CHAPTER 50

74.3K 2.2K 1.3K
                                    

★★★

Zell's POV

----------

It's been a month. Isang buwan na ang nakalilipas simula nung nawala siya pero hanggang ngayon, sobrang guilty pa rin ako. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng 'yon. Ako ang dapat na nabaril, hindi siya. Ako ang pakay ni Ellisandra pero siya ang sumalo ng lahat. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang lahat ng 'yon. Hindi ko alam kung paano.. Hindi ko na alam..

Malamig ang simoy ng hangin ang sumalubong sa'kin pagbaba ko ng sasakyan. Andito na ako sa sementeryo. Kaagad kong kinuha ang mga bulaklak na dala ko para hindi ko 'yon makalimutan.

May pasok ngayon pero mas pinili kong pumunta rito sa sementeryo para bumisita. Nakasuot ako ng aming school uniform at maya maya na lang ay mag-uumpisa na ang aming klase. Wala na akong pake alam kung ma-late ako o hindi basta ang alam ko, gusto kong pumuntahan ang lugar na ito.

Hindi ko siya nabisita noong araw ng mga patay. Ngayon lang ako dadalaw. Malapit na nga ang aming Christmas party. Ito na siguro ang pinakamlungkot kong pasko. Bakit ba kasi nangyayari ang lahat ng ito?

Nilagay ko ang isang basket ng bulaklak sa tabi ng puntod niya. Umupo ako sa damuhan habang nakatingin sa kaniyang lapida.

"Hi..." Sabi ko at ngumiti na tila nasa harap ko siya.

Umihip ang hangin. Katamtaman ang sikat ng araw ngayon kaya okay lang kung magpabilad ako sa araw kahit ilang minuto lang.

"Kumusta ka dyan?" Tanong ko at huminga ng malalim. "Sana okay dyan..." Ngumiti ako at hinaplos ang kaniyang lapida kung saan nakaukit ang kaniyang pangalan. Ang petsa ng kaniyang kaarawan at ang petsa kung kailan siya namatay...

Pasensya na kung ngayon lang ako nakadalaw. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Hindi ko rin alam... Ang hirap tanggapin.

Ilang minuto pa akong nakatunganga habang nakaupo ro'n. Nakatingin lang ako sa lapida niya nang biglang umihip ang malamig na hangin. Para kong naramdaman na siya 'yan. Nakangiti habang tinitingnan akong nandito sa puntod niya.

Gusto kong isipin ang lahat ng puwedeng mangyari kung hindi siya namatay. Huminga ako ng malalim. Tapos na eh. Wala na akong magagawa dahil tapos na.

Napatingin ako sa aking wrist watch at tumayo na. Sa huling beses ay tumingin ako sa kaniyang puntod...

Zaeidra Clau Maximo..

Naglakad na ako palayo doon. Bumalik na ako sa sasakyan at sumakay na. Driver namin ang nagmamaneho dahil simula nang gabing binaril si Wayne ay agad 'tong kumalat hanggang sa nalaman ng mga magulang ko kaya pinagbawalan nila akong sumakay ng taxi o magmanehong mag-isa.

Lumingon pa ako sa sementeryo habang tumatakbo ang sasakyan namin. I just want to visit his sister's grave. After all, kapatid pa rin siya ng naging boyfriend ko. Hindi ako makapaniwala na wala na siya. Na siya pala ang nawala! Naalala ko 'yong mga araw na nakikita ko siya. Ang bata bata pa niya!

At ngayong nalaman kong buhay pa pala ang taong 'yon at si Zaeidra ang namatay, hindi ko maiwasang isipin kung bakit hindi man lang siya nagpakita sa akin! Bakit hindi man lang siya nagparamdam! Sinayang ko lahat ng luha ko. Akala ko patay na siya pero buhay pa pala. Hinayaan niya akong magdusa para sa wala!

Kung mahal niya talaga ako, hindi niya gagawin sa 'kin 'yon pero ginawa niya... Hindi rin ako makapaniwala na kaya niyang hindi magpakita sa akin hayaan akong magdusa sa pagkawala niya... Eh ano ang magagawa ko? We were still kids! Malay ko ba baka hindi totoo lahat ng ipinakita niya sa akin noon? We were kids but that doesn't mean it wasn't serious!

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now