabay nguso ko sa hawak ni Lian.

"Yes. Wanna join?"

"Sige ba!"

Sumali rin sina Axiesse. Nagpasa-pasahan kami ng bola. Minsan naman ay nag-aagawan. Minsan naman ay kung sino ang tatamaan ng bola ay siya yung matatalo. Susuot siya sa ilalim ng dagat sa pagitan ng dalawang binti namin. Marami kaming naiisip na laruin kaya medyo nawala sa isip ko ang mga bagay bagay.

Tawang-tawa ako habang naglalaro. Hindi ko na pinapansin kung sino ang mga nakatingin. Kalaunan ay pinalitan namin ang game.

Nagkatuwaan kami nina Axiesse, Segeon at Lian. Ngayon ko lang naalala na hindi pala namin kasama si Zell. Luminga-linga ako sa paligid para hanapin siya.

"Si Zell?" Tanong ko kay Axiesse.

"Ewan ko. Baka lumangoy langoy lang..." Kibit balikat niya at tiningnan ang dalawang lalaki na kalaro namin. "Ayoko na. Gutom na ko..." Aniya at umahon sa dagat.

Ngumisi rin ako at agad ding sumunod sa kaniya.

"Ako rin! Sa susunod naman. Nakakapagod!" Binalingan ko ang kapatid. "Segeon, magbihis ka na rin at magpahinga."

"Alright."

Umahon na kami sa dagat. Sakto namang nasalubong namin si Zell na naglalakad sa dalampasigan. Laglag ang kanyang balikat at parang may malalim na iniisip. Nang makita niya kami ay binigyan niya kami ng tipid na ngiti. There's something in her smile. Parang ang lungkot.

Nagbihis kami sa isang malinis na bathroon ng resort. Sayang lang dahil hindi namin nasilayan ang sunset dahil nagbibihis pa kami no'n. Pagkatapos naming magbihis ay bumalik kami sa aming tent para makapag-ayos ng mga gamit. Dumidilim na rin ang paligid. Ang iba naming kasama ay magliligpit na rin.

Hindi nagtagal ay dumating sina Ma'am Tzu kasama si Ma'am Chae at sinabing pumunta na kami sa restaurant dahil kakain na raw.

Hindi pa naglilimang minuto ay nakarating na kami sa restaurant ng resort. Malaki ang espasyo ng restaurant. Open lang siya. Walang aircon kasi malamig naman ang ihip ng hangin lalo na siguro kung gabi. Naroon na lahat ng mga estudyante. Naupo na kami sa bakanteng table doon habang isa isang sineserve ang mga putahe sa aming mga mesa.

Natakam kaagad ako. Amoy pa lang ng putahe ay mukhang masarap na. We prayed for our successful and safe trip at nagsikainan na kami. Maingay ang restuaurant. Bukod sa tunog ng mga kasangkapan sa pagkain ay panay din ang daldal ng mga estudyante kaya kung mag ingay din kami ay imposible nilang marinig.  Dagdagan pa ng music na pine-play. Everything seems so happy and fine.

"Excited na 'ko sa mga activities bukas!" Malakas na sabi ko para marinig nina Axiesse, Yumie, Zell, Cherwin at Arjie.

"Hindi lang ikaw ang excited dito no! Ako rin!" Si Yumie na katatapos lang mag selfie at mag picture ng pagkain niya at lugar.

"Hmp. Ano kaya ang premyo..." Hindi ko na nadagdagan ang sinasabi ko nang mahagip ng paningin ko si Marx sa malayong table, seryosong kumakain.

Napalunok ako.

Narinig kong nag-usap usap sina Yumie, Cherwin at Arjie sa kung anong mga bagay. Si Zell naman ay tahimik lang habang si Axiesse ay pasulyap sulyap sa paligid.

"May problema ba?" Tanong ko kay Axiesse na kanina pa palingon lingon sa paligid. Like there's something wrong. Kinabahan kaagad ako.

Napatingin siya sa 'kin at agad na umiling.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon