CHAPTER 29

77.2K 2.5K 304
                                    

•°•

Naeyumie's POV

--------

Nakasunod ako kina Klenth. At syempre hindi ako nagpahalata na sinusundan ko talaga sila. Baka mabuking ako, mahirap na.

Mag-aalasais na ng gabi at hindi ko alam kung saan papunta 'tong dalawang 'to. O baka naman pupunta sila sa Hotel? Ang bata bata pa ha, ang lalandi! Pero parang hindi naman siguro sila pupunta roon.

Napabuntong-hininga ako at mas binilisan ang pagmamaneho. Naka uniform pa ako at wala pang bihis.
Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang restaurant. Sa isang mamahaling restaurant sila tumungo. I parked the motorbike far from them. 

Pinarada ni Klenth ang sasakyan niya at bumaba para pagbuksan si Ellisandra ng pintuan. Ay. Ang gentleman naman pala pero sa piling tao lang.

Ngumiti si Ellisandra kay Klenth pagkababa niya at inaalalayan pa rin siya ni Klenth hanggang sa makapasok sila ng restaurant. Ako naman ay nandito sa harap ng restaurant, sa may puno, nilalamok.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha roon ang leather jacket saka sinuot. Medyo mahaba ang jacket na 'to at parang isa na ring coat. Kinuha ko rin ang shades doon. Tinanggal ko muna ang helmet at inayos ang buhok bago sinuot na ang shades. Naglagay ako ng mapulang lipstick at tinali ang buhok ko.

Pagkatapos ng maikling make over ay pinarada ko ang motor sa may parking lot, malayo pa rin sa sasakyan ni Klenth. Napatingin pa sa 'kin 'yong guard pero hindi niya naman siguro makikita na nakita ko siyang nakatingin sa akin dahil naka shades ako. Para siyang nakakita ng artista base sa nakikita ko sa mukha niya. Hayy.

Pumasok na ako sa restaurant. Pagkapasok ko ay napatingin na 'yong iba sa akin habang ang iba naman ay nagpapatuloy lang sa pagkain at chikahan.

Breasts out and chin up. Confident akong naglalakad kung saan may bakanteng upuan. Hindi naman gaano ka puno ang mga tao rito at hindi na rin masama iyon. Mabuti na lang.

Pasimple kong hinanap kung saan sila Klenth umupo. Dapat malapit lang ako sa kanila. Baka kung may malaswa silang gagawin. Joke! Hindi naman. Baka may kung anong gawin sa kaniya si Ellisandra. At kung may malaswa man silang gagawin, pake ko ba?!

Agad kong namataan ang isang lalaki na tumatawa sa harap ng babaeng nililigawan niya. Ang guwapo sana. Pero aanhin ang kaguwapuhan kung pangit naman makitungo sa iba diba?

Pasimple akong naglakad papunta sa tabi ng table nila kasi may bakante roon. Medyo malayo pero parang malapit na. De sofa ang restaurant na 'to kaya I feel comfortable.

Pag-upo ko sa katabing table nila ay rinig ko ang tawanan nilang dalawa. Narinig ko rin ang tawa ni Klenth for the first time! I sighed and rolled my eyes.

Nilapitan na ako ng waiter kaya sinabi ko na ang gusto kong kainin. Alangan namang tutunganga lang ako rito habang pamasid-masid sa kanila!

"One vegetable salad, vanilla milkshake and a glass of lemon juice please..." Nakangiti ring tugon ko. Tumango ang waiter. Aalis na sana siya nang magsalita ulit ako. "And can you please add water?" Maarteng tugon ko.

"Your order will be served in 10 minute, Ma'am," sabi nito. I nodded.

Napabuntong-hininga ako at inayos ang pagkakapwesto ng salamin ko. Hindi ko pa kasi siya tinatanggal eh. Mabuti na rin na ganito. Kunyari ako si Senyorita na naka shades at may mapulang labi tapos makinis na mukha. I'm so gorgeous talaga.

"Klenth, I heard you bullied a newbie named Naeyumie." 

Natigilan ako at nag fold arms na lang habang nakikinig.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now